Hi, again.
Dahil inspired ako sa mga comments niyo ay natapos ko rin iyong isang chapter at ito na po siya. Hope you like it.
Vote naman po tayo:)
More comments din nang sa ganun ay mas lalo po akong maganahan. Actually, tina-type ko lang po itong chapter na 'to while nagba-byahe for almost two hours papunta sa work ko. Kaya naman ito na po siya.
P.S. :Unprofread so please accept my apologies for mispelled words and grammar.
Enjoy "-^^-"
-------------------*******__
16- Love Stranded
Azalea:
"Manong, wala na po ba talagang magbabyahe pabalik?" Narinig kong tanong ulit sa ikalimang pagkakataon ni Zach kay manong operator ng bangka.
Hindi na ako mapakali, nag-uumpisa ng makipagrambulan ang pagpulso ng puso ko. Hindi pwedeng mangyari ito kailangan din naming makabalik.
"Ay naku iho! Wala na talagang gustong bumyahe." At for the 5th time ay naiinis na ring sagot ni manong.
"Maaga pa naman manong ah, 4pm pa lang naman eh." At ngayon ay nagsisisi na ako kung bakit niyaya ko pa si Zach na mamasyal-masyal muna sa ibang lugar dito. Kung di ba naman dahil sa katakawan ko sa green nature edi sana nasa kabilang dulo na kami at hindi na sana nakastock ngayon dito.
"May balita kasing may bagyo kaya pinagbabawalan ng lumikas ang mga Bangka. Tingnan niyo naman lumalaki na ang alon. Delikado ng pumalaot pa."
"Ho? Bagyo 'ho? Mainit pa naman ang panahon kanina ah." My eyes got into zero. 'Bagyo? Dito sa isla? Paano kung lumaki ang tubig kagaya ng nakikita ko sat v? Paano kung magtsunami gaya ng sa Japan. Diyos ko huwag niyo naman po sanang ipahintulot.'
"Oo, iha. Sige, maiwan ko na kayo diyan." At iniwanan na nga kami ni manong.
"Ano ng gagawin natin? Kailangan nating makabalik." pagpapanic na tanong ko kay Zach.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni manong. WALA NG GUSTONG BUMYAHE DAHIL MAY BAGYO! Kaya pwede ba, Zale kumalma ka." Sabi pa niya na inemphasize pa talaga ang bawat katagang sinabi kanina ni manong.
"Paano kung lumaki ang tubig dito? Anong gagawin natin hindi pa naman ako marunong lumangoy."
"Huwag ka ngang mag-panic. Dahil kung katapusan mo na talaga kahit anong pag-iiwas mo ay mamatay ka pa rin."
And that snap me.
"Kailan ka pa naging makata ha? Hindi ko alam na may pagka-Mohammad Gandhi ka pala?" at bigla ay naramdaman ko na lang na unti-unti ng nawawala ang kaba ko.
"Kung ayaw mong matulog sa labas ay mas mabuting mag-umpisa na tayong maghanap ng matutuluyan." Pagsusungit pa nito sabay hila sa kamay ko palakad.
"Dinadatnan ka din ba? Sungit mo ha?"
"What?" asik pa niya sa akin.
"Wala... sabi ko ang gwapo mo."
"I know."
Inismiran ko na lamang ito at tahimik na kaming naglakad habang magkahawak kamay. Sweet namin noh? Inggit kayo? Asa pa kayo. Walang malice to kaya magtigil kayo.
Kung minamalas nga naman kami ngayong araw kanina pa kami palakad-lakad pero mga punuan ang mga paupahang mga rooms. At kung hindi pa kami makahanap ay malamang dito na kami sa labas matutulog. Nagsisimula na ring pumatak ang ulan at makulimlim na ang langit sabayan pa ng pagkulog at pagkidlat kaya naman nang may isang bakanteng silid kaming nakita ay nagpasalamat kami kaya lang...
BINABASA MO ANG
Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Romantic-Comedy/Drama Meet Zachary Ridenfield, ultimate heartthrob ng Ridenfield academy. Mayaman, matalino, at higit sa lahat ubod ng yabang. Ang pinakainiiwasang tao ni Azalea sa buong school nila. Si Azalea naman ang simple, boring, matal...