18-Let's Play the Tug-of-War Game

76K 1.3K 75
                                    

"I wanted to tell you that wherever I am, whatever happens, I'll always think of you, and the time we spent together, as my happiest time. I'd do it all over again, if I had the choice. No regrets."

--Boundless by Cynthia Hand

---*-*-*-*-*-*-*----*-*-*-*-*

18- Let's Play the Tug-of-War Game

Azalea:

"Best..." salubong ni Jamaica sa akin kinabukasan. Hindi na kasi kami nagkausap kahapon dahil isinabay ako ni Kaizer sa pamimili ng isusuot ko mamaya for the party. "Where have you been yesterday?" pagsusungit pa niya sa akin.

"Sorry nga pala kahapon, best. Hindi na ako nakapagpaalam kasi biglaan akong niyaya ni Kaizer eh."

"Kaya naman pala." Sigaw pa niya sa akin na parang nakuha na ang kasagutan sa matagal na niyang katanungan sa sarili kaya napakunot noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hay, naku best! Ang init ng ulo kahapon ni Zach nang umalis sa table natin. Pinagsisipa iyong mga silya dun sa café."

"Ha?Bakit?" gulat na tanong ko dito. Wala naman siguro akong ginawang masama kahapon sa kanya, meron ba?

"Bakit di mo tanungin sa sarili mo?"

"So, kasalanan ko kung bakit ganun siya kahapon? Ano bang ginawa ko?"

"Hay, ewan ko sayo, best masyado ka lang ba talagang tanga o nag-bubulag-bulagan ka lang?" naiinis na ring sagot ni Jamaica sa akin habang napapakamot sa buhok nito.

"Ano bang punto mo?" magkasalubong na rin ang kilay na tanong ko sa kanya. Umayos siya ng tayo at hinarap ako.

"Best, sabihin mo nga may gusto ka ba kay Zach?" curious na tanong pa niya sa akin.

Hindi ako sumagot at tumitig lang sa mga mata niya.

"Kung gusto mo pang isalba ang nararamdaman mo para sa kanya. Manghingi ka ng sorry dito."

"What? Bakit ako maghihingi ng sorry eh wala naman akong ginagawa sa kanya?"

"Do you like him?" pag-uulit niya sa tanong nito kanina kaya naman napatango ako. "Then you should go... apologize to him and clear it up."

"Bakit ko gagawin iyon?" naguguluhan ko pa ring tanong dito.

"Trust me, best. I know you'll be thanking me later." Nakangiting sabi niya sa akin saka ako iniwanan.

"Sa'n ka pupunta?" kunot noong tanong ko pa dito.

"May gagawin pa ako." Sabi pa niya bago ikinaway ang kamay sa ere.

Ipinagpatuloy ko na rin iyong paglalagay ng libro ko sa locker at nang isasara ko na iyon nakita kong paparating si Zach kaya hinarap ko ito at nginitian ngunit parang hindi niya ako napansin at nilagpasan niya lang ako. Napalis ang ngiting nailabas ko kanina at napalitan iyon ng pagtataka at pagkatulala.

'What's wrong with him?' tanong ko sa sarili habang sinusundan ito ng tingin. Kasalukuyan na nitong nilalagay ang librong dala sa locker niya na mga five lockers lang ang pagitan sa locker ko ngunit hindi pa rin ito nag-atubiling lingunin ako. 'I thought we're okay? Pero bakit parang bumabalik na naman sa dati?' at parang may karayom na tumutusok sa puso ko nang makita kong nilapitan siya ni Cindy at hinalikan iyon sa pisngi.

Binuksan ko na lang ulit ang locker at itinago do sa pinto ang mukha ko.

"Shall we go?" narinig kong wika ni Cindy kay Zach at nakita ko ang pagangkla ng kamay nito sa braso ng lalaki nang patago ko silang tiningnan.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon