“It’s not easy living a lie, pretending everything’s perfect when it’s not. I learned that lesson a while ago.”
– Scandal
53- Captured
Kaizer:
“Kaizer, where are you now?” Narinig kong wika ni Tita Thalia sa kabilang linya nang sagutin ko ang cell phone ko.
“At the restaurant, bakit po, tita?”
“Si Azalea, andyan ba?” nagulat ako sa tanong niya.
“Po?”
“Please tell her don’t leave until I get there.” Sasagot pa sana ako nang ibinaba na niya ang phone.
‘Alam na ba niyang may kakambal si Thea?’ Tanong ko pa sa sarili. ‘Pero hindi pumasok ngayon si Zale. Ano kayang nangyari dito? Hindi kaya…” Hindi na natuloy pa ang sasabihin ko pa sana sa isipan ko nang may pumukaw sa akin. It was Thalia. Ang bilis naman… Nandito na agad?
“Tita?” gulat ko pang tawag dito.
“Where’s Azalea?” Nagmamadaling tanong niya sa akin.
“Hindi siya pumasok ngayon, tita. Bakit po? Kilala niyo po ba siya?”
Tiningnan niya ako na may pagkabalisa.
“Hindi mo pa ba nakita si Thea?” tanong niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.
“Yeah, not a chance.”
“How do you know Azalea?”
“Azalea? She’s my classmate and my friend. Why?”
“She is Thea’s… twin sister.”
“What?”
“I’ll tell you the details later. Now, where is she?” Bumalik naman ang pagpapanic nito.
“I don’t know. Hindi niya sinabi sa akin kung nasaan siya. She just texted na hindi siya makakapasok ngayon.”
“Wala rin siya sa bahay nila.” She exclaimed.
“What? Kung ganun asan siya?”
“Call her.” utos din naman ng ginang sa akin na agad ko din namang sinunod.
“Naka-off iyong cellphone niya.”
“Ano?”
“Let me call Jamaica, her best friend.” agad kong wika dito nang maisip ang kaibigan niya’t tinawag ito agad.
“Hi! Jam, nandyan ba si Azalea sa inyo?” Tanong ko mula sa kabilang linya.
“Wala, bakit?” sagot naman nito agad.
“Hindi ba kayo sabay na umuwi?”
“Hindi eh. Pinauna na niya ako kasi may naiwan daw siya sa locker niya.”
“Ganun ba ? Sige-sige… salamat.” Sagot ko pa bago pinatay ang tawag.
“Anong sabi?” tanong ni Tita sa akin.
“Wala raw eh… Hindi sila nagsabay umuwi kasi may binalikan pa daw sa locker niya.”
“Locker? In your school?” Wika niyang parang may naisip.
Tumango ako.
Bigla ay parang may pilit itong inaalala.
“That was her!” Kinakabahan pang bulalas niya.
“What do you mean?” Kunot noong tanong ko dito.
“When I was talking to Zach’s father there’s a girl that passes through the hallway…” Napahinto siya nang muling may naisip. “Kung ganun narinig niya lahat ng pinag-uusapan namin ng daddy ni Zach?” Bulalas niyang hindi makapaniwala at bigla’y nawalan ng kulay sa buong mukha niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Romantic-Comedy/Drama Meet Zachary Ridenfield, ultimate heartthrob ng Ridenfield academy. Mayaman, matalino, at higit sa lahat ubod ng yabang. Ang pinakainiiwasang tao ni Azalea sa buong school nila. Si Azalea naman ang simple, boring, matal...
