8 – Lunch date with the Hearthrob
Azalea
Papasok na kami sa cafeteria nang may tumawag sa akin mula sa likuran.
“Azalea.” Nilingon ko ito at nakita kong nakangiti si Ryder sa akin. “Hindi mo naman siguro nakakalimutang kailangan ko mo akong e-treat for lunch, hindi ba?” Tanong pa niya sa akin nang makalapit.
“Oo naman.” Nakangiting tugon ko dito bago nagsimula nang maglakad papasok.
Naramdaman ko ang pagsiko ni Jamaica sa giliran ko at saka ko naalala na hindi ko pa pala siya napapakilala.
“Ryder, by the way this is –“
“Jamaica. Sino ba namang magkaklase ang hindi kilala ang isa’t – isa.” Putol pa niya sa sinasabi ko. “But, it’s my pleasure to finally know you.” Dagdag pa niyang inilahad ang kamay nito kay Jamaica na agad din namang tinugon ng huli.
“Me too.” Ngiting –lapad na sabi niya sa lalaki.
“Hey! Ryder, bakit mo ako iniwan?” Napahinto kami ulit nang muli ay may nagsalita mula sa likuran namin.
It was Aiden. And speaking of Aiden napansin ko ang pagsingkit ng mata ni Jamaica nang makita niya ito at agad din namang tumalikod.
“Akala ko ba hindi ka sasama?” Sagot ni Ryder at ipinagpatuloy na rin namin ang paglalakad.
“Did I say something like that?” wika naman ni Aiden na tiningnan kunwari ng masama si Ryder bago itinuon ang pansin sa amin. “Azalea, right?” nakangiting tango niya sa akin na tinanguan ko lang sabay labas ng matipid na ngiti sa labi ko.
Napansin kong biglang napalis ang mga ngiti nito nang makita si Jamaica. “And you’re with your loud friend.”
Magkasalubong ang kilay na nilingon ni Jamaica ang lalaki. “What did you say?” inis na asik ni nito na kulang na lang ay sapakin ito kung hindi lang kami nakagitna ni Ryder sa kanila.
“Why? What are you going to do?” Panghahamon pa nito sa babae ngunit sa hindi ko inaasahan ay lumapit siya sa lalaki mula sa likuran at binatukan ito. “Ow!” napangiwi si Aiden habang hinimas-himas nito ang batok.
“Bakit? Papatulan mo ako?” sagot nitong naka-cross arms na habang nakairap dito.
Pareho kaming napatawa ni Ryder sa inasta ni Jamaica kaya naman nagpatiuna na lang kaming maglakad at nang makarating na sa counter ay nagsimula ng mag-order ng pagkain.
“Magkano ‘ho lahat, ate?” tanong ko sa isang attendant. “Kasama din po ‘yung sa kanya.”
“265 lahat.” Ani ng tindera. Dudukutin ko na sana ang wallet ko mula sa bag nang mag-abot naman si Ryder ng pera dito.
“Dito niyo na po kunin ate.” Wika pa niya sa babae. Nagtataka namang napalingon ako dito. Matapos ibigay ng ginang ang sukli ay nag-umpisa na rin kaming maglakad papunta sa table.
“Akala ko ba ako ang bibili ng lunch mo?” Pagsusungit-sungitan ko pa dito habang naglalakad.
“Sa tingin mo talaga hahayaan kitang gawin iyon? Nakakahiya naman sa part ko iyon gayong bago pa lang tayo nagkakakilala.” Natatawang wika pa niya sa akin. “It’s only my excuse to join you for lunch.” Hirit pa niya saka nagpatiuna nang naglakad dahil napahinto ako bigla sa sinabi niya.
Ryder naman, eh. Pinapakilig mo naman ako eh. Kinikilig na sabi ko pa sa sarili at sumunod na dito.
Nakalapit na rin si Jamaica sa akin nang makarating kami sa table kasunod niya si Aiden na nakasimangot.
![](https://img.wattpad.com/cover/17776926-288-k784703.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Romantic-Comedy/Drama Meet Zachary Ridenfield, ultimate heartthrob ng Ridenfield academy. Mayaman, matalino, at higit sa lahat ubod ng yabang. Ang pinakainiiwasang tao ni Azalea sa buong school nila. Si Azalea naman ang simple, boring, matal...