34- I can't let you go

46K 1K 56
                                    

I opened up to you, and you judged me.

— Silver Linings Playbook

——*****——

34 — I can't let you go

Azalea:

Papunta ako sa locker ngayon para maglagay sana ng mga libro nang makita ko si Zach na kumukuha naman ng gamit niya mula sa locker nito.  Napahinto ako at pinagmasdan siyang gawin iyon. Lalapitan ko sana siya nang lumingon naman ito sa banda ko at kagaya kanina ay madilim pa rin ang aura nito.  Ilang saglit din niya akong tinitigan bago siya nag-akmang tumalikod.

"Zach?" pigil ko sa paglalakad niya at nagpasalamat na huminto ito ngunit hindi rin naman nag-atubiling lingunin ako. Nanatili lamang itong nakapamulsa sa suot nitong pantalon habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa libro niya.

"May sasabihin ka ba? Because I might be late in my class." malamig na sabi niya sa akin nang hindi ko mahugot ang tamang salita. Para namang binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang katagang iyon.

"I'm sorry..." wika ko ditong pinigilan ang boses na mabasag dahil alam kong ilang sandali pa ay tutulo na naman ang luha ko.

Pagkarinig nun ay umalis na rin naman siya. Napasunod na lamang ako ng tingin dito at sa inaasahan ko ay naramdaman ko na ang pagdaloy ng mainit na likido sa pisngi ko.

"Zach, please don't do this to me." Wika ko pa sa sarili at unti-unti ng lumalabo ang paningin ko dala ng luhang patuloy pa rin sa pagdaloy.

Agad ko din namang pinunasan ang mga luhang iyon matapos mabawi ang huwesyon at nagpatuloy nang naglakad papunta sa locker.

Ilang oras din ang lumipas hanggang sa natapos na iyong pang-umagahang klase namin. Nilapitan ako ni Jamaica habang inaayos ko naman ang mga gamit ko sa bag.

"Zale, tara lunch na tayo." Masiglang wika niya sa akin at nginitian ko naman ito ng tipid nang lingunin ko para hindi na niya malamang may problema ako.

"Saglit lang." wika ko pa bago tinapos na ang pag-aayos sa mga gamit. Ilang sandali rin ay tumayo na ako. Umakla naman si Jamaica sa braso ko bago nagkwento sa mga nangyari sa kanya. Pero wala akong maintindihan na kahit ano man dun dahil nga puno ang utak ko sa isipang hindi pa rin kami nagkakaayos ni Zach.

"Zale? Nakikinig ka ba?"

"Huh?"

"Tsk... tsk... sabi ko na nga ba eh. Lumilipad na naman ang utak mo. Hindi mo rin siguro namamalayang nandito na tayo sa cafe noh? Aigoo!." Napapailing na wika pa niya sa akin at napakamot naman ako sa batok.

"Ano nga iyon?" pilit na ngiting saad ko sa kanya.

"Ang sabi ko anong kakainin mo? Kanina ka pa dyan nakatitig di ka naman umoorder."

Agad din naman akong nakabawi at hinarap si manang tindera. "Ito pong sa'kin, manang." Turo ko sa isang putahe.

"Iyan lang ba oorderin mo?"

"Huh?"

"Tsk,..tsk..." wika niyang kinuha na ang tray ng pagkain at nag-umpisa ng maglakad papunta sa table. Sumunod naman ako dito. "Wala ka sa sarili, tapos kunti lang inorder mo. Sabihin mo nga? May problema ka ba?" saad pa niya nang makaupo na kami. "At bakit wala sila Zach? Di ba sila sasabay sa atin?"

Hindi ako sumagot at hindi rin ako tumingin sa kanya.

"Best, baka nakakalimutan mo nandito pa ako, you know?" Nag-aalalang wika pa niya na di ko rin naman tinugon. "I'm here to listen. Whatever you're feeling right now you should share it to your friend nang sa ganun ay maibsan naman ang nararamdaman mo." Napatingin ako sa kanya.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon