6-Villain's Arrival

93.2K 1.6K 65
                                    

Azalea:

“Zale, kumusta?” Masayang ipinulupot ni Jamaica ang kamay niya sa braso ko nang makita ako nito sa may gate ng school.

“Jamaica!” tuwang sabi ko pa saka niyakap nang napakahigpit.

Si Jamaica ay ang best friend ko. Mayaman pero di maarte, napaka-down to earth at naiiba sa lahat ng mga estudyante dito dahil sa kabaitan nito.

“Ba’t ngayon ka lang, ha?” nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanya nang kumalas ako.

“Hay, naku, best! Kararating lang namin galing Singapore no? Nakakapagod pa nga eh, pero kailangang pumasok dahil miss na kita.” Natutuwa pa ring wika nito sa akin. Ito naman ang napakunot noo nang makita ang kaliwang braso ko na may gauge. “Anong nangyari?” nagtatakang tanong nito.

“Nahulog kasi ako sa hagdan kagabi.”

“Ganun? Tanga-tangahan lang?” Napatawa ako sa tinugon niya, kahit naman na ganun siya ay alam ko namang biro lang iyon.

Tumango-tango na lang ako bilang pagsang-ayon. Saka nagsimula na rin kaming maglakad na nakasukbit ‘yung kamay niya sa kanang braso ko.

“Pasalubong ko may dala ka ba?” kunwari ay nagtatampong sabi ko sa kanya.

“Syempre naman, best. Hindi kaya kita nakakalimutan no?”

“Talaga? Ano naman?” Nakangiti ng sagot ko sa kanya.

“Maya na no, dun sa classroom.”

“Sige, sabi mo eh.”

“Gaga ka, ba’t di ka nagtetext sa akin?” asik nito sa akin.

Napakamot ako sa batok ko.

“Kasi naman nasira ‘yung cellphone ko.”

“Ganun ba? Gusto mo bilhan kita?”

“Hindi, okay lang. May pumalit na rin naman dun.” Nag-aalinlangan kong sagot dito. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa braso ko at nakataas ang kilay na hinarap ako.

“At sino naman ‘yun? May kailangan ba akong malaman?”

Napangiwi ako sa narinig. Sabihin ko na lang kaya sa kanya tutal alam na din naman niya ang tungkol sa pagtira ko kila Zach.

“Pwede, maya na lang lunch? Mahaba-habang istorya din kasi.”

Mas lalong tumaas pa ang kilay niya at pinag-aralan sandali ang mukha ko. Tapos bumalik na rin siya sa paghawak sa braso ko.

“Sige, palalampasin kita ngayon. Tutal first meeting pa naman natin.” Saka niya ako nginisihan at nagsimula na naman kaming naglakad papunta sa classroom.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami.

“Excuse me, ba’t dyan ka nakaupo?” Asik niya sa lalaking nakaupo sa dati kong pwesto sa loob ng classroom namin.

“Ah, Jam. Ano kasi…” pigil ko kay Jamaica ngunit nagsalita naman ang lalaking sa pagkakaalam ko ay Aiden ata ang pangalan at isa rin sa mga kaibigan ni Yabang.

"Palibhasa bagong dating ka pa lang at di mo alam ang mga pagbabago.”

“At ano naman iyon?” Masungit na tanong niya dito na hindi ako pinapansin.

“Subukan mo kayang tanungin ang kaibigan mo.” Sabi pa nito na lumingon sa akin saglit at inilagay na yung headphone sa tenga nito.

“Ha!” Lag-lag ang panga na sabi ni Jamaica sa inakto ng lalaki bago ako nilingon.

She tilted her head waiting for my answer.

“Ah, ano kasi, Jam. Pwedeng mamaya na lang talaga?”

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon