Epilogue

57.9K 1.1K 112
                                        

"I vow to help you love life. To always hold you with tenderness, and to have the patience that love demands. To speak when words are needed and to share in the silence when they are not. To live within the warmth of your heart and always call it home."


Hi guys! Check out for my new uploaded story entitled: "My Dream Boyfriend"

Enjoy:)


Epilogue

Zachary:

"Dude! Ang bilis mong nakapropose ah!" tudyo ni Jethro sa akin habang kabado kong hinihintay si Azalea sa paglakad nito sa Aisle. Ilang buwan rin ang lumipas bago naging preparado na ang lahat. At ngayon nga'y ang paglabas na lang ng pinto ang hinihintay ko't magiging buo ng buhay ko.

"I'm sure you're really happy with this, Zach. Congratulations." Narinig ko namang wika ni Kaizer habang tinapik-tapik ang balikat ko.

"Thank you, Kaizer. Thank you for trusting her to me."

"That's because you're madly in love with her." pagbibiro pa nito.

"Yeah, I will never deny that." Sagot ko namang ikinatawa namin ng mahina.

"Huwag mo lang siyang sasaktan, Zach dahil kung hindi kami ang makakalaban mo." Wika pa ni Ryder mula sa kabilang side ko.

"I will... Sa takot ko lang na maagaw pa siya ng iba ah..."

"You're the man, Zach! Ang tindi mong magmahal." Si Aiden naman ang nagsalita.

"You'll find it out too, Aiden...sooner... when you have realized that she's the only girl that you wanted to be with... forever..." Huling wika ko pa bago ko nakitang hinahatid na ni Mang Artemio si Azalea papunta sa altar.

Nangingilid naman ang mga luhang nakatingin ang ina niya mula sa harapan kung saan siya ang unang tumayo indikasyon na nagsisimula ng mag-martsa ang bride. Hinihimas-himas naman ni Thea ang likod nito.

Five years have passed... It's been a long time kaya halos hindi pa rin ako makapaniwalang kami pa rin ang magkakatuluyan ni Zale sa bandang huli. Marami ring nangyari sa amin... Simula nang una naming pagkikita, pagbabangayan, pag-aasaran at ang unti-unting pagkahulog ko sa kanya. Hanggang sa dumating ang puntong nasasaktan ko na siya at muntik na siyang mawala sa akin.

[Flashback]

Agad siyang dinala sa E.R. nang makarating ang ambulansyang sinakyan ni Azalea papunta sa hospital, maraming nawalang dugo nito pero buti nalang at naagapan pa ito. Akala ko sa mga panahong iyon ay tuluyan na nga itong mawawala sa akin. Buti nalang at dumating agad ang mga paramedics at nagawan din nila ito ng paraan para mailigtas ito.

At ngayon nga'y kasalukuyan itong inooperahan sa Operating room. Ilang oras ang lumipas, halos hindi na rin ako mapakali habang ginagamot rin ang mga sugat na natamo ko mula sa pakikipaglabanan sa partido ni Enrique. Buti nalang at nakulong na rin ang psychotic na taong iyon dahil kung hindi baka hindi ko mapigilan ang sarili't mapatay ko rin ito.

Agad akong bumangon sa kama matapos gamutin ang mga sugat ko at nagtungo sa Operating room. Nakita kong naghihintay silang lahat doon. Ang ina ni Zale, si Thea, ang naging ama-amahan niya at si Daddy. Kagaya ko ay hindi rin ito mapakali sa pangangambang oras lang ang kalaban namin.

Dahil kapag hindi nakayanan ni Zale ang operasyon ay magiging miserable na ang lahat sa amin. Lalong-lalo na sa akin.

"Zach?" Gulat na tawag ni Thea sa pangalan ko nang makita ako nitong nakatayo. Napalingon naman silang lahat at nilapitan naman agad ako ni Daddy.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon