44-The Father's Love

36.5K 799 40
                                    

“I am standing before you today with a troubled heart. I’ve insisted on taking responsibility for your lives that I am really, just like a first time parent, who makes mistakes and learns as he goes along. And like that parent I find myself at that moment when I have to decide.”

 

44- The Father’s Love

“Get my daughter from her, Artemio.” Matigas na wika ni Manny sa akin isang linggo matapos nitong magkamalay dahil sa ginawang operasyon sa kanya. Ilang araw din itong hindi makausap ng maayos at tahimik lang na nakamasid sa isang sulok ng silid.

Kaya naman nang magsalita ito ay ikinagulat ko. Nalaman kong si Thalia ang dahilan nang pagkakaaksidente ng lalaki ngunit hindi ko rin naman masisisi ang babae dahil kung sana’y payag lang ang mga magulang niya sa relasyon nilang dalawa ay hindi na sana siya aabot sa ganito.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko dito kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy nito.

“Help me to get my daughter from her. Hindi ko siya hahayaang maging masaya kagaya ng ginawa niya sa akin. Kailangan kong makuha ang anak ko sa kanya.” Ramdam ko ang pagkamuhi at sukdulang galit nito sa mga oras na ito. Sa higit tatlong araw sigurong pagiging tahimik niya ay iyon lang ang tanging solusyon sa sakit na nararamdaman niya ngayon.

“Sigurado ka ba talaga?”

“I have to raise my daughter no matter what.”

I didn’t say anything and was just staring at him.

---  ---

“Alam ba niyang may kakambal ang anak niya?” tanong ko sa doctor ng puntahan ko sa ospital ang babae kung saan ito nanganak.

Umiling-iling ang doctor. “No, the moment na nailabas niya ang bata ay nawalan na siya ng malay. So, hindi rin niya nakita ang hitsura ng anak niya matapos nitong makapanganak.”

“That’s good. Please don’t let somebody knew about this. It’s just only between us.” Wika ko pa dito bago inabot ang isang papel ditong may laman ng pera.

Pinuntahan ko naman agad ang sanggol kung saan ito nakahiga bago pa man magkamalay ang ina nito. Para itong isang anghel habang nakapikit ang mga mata nito. Tiningnan ko ang kambal and I found out na identical pala ito. Siguro naman pwede kong iwanan man lang si Thalia ng alaala niya kay Manuel. Alam ko rin namang mahal niya ang lalaki at kaya niyang e-give up ang pagmamahalan nila maisalbar lang ang buhay ng anak nila. Biktima rin siya ng bawal na pag-ibig kaya di ko rin kayang ipagdamot sa kanya ang anak nito. I was about to get one of the babies when the other one moves and plastered a smile on her face. She was so angelic and beautiful, very innocent to suffer this cruelty the world pour unto them.

This baby deserves to have a happy family. Napakainosente pa nila para maranasan ang pait ng mundo. Pero wala rin naman akong magagawa, they need to be separated para naman maging masaya rin si Manuel. They both need someone that can make them happy.

Kaya sa halip na iyong tulog na sanggol ang kunin ko ay iyong isa ang kinuha ko. At sa pagkakataong kinarga ko ito, I’ve seen her smile again at me. And I’ve said to myself that I will protect her too no matter what.

--- --- ---

“Siya na ba iyan?” nakangiti at sabik na tanong ni Manuel sa akin pagkapasok ko pa lang sa silid nito sa ospital.

“She’s like an angel.” Nakangiti ko ring saad dito.

Agad din naman niyang kinuha sa akin ang bata at nilaro-laro ang mga daliri nito habang kinakausap.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon