15-Angel Sent from Heaven

80.4K 1.6K 55
                                    

Hi, ito na po iyong continuation sa naudlot kong pag-uupdate..hehe..

Sensya na po talaga, such a tight schedule now.

Vote po tayo, para naman po mas lalo akong mainspire.

Comment and Follow...

Love you guys:)

#Sotired..

P.S. :Unprofread, so please accept my apologies for such wrong spelling and grammar...Thank you very mucho...

------------------**************--------------------------------

15- Angel Sent from Heaven

Azalea:

"Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng artistang kasing gwapo ko?" nakaismid na tanong pa niya sa akin nang hindi niya inaasahan ang reaksyon ko.

 "You startled me..." Nanlalaki ang mga mata't naramdaman ko ang biglang pagkawala ng kulay sa buong mukha ko nang mapatunayan ngang si Zach nga ito.

"I'm sorry... I didn't mean to scare you."

Wow! Parang napapadalas na ata ang paghingi niya ng sorry sa akin ah.

 "Anong ginagawa mo dito?" napapailing na tanong ko sa kanya matapos kong makalma ang sarili.

"Sumasakay... I think?" I rolled my eyes on his sarcasticness.

"I mean, why are you here?" Hindi pa rin umuupong tanong ko dito kaya naman nang makita ako ng kundoktor ay sinabihan akong bumalik daw sa pagkakaupo dahil delikado. Humingi naman ako ng patawad bago dahan-dahang naupo sa tabi niya.

Nakangiting sinundan niya ang galaw ko hanggang sa ako'y makaupo. Pinuwesto ko ang katawan sa pinakadulo ng upuan at dahil medyo malaki-laki iyon ay sapat ng malaking distansya ang mamagitan sa amin sa ginawa kong pagharap sa kanya. Nakahalukipkip na rin at nakataas ang isang kilay na tinanong ito ulit.  "So?"

Binalingan niya ako saglit nakasandal pa rin ang ulo nito sa headboard bago nagsalita "I'm going home."

"You have your car." masungit na turan ko dito.

"Iniwan ko sa mall."

"Why?"

"Dahil gusto kong mag-commute, bakit ba?"

"Are you crazy?" pinanlakihan ko ito ng mga mata. Napakaimposible naman ng lalaking ito. Ngunit ang expresyon niya'y hindi pa rin naiiba at bold pa rin kung sumagot.

"Of course not!" puno ng amusement ang tono ng boses niya.

"Then why are you doing this?"

"Masama bang sumakay sa pampublikong sasakyan?" sabi pa niya sa akin na parang naaasar na.

"Alam mo ba sa'n ka hihinto?" sa halip ay panunudyo ko dito.

Saglit muna siyang natigilan, amused na napatingin sa akin bago nagsalita.

"Hindi." Hindi ko alam kung seryoso ba ito nang sabihin ang salitang iyon o tinetest lang niya ang patience ko. "Pero alam kong may kasama ako ngayon."

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya at saglit na natahimik.

"So, inamin mo ring sinadya mong sumakay dito." Sagot ko dito matapos maanalisa ang mga bagay-bagay.

Hindi siya nag-atubiling tinanguan ako. "Partly correct"

Napahinto ako saglit at pilit na binabasa ang laman ng utak niya at nang wala akong makuha ay tinanong ko na lamang siya.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon