19- Head over Heels in Love

70.8K 1.4K 86
                                    

"There is never a time or place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment."

--The Truth About Forever by Sarah Dessen

19-Head over Heels In Love

 

Azalea

"What's wrong with you?" tanong ko kay Zach nang hilahin niya ako palabas ng mansion nila Kaizer. Masakit na rin ang kamay tsaka paa ko dahil sa ginawa nitong paghila sa akin. Nang hindi pa rin siya tumigil sa pagkakaladkad sa akin ay muli akong nagsalita. "Zach, nasasaktan ako." Basag na iyong boses ko kaya naman ay agad niya itong binitawan at hinarap ako.

Hinimas-himas ko muna iyong pulsuhan kong mahigpit na hinawakan niya kanina at dahan-dahang umupo sa bench na nakita ko. Ngayon ko lang napagtantong malayo-layo na din pala ang nabagtas naming daan dahil nandito kami ngayon sa isang tahimik na park mga two hundred meters ang layo mula sa bahay nila Kaizer.

"Ano bang problema mo?" sabay naming tanong na dalawa at pareho ding masama ang tingin na pinupukol namin sa isa't-isa. Ilang sandali kaming nagkasubukan ng tingin bago ko siya sinagot.

"Wala akong problema, Zach. Kaya pwede ba huwag mo akong idadamay dyan sa init ng ulo mo." Pasigaw ko na ring sagot sa kanya at napabuga naman siya ng malakas na hangin bago niya ginulo ang buhok niya.

"Why are you so difficult, Zale?" pasinghal na tanong niya sa akin na ikinakunot noo ko.

"Pwede ba, Zach I don't have a problem here so please stop blaming me."

"Why can't you understand?" pasigaw na sunod na tanong niya.

"Ang alin? Wala ka namang sinasabi sa akin. I'm trying to talk to you kanina but you just ignored me." Pasigaw ko na ring wika dito.

"Why are you always doing this to me? Why can't you see na nahihirapan ako sa mga ginagawa mo ngayon?"

"Can you just go straight to the point?  I don't really understand you, Zach. Hindi ko malaman kung paano ka iintindihin... first few hours you're happy then next thing I knew you're mad at me. Then, you ignored me... tapos malalaman ko na lang makikipagkita ka na sa mga magulang ni Cindy. Kaya pwede ba Zach huwag mo sabihin sa akin na ako ang mahirap intindihin."

"Where have you been yesterday?"

"Sinamahan ko lang si Kaizer. Niyaya niya ako kahapon na maging date niya ngayon. May nagawa siyang favor sa akin before so I think it's time for me to return back the favor he gave me. I was trying to talk to you this morning but you keep on ignoring me and later on I just found out that you're with Cindy so I'm mad with myself." Nakita kong napahinto siya sa sunod-sunod na pagsinghal ko sa kanya saka nakakunot noo na tinitigan niya ako sa mga mata.

"Wait! Are you jealous?"

"If that's what you called jealousy then maybe I was jealous. If jealousy is part of loving you then I have to accept it... I'm jealous with Cindy." Napahinto ako saglit at binalingan siya. "Teka, bakit ko ba kailangang mag-explain sayo at bakit ka ba nagagalit sa akin? At bakit ang init-init ng ulo mo?"  

"Dahil iniwanan mo ako, Zale. Inis ako sayo dahil mas pinili mo si Kaizer kesa sa akin, galit ako sayo dahil hindi ka man lang nag-atubiling kausapin ako kanina at inis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang magawang sabihin na ---Wait! Did you say you love me?" naiba ang sasabihin niya nang maalala niya ang sinabi ko kanina.

"You better learn when to listen well, Zach." Pag-iiwas ko ng tingin dito nang maiabsorb ko din iyong sinabi niya. "Nagseselos ka din ba?" nagtatakang tanong ko rin dito at hindi naman siya nag-atubiling itanggi iyon.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon