One of the greatest accomplishments in a person's life is if he can trust someone other than himself, wholeheartedly, and sustain it faithfully all throughout his life. That's a perfect example of a real success.
P.S. Chapter proofreading not done, might encounter some grammatical errors and spelling.
————————-***——***————————
29- Surprised Concert
Azalea:
Napabalikwas ako mula sa pagkakahilig sa balikat niya at puno ng pagtatakang hinarap siya.
"Bakit?"
Matamang tinitigan niya ako, puno pagsusumamo sa mga mata nito.
"I just feel you don't have to." Sagot niyang hindi iniiwas ang mga mata at hinawakan ang kamay ko.
Pilit kong inuunawa kung ano ang posibleng maging dahilan niya ngunit hindi ko na lamang inungkat pa dahil baka nga may mas mabigat pa siyang rason at pinoprotektahan niya lamang ako.
"Okay. If you said so." Nakangiting saad ko sa kanya.
"Thank you." Para namang nabunutan siya ng tinik at nakangiti na ring sumagot sa akin.
"Can we go?" tanong ko maya-maya.
Nauna na siyang tumayo at inabot ang kamay ko na ibinigay ko naman sa kanya at sa panahong papatayo na ako ay bigla niya itong binitawan na muntik ko ng ikinatumba ngunit hinawakan din naman niya agad ang beywang ko at humakbang siya para mapigilan iyon kaya naman parang stepping lang ng sayaw ang posisyon namin ngayon.
"May galit ka ba sa akin?" tanong ko pa sa kanya nang hindi pa rin niya ako pinapatayo at nanatili pa ring nakahiga sa braso niya ang buo kong likod.
"I want you to hold me tight no matter what happen, Zale." seryosong wika niya na ikinataka ko bago pa niya ako inalalayang makatayo ng maayos.
Agad ko din namang kinuha ang bag sa damuhan at hindi masyadong binigyan ng pansin ang sinabi niya.
"You must learn not to let go of me nang sa ganun hindi rin ako mahulog." Napapailing na sagot ko naman dito na ikinakamot na lamang niya sa batok niya.
"I'm sorry. I thought you hold it tight."
"Kita mo namang hindi ko pa nga masyadong naikapit sayo ang kamay ko eh." Pagsusungit ko naman dito at nagsimula ng maglakad. Sumabay naman siya sa akin na napapangiti pa rin.
"So, when was the audition?" pag-iiba niya ng topic.
"Next two days." Matipid na sagot ko dito.
"Can I come?"
"No..." mariing tanggi ko rin dito.
"Bakit?" Siya naman ang nagtaka.
"Di nga ako pwedeng manood ng pageant mo, eh."
"Zale..." sumama ang timpla ng mukhang pagpoprotesta pa niya na sinagot ko naman agad habang iwinagayway ang kamay sa ere.
"Okay...okay... I'm just kidding. You can come anytime you want." At ngayon ay sumilay na ang ngiti nito tsaka ako inakbayan habang iyong isang kamay ay nasa loob naman ng bulsa niya.
"That's my girl." Saad pa niya na nakangiting nilingon ko na lang.
———***———-****———***———
"Best!" tawag sa akin ni Jamaica nang makita niya ako paglabas ko nang classroom matapos ang klase namin for the day. Nilingon ko ito at agad naman nitong ipinulupot ang kamay sa aking braso.
BINABASA MO ANG
Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Romantic-Comedy/Drama Meet Zachary Ridenfield, ultimate heartthrob ng Ridenfield academy. Mayaman, matalino, at higit sa lahat ubod ng yabang. Ang pinakainiiwasang tao ni Azalea sa buong school nila. Si Azalea naman ang simple, boring, matal...