Chapter five

2.1K 56 0
                                    

Aurora tried to opened her eyes, nakakarinig sya ng mga mahihinang usapan na tila ba nagbubulungan at pati banayad na paghikbi as if in pain. Again she tried to opened her eye. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa kanya. Puting kisame na nababalot ng liwanag.

She roamed her eyes. She was lying on a bed. A hospital bed! Mabilis nyang hinawakan ang impis niyang tiyan. Then, she saw a man wearing a white hospital uniform then seriously talking to her mother whose still crying, while her friend nadja comforting her.

She wanted to spoke and ask them what's going on? But she can't. She was off track.

Then she heard what the doctor said.

"We have to make the decision right away maam. Alam natin ang sitwasyon ng anak nyo. And it's too dangerous for her if she continue her pregnancy knowing that she can't able to survive. We can't make the operation if there still
a life inside. We can't." Realization came.
Tears flooded in her eyes. She was blinded by tears. Her baby wouldn't able to make it.

Then she sobbed. Noon lumingon ang nanay niya. Sa itsura nito tila ba tumanda ito ng sampung taon. Puno ng pag alala ang mga mata nito.

"Anak." Mahinang tawag nito.

"Excuse me maam babalik po ako para sa desisyon nyo." Paalam ng doktor.

She was still crying she can't manage to calm. The moment her mom spoke she hysterical.

"Nay, ayoko please maawa ka. Baby ko ito hindi ko kayang mawala sya." Pagmamakaawa nya. Pinipilit niyang tumayo ngunit pinipigilan sya ng mga ito.

"Rory kumalma ka please." Nadja was still crying too.

Hindi niya gusto ang ideya na igive up ang anak niya. This precious gift is God given. She felt pity for the unborn baby. When she learned that she's pregnant she choose to give up everything mabuhay lang ang anak niya. Even her life, she will give willingly.

"Buntis ka, tapus may sakit ka. Anong gagawin natin? Hindi pwedeng sumailalim ka sa operasyon kung may munting buhay sa sinapupunan mo." Tahimik na sambit ng kanyang ina.

She swallow a hard lump before she spoke. Ang bigat sa pakiramdam na kailangan mong pumili. Hindi niya napigilan ang muling pagpatak ng kanyang mga luha.

"No" piping sabi niya. "Hindi ko kaya."

Niyakap siya ng kanyang ina. Ramdam niya na pilit nitong unuunawa ang sitwasyon niya. Wala siyang nagawa kung di ang umiyak sa mga bisig nito.

"Sabi ng doktor baka daw hindi mo kayanin kung sakaling ipagpatuloy mo ang pagbubuntis mo.delikado sabi ng doktor." Mahinang sabi nito. Mahigpit na hawak ng kanyang ina ang kanyang kamay na ani mo'y naroon ang kanyang buhay.

"Hindi." Matigas niyang sabi. "Mas pipiliin kong isalba ang buhay ng anak ko kaysa ang buhay ko." Pagpapatuloy niya. Hindi niya kayang mawala ang munting buhay sa sinapupunan niya. Tanging ito lamang ang kayamanan niya.

"P-pero hindi maaaring i-ipagpaliban ang operasyon mo." Hirap na sabi ng kanyang ina. Masakit para sa isang magulang na nakikita mong nahihirapan ang iyong anak. At wala kang magawa upang maibsan ang sakit na nadarama niya.

"Nakapagdesisyon na po ako. Pinipili ko ang anak ko." Aurora said. Wala siyang nagawa kung hindi mapahagulgol nalang. Why life is so unfair? Bakit siya pa ang kailangan magkaroon ng taning sa buhay? Bakit siya pa?

She was in primary school when she diagnose that she has a heart failure. Dahilan para mahirapan siya sa pag aaral. Madalas kasi siyang sumpungin. Hindi naging normal ang buhay niya kumpara sa ibang mga bata.

On her twelve birthday, muli siyang inatake ng sakit niya. Sinugod na sya sa ospital dahil hindi na kayanin ng mga gamot niya para kumalma siya. Then, the doctor says. May butas ang kaliwang bahagi ng puso niya. She was undergo in all series of test. Naubos ang kabuhayan nila dahil doon. Sinabi din ng doktor na kailangan niyang maoperahan. Heart transplant. Iyon ang kailangan niya. Last year, nadeclare ng mga doctor niya na may taning na ang buhay niya. She only have sixteen months to live.

Halos magunaw ang mundo niya. Nila ng inay niya. Hanggang ngayon ay wala pang nakukuhang donor niya. Madalas lumuwas ng maynila ang kanyang ina para makibalita sa mga local and general hospital doon. Sumangguni na din ito sa kilalang heart center pero wala pa din.

Nabigyan sila ng pag asa ng sabihin ng doktor na may kilala itong espesyalista na makapagbibigay ng donor niya. Sa US. Ngunit daang libo ang kailangan nila. Hindi sapat ang ipon nila. And they will running out of time. Buntis pa siya. Muling naglandas ang butil na luha sa pisngi niya.

She only have twelve remaining months to live.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon