Chapter 17

3.1K 91 1
                                    

Chapter 17 

Lyra's POV

Ano ba 'tong nakita ko kanina? Posible kayang gold digger siya at social climber? Nginitian niya yun eh. Haay, mag tanong nalang ako mamaya sakanya. 

"Si Lyra Martinez, feel ko hindi naman siya social climber at gold digger."

"Eh, bakit na afford niyang mag change look.? Like duh!" maka like duh naman. HAHAHA.

"Baka inalok siya ng mga kaibigan niyang mga Sawyer?" 

"Tama ka nga naman! Mga babait naman ang mga Sawyer."

"Ang ganda talaga nila."

"Pre, bigyan nanaman natin sila ng mga bulaklak." 

"Sige, mamaya pare, dismissal time!"

CHAROT! Positive side nga naman. Hindi naman kasi talaga ako social climber at gold digger. Kuntento na ako kung ano mang meron ako. :)

"Wow, Lyra! Ikaw na! Di na puro negative ang sinasabi nila!" masayang sabi ni Paula pagkaupo niya sa upuan niya.

"May nag plano pa ngang bigyan tayo nang mga bulaklak mamaya!" masaya ring sabi ni Xina.

Nginitian ko nalang sila. XD. Nginitian ko rin yung mga lalaking nag bulong-bulongan. Para naman hindi naman ako masabihan na snob. :D grabe naman ang ngisi nang mga lalaki. HAHAHA. 

Dumating na rin yung Prof. namin.  Mayamaya nag dismiss siya agad, may biglaang meeting daw. 

Kaya, grabe ang hiyawan nang mga ka klase ko. Walang klase eh. Favorite talaga nila yan. Ewan ko ba. XD

Magkatabi kaming apat nina Denise. Si Scarlet lang yung na iba ng upuan, kaya lumapit siya.

"Oh, ano na pag usapan natin?" sabi niya pagkaupo niya sa upuan nang isang ka klase namin. Lumipat din yung ka klase namin ng upuan. 

Tumingin ako kay Scarlet. "May itanong sana ako sayo." seryosong sabi ko kay Scarlet. Naramdaman ko ang tingin nila sakin nina Denise, di yata inasahan ang pagiging seryoso ko. 

"Ano naman, yon?" tanong niya. 

"Bakit mo nginitian yung mga babaeng nagbulung-bulongan kanina? Gold digger ka ba talaga at social climber?" straight to the point na sa sabi ko kay Scarlet. May halong seryoso parin ang tuno.

"Woah, Lyra. Ngayon lang kitang nakita na straight to the point mag salita. Wala talagang paligoy-paligoy ha. Paligoy-ligoy~" sabi ni Denise. Kinanta pa niya yung paligoy-ligoy na line ni Nadine Lustre. 

 Sinaway naman siya ni Xina. 

"H-huh? Y-yun b-ba? Nginitian ko lang sila, ibig sabihin nun, ngumiti ako sakanila bilang hindi magpapatalo sa sinabi nila. Kagaya nang mga artista, diba? Ngumingiti sila sa mga haters/bashers nila. Hindi nila hahayaan ang haters nila ma giba ang wall na tinatayo nila sa sarili. Gets niyo ba?" paliwanag ni Scarlet. 

"Oo, na gets namin." sabay-sabay na sabi namin. Nagkatinginan kami at tumawa. Hindi naman kasi namin inaasahan na iisa lang ang sabihin namin at sabay sabay pa talaga. HAHAHA.

Naniniwala na ako na hindi siya gold digger at social climber. Hindi naman niya ako magamit sa pera, hindi naman ako mayaman. lol. natawa ako sa naisip ko. :3 

"Oh, Lyra? Ba't naka ngiti kang mag isa diyan? Na isip mo ba crush mo? AYIIIIEEE!" nang asar na sabi ni Paula. Nang-asar na rin yung ibang kabarkada ko. HAHAHA. Ano ba 'to. :3 

"Hindi ah, may na isip kasi akong nakakatawa. Hindi crush ko noh. Hindi niyo nga siya kilala eh." tumatawa na sabi ko. 

Nag next topic naman kami. Hanggang sa lunch time na. 

"Punta muna tayo sa locker. Ilagay ko lang ang books kong hindi naman nagamit." reklamo ni Paula. 

Sumang-ayon nalang kami sa sinabi niya. 

Nilagay ko nalang din ang mga books ko sa locker. HAAY! Kaka-anounce lang wala nanaman dawng klase sa afternoon. Ano ba toooooh! Ma sabi nga kay Tito Richard, to. Feeling ko naman close kami. LOL. 

"San tayo?" tanong ni Scarlet

"Andito sa may mga locker." pamimilosopo ko. Tumawa naman sila. 

"HAHAHAHA. Lyra, upgrading ka na ngayon ah! Hindi ka naman ganyan dati." sabi ni Xina

"JOOKE! Sa canteen tayo pupunta. Okay?" sabi ko kay Scarlet. Tumango naman siya. 

Nag lakad naman kami papuntang canteen. May cafeteria naman dito, pero puro mga coffee at sweets ang nandun. :3 At hindi ko rin afford doon noh. Ang mahal mahal kaya ng mga pagkain at inumin doon.

Sinabayan ko ng lakad si Xina. "Xi,  ba't ang tahimik mo?" tanong ko sakanya. 

"Kasi hindi ako maingay." pamimilosopo niya. 

"Nu bayan. Bakit nga?" naasar na tanong ko ulit

"Ini-obserbahan ko kasi si---" Naputol ang dapat sasabihin ni Xina kasi sumabay si Paula at Scarlet samin pag lakad. 

"Sinong ini-obserbahan mo, Xina?" Tanong ni Paula.

Sumang-ayon naman si Scarlet. "Oo nga. Anong inobsersabahan mo?"

"Hindi ANO kundi SINO. Akala ko narinig mo?" pagcocorrect ko kay Scarlet habang naka poker face. 

Inulit naman niya ang sinabi niya kanina. "Oo nga, narinig ko rin. Sino ba ang ino-obserbahan mo?" ini-emphasize pa talaga ang "SINO". -,-

- - - - - - - - - - - - - - - - - -

Sino ba ang ino-obserbahan ni Xina? COMMENT!

 HAHAHA. See you sa next chapter! :) #2015

PAVOTE! ^_^

The Lost DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon