"The last year of my life has been like this wide-awake nightmare of conflicting emotions. But no matter how bad it got, one thing kept me going. Us. Our bond, our connection, whatever you want to call it. It made me feel like I wasn't alone, like I was part of something special. So I'm not whining about being friends or not being friends. It's just that...for the first time in my life... I'm not feeling that connection anymore. And it scares me."
- Dawson's Creek
39- When everything falls apart
Azalea:
"Best!" tawag sa akin ni Jamaica mula sa gate ng school ngunit dahil nga mabigat ang dinadala kong emosyon ay hindi na ako nag-abalang lingunin pa ito. Gabi na rin at medyo madilim na, sabayan pa ng mga luhang nakapagpalabo lalo sa paningin ko habang tumatakbo. Kaya naman hindi ko namalayang pagtawid ko ay may sasakyan palang dumaan na hindi ko nakita nang ilinga ko ang paningin sa kaliwa't kanan kanina bago pa man ako tumawid.
Napahinto ako sa gitna ng kalsada nang marinig ko itong bumusina at napatingin naman ako sa kotseng rumaragasa sa pagtakbo. Hindi ko alam ang gagawin at animo'y parang nakapako na ang paa ko sa kalsada.
"Zale!" narinig kong tawag ng kung sino mula sa kinatatayuan ni Jamaica pero sa boses nito ay sigurado akong si Kaizer ang may-ari nun.
Sunod-sunod na rin ang pagbusina ng sasakyan habang papalapit ngunit para akong batong hindi makagalaw at biglang nanigas ang katawan. Then, suddenly a picture of a little boy came into my mind. Nakahinto ito sa gitna ng kalsada habang tinatali nito ang kurdon ng sapatos.
"May sasakyan!" sigaw ko pa dito ngunit naging para na rin itong maniquin na hindi na rin maigalaw ang paa habang nakatingin lang sa canter na posibleng humigit sa kanya.
Kaya naman nagmadali akong tumakbo papunta dito at itinulak ito palayo dahilan upang matilapon ako nang hindi ko na alam kung ano ang dahilan.
Naramdaman ko rin ang pag-hawak ng batang lalaki sa ulo ko at pinahiga iyon sa binti niya.
"Thea..." tawag ng batang lalaki sa akin ngunit masyado ng mahina ang katawan ko kaya hindi ko magawang imulat ang mga mata. "Thea...please...please...gumising ka."
Napahawak ako sa noo nang maramdaman kong para itong pinipisil sa sakit.
"Okay ka lang ba?" narinig kong kinakabahang wika ng babaeng nasa harapan ko na ngayon. Tiningnan ko siya at kita ko ang pagkakakunot noo niya kahit medyo hindi ko maaninag ang mukha nito at mababakas rin ang pag-aalala mula dito. Narinig kong napabuntong-hininga siya ng malakas nang ilinga ko ang paningin sa palibot at nakitang nakahinto na ang kotse bago pa man ako mahatak nito. "Thank God you're okay." Nakaginhawa na rin ng maayos ang ginang at napahawak pa sa may dibdib nito.
Sinipat-sipat niya ang katawan ko pati na rin ang mukha ko at ganun na lamang ang pagkalaki ng mga mata niya nang maaninag niya ang kabuuan nun. "Thea?" tanong nito sa akin na ikinagulat ko.
'Bakit palagi nila akong tinatawag na Thea?' Kilay ko naman ngayon ang nagsalubong nang napatingin sa kanya. "Pasensya na po sa perwisyo." Wika ko na lamang dito na hindi na nag-usisa pa. Siya namang pagkarinig ko ng pagsigaw ng isang lalaki mula sa kabilang kalsada.
"Zale!" nilingon ko si Zach at habol nito ang hininga na huminto saglit para kumuha muna ng hangin. Bakas din sa mukha nito ang takot at halatang nag-alala masyado sa muntik ko ng pagkasagasa. Ngunit bigla naman bumalik sa isipan ko ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon kaya naman naisipan kong tumakbo ulit.
BINABASA MO ANG
Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Romantic-Comedy/Drama Meet Zachary Ridenfield, ultimate heartthrob ng Ridenfield academy. Mayaman, matalino, at higit sa lahat ubod ng yabang. Ang pinakainiiwasang tao ni Azalea sa buong school nila. Si Azalea naman ang simple, boring, matal...