42 - The Truth

41.3K 884 48
                                    

"The trick was forgetting about what she had lost ...and learning to go on with what she had left."

 - Lisa Kleypas

Note: Proofreading not done, may encounter some grammatical errors and spelling.

42- The Truth

Zachary:

Napahinto ako saglit at nagtatakang pinagmasdan siya. Ano ba ang gusto niyang sabihin? Nagpapanggap lang ba siyang nawala ang memorya niya? Or maybe not. Pero ang pinakamasakit isipin ay ang pagsabi niyang kinamumuhian niya ang ama ko. Sa paraan ng pagkakasabi at pagkakatingin niya sa akin ay isang indikasyon na may itinatago siyang galit para sa ama ko. Posible kayang ang dahilan ng pagkawala ng alalaala niya ay dahil kay daddy?

"Alam kong maraming hindi magandang bagay na nagawa si Daddy sa'yo pero hindi ko lubos akalaing masasabi mo ang--" I stop when she laughs sarcastically.

"You don't know anything, Zach! Kaya mas mabuti pang lumabas ka na lang dito.

"Kaya nga sabihin mo sa akin kung ano ang hindi ko alam!" I insist.

"Bakit hindi mo tanungin ang ama mo kung sino talaga ako at kung saan ako nanggaling?" She said it angrily. "Bakit hindi mo siya tanungin kung sino talaga ang totoo kong mga magulang? At bakit kailangan niya akong tratuhin ng ganito? Bakit niya kailangan gawing miserable ang buhay ko the moment na ipinanganak ako?" Hysterically she shouted at me. "Zach... if you will only know, I hate all about your family, so stop it....stop pretending that you could actually care for me.  Sooner or later you will be engaged so please... pretending as if you care will not change the truth."


I stare at her trying to read if she really meant what she says pero hindi ko nakitang pinagsisisihan niya ang nasabi niya sa akin. Napabuntong hininga ako ng malakas at inilayo ang tingin mula dito. I can't manage to see her in that state. Ramdam ko ang matinding galit na nararamdaman niya at ang pagkawalan ng pag-asa. Na parang ipinagkait ng mundo sa kanya ang maranasang maging masaya. Na parang kinuha sa kanya ang dapat sana'y narananasan niya. Hindi ko na kayang tingnan siya sa ganitong sitwasyon dahil alam kong hindi rin naman ako makakatulong sa kanya. Kailangan kong malaman ang katotohanan. Katotohanang minsa'y hindi makakatotohanan. Isa akong tanga na madaling mapaniwala.

"I'm sorry... I didn't know that you really think of me like that..." I said not even bothered to look her in the eyes and turn my back from her.

Azalea

Napatda ako sa sinabi ko sa kanya. Hindi ko man lang nagawang kontrolin ang sarili kong masabi ang mga bagay na iyon sa kanya. Gusto ko sana siyang pigilan at sabihing hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko nang makaramdam ako ng pagkahilo kaya naman ay napaupo ako sa sariling kama habang hawak-hawak ang noo ko.

Alam kong wala siyang kasalanan sa lahat ng mga nagawa ng daddy niya sa akin pero di ko pa rin napigilan ang sariling mapagbuntunan siya sa lahat ng kasalanang nagawa ng daddy niya at ni tatay sa akin lalo pa't sa tuwing naalala ko ang mga araw na iyon ay mas lalo lang umiigting ang galit at poot na nararamdaman ko.

Yeah, ang tatay kong inakala kong sarili kong ama ay isa rin pala sa mga taong handang sirain ang buhay ko. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit ako pa ang kailangan nilang sirain. Hindi ko man lang naranasan ang magkaroon ng sariling ina't tunay na ama.

Bakit hindi na lang nila ako itinapon noon nang sa ganun hindi na sana ako nakakaramdam ng pagkasuklam sa kanila. Kung sana hindi ako nawalay sa mga magulang ko hindi na sana ako nakararanas ng ganito. Pero hinahanap din kaya ako ng totoo kong mga magulang? Alam ba nilang may anak sila?  Kung ganun bakit wala man lang akong narinig mula dito?

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon