“I do not see myself as a footnote to someone else’s life.”
– Hemingway & Gellhorn
36- Confrontation
Azalea:
“Maupo ka.” Salubong ni Mr. Ridenfield sa akin nang makapasok ako sa opisina niya. Nakaupo na ito sa pang-isahang couch. Wala akong mabasang ekspresyon nitong iba maliban lang sa pagiging cold pa rin sa akin na hindi na naman bago pa.
Tahimik na naupo ako at tinatagan ang sarili sa ano mang gustong sabihin niya. Hindi na rin ako nag-atubiling tingnan pa ito sa halip ay bahagyang iniyuko ko na lang ang ulo habang sikretong napapalunok.
“Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa.” He started. “Zach knows about you living in the same place as us.” I never did a motion. “And I think I have made mistake by not making it clear to you that you are not supposed to mingle with him.” I gasp silently forcing myself not to breakdown. “Akala ko maiintindihan mong magkaiba kayo ng ginagalawang mundo ni Zach kaya hindi ko inaasahang magiging ganito ang kalalabasan sa lahat ng mga ginawa kong pagpapaintinding kailanmay hindi pwedeng ihalo ang marurumi sa malilinis.” Napapikit ako bigla sa narinig kong sinabi niya at unconsciously ay naikuyupos ko ang sariling kamao ngunit mas pinili kong pakalmahin ang sarili bago iminulat ang mga mata’t nagsalita.
“I’m sorry ‘ho pero hindi lahat ng malilinis ay walang itinatagong dumi.” I said between my gritted teeth but I’ve only heard him laugh about it.
“You’re really smart… like your mother.” He said between his laughs and when I looked at him he turns his laugh to a serious face. “That’s why I’m afraid you’ll also do what your mother did.” Bigla ay kunot-noong napatingin ako dito.
“What do you mean?” I ask in my most curious way. But then, he just ignored it and exhales before proceeding.
“I don’t want you to be attached nor to hang out with Zach. I have known many who are just after with the inheritance of a person.” He said it with full of disgust. “Maybe, it’s my fault for sending you to the same school as him but we can’t do about that. It just happens. I thought sending you here would make you realize that the world you live in is far different from him but rather you find it something amusing, don’t you?” sa pagkakataong ito ay iniiwas ko ang tingin mula sa kanya.
“I don’t know what you’re trying to implied at but I’m not playing someone’s emotion. I tried to follow your orders and as you have seen I’ve made it for three years. But, life would not want the way we wanted it to be. It has its own direction and I can’t just help myself for not following it. It has chosen its own path and the thing that I can do right now is to cherish and treasure it.”
“You’re too young to say about that, Azalea. You don’t know what your life brings on the future that’s why you have to start preparing it today.”
“Tama ‘ho kayo. Hindi ‘ho natin alam ang mga mangyayari in the future pero kung ano man iyong dapat mangyari sa hinaharap nakasalalay lahat ng iyon sa kasalukuyan.”
“And I’m afraid I need to prevent the future you might want to have from Zach.” Pagkasabi nun ay may iniabot siyang maliit na envelope sa akin. Bigla ay kinutuban ako sa maaring laman ng envelope kaya naman ganun na lamang ang biglang pagkaramdam ko ng pagkamuhi nang malamang tama ang hinala kong pera ang laman nito. “Siguro naman tama na iyan para sa lahat ng ipinakita mong kabutihan sa kanya.” Humugot ako ng malalim na hininga bago sukdulang nagpipigil sa nararamdaman kong pagkalumo at pagkagalit sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Bigla ay napatayo ako matapos kong mailagay sa center table ang envelope na ibinigay niya sa akin.
“Alam ko pong mayaman kayo. Pero hindi ‘ho lahat ng bagay nadadala sa pera. Pasensya na po, pero nababastusan ‘ho ako sa ginagawa niyo ngayon. Alam kong mahirap lang kami pero sana naman bago niyo naisipang gawin iyan inisip niyo rin naman sana kung ano ang mararamdaman ng taong binibigyan niyo.” wika ko sa kanyang hindi lumilingon dito. “I will leave him… pero hindi ‘ho sa paraang gusto niyo.” pagkasabi nun kahit labag man sa isipan ko ay niyukuan ko ito senyales na aalis na ako bago tinungo ang pinto ng opisina.
BINABASA MO ANG
Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Romantic-Comedy/Drama Meet Zachary Ridenfield, ultimate heartthrob ng Ridenfield academy. Mayaman, matalino, at higit sa lahat ubod ng yabang. Ang pinakainiiwasang tao ni Azalea sa buong school nila. Si Azalea naman ang simple, boring, matal...