Hinatid siya ni miggy sa kanyang opisina. Maaga itong dumating kaninang umaga dahil nangako ito kay jonathan na sasabay ng breakfast sa kanila. At pagkatapos hinatid pa nila si jonathan sa school.
She saw how happy her son is. Masaya ito kapag kasama si miggy. Alam niya ganoon din si miggy dito. He love jonathan unconditionally. At masaya siya doon.
Marami sa mga kapwa niya empleyado ang napapatingin sa kanila. Hindi na niya hinayaang ihatid siya nito hanngang sa floor niya. Kaya nagpaalam na siya noong nasa elevator palang sila.
Pag akyat niya sa floor niya. Sinalubong agad siya ni mira.
"Buti dumating kana." Salubong nito.
"Bakit? May problema ba?" Takang tanong niya.
"Hinahanap ka ng big boss. Ang bilin as soon as dumating ka papuntahin ka daw sa opisina niya. Ano bang nangyari ha? Ito ang kauna unahang pagkakataon pinatawag ka sa taas?" Concern was obvious in her.
Hindi rin niya alam ang dahilan bakit siya ipapatawag sa taas.
"Sige pupunta na ako." Sabi niya dito.
Muli siyang sumakay ng elevator. Nasa eighteen floor ang opisina ng big boss. kinakabahan siya na hindi maintindihan.
Pagdating sa floor na iyon. Nakita niya ang table ng receptionist. Itinanong niya ang opisina ng big boss. As she expected ibinilin din pala dito ang pagdating niya. Binalagtas niya ang kahabaan at tahimik na hallway. Mula doon nakita niya ang isang lamesa na may nakaupong babae.
Si lydia, ang private secretary ng big boss.
"Kanina ka pa hinihintay ng ba-"
"Pasensya na ha. Hinatid ko pa kasi ang anak ko sa school e." Putol na paliwanag niya sa sinasabi nito.
Iginaya siya nito sa pintong malaki malapit dito. Pumasok na siya sa loob. Ang sabi kasi ni lydia baka nag cr lang daw saglit.
Malaya niyang tinignan ang paligid niya. Maganda ang silid may malaking excecutive table sa harap ng malapad na wall glass na kita ang buong syudad.
Ang lamesa nito ay malinis, walang kalat. Sa harap nito ay visitor chair.
Mayroon ding leather sofa at center table na may mga coffee table book.
Sa dingding naman ay mga paintings.
Hindi niya alam na mahilig sa painting ang boss nila. Most of the paintings was women under the sea. Puro mga beach at sunset. Isang tao lang ang alam niyang mahilig sa ganyan. Pero hindi na niya gustong isipin.
Isang tikhim mula sa likod niya ang nakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Maharan siyang pumihit paharap dito. Kaya ganoon na lamang ang gulat niya ng mapagsino ito.
"J-jerrick?"
"Is that the proper way how to call your boss. Ms. Alcantara?"
Ito ang boss nila? Ibig sabihin ito ang may ari nito?
"Late ka na nga, may pagkabastos pa. Anyway have a sit ms. Alcantara" sabay muwestra sa upuan sa harap ng lamesa nito. He is like a king ng umupo ito sa excecutive chair nito. Wala pa rin itong pinagbago maliban sa isa. Ang cold treatment nito.
"Mr. S-santillan!" Sabay lunok.
"Nashocked ba kita Ms. Alcantara? I heard under ka ni papa. So why your assigned in accounting department?" Tanong nito sa kanya.
All along kilala siya ng boss nila. Si Mr. Santillan. So this is the new management they were talking about.
"Accountancy po kasi ang natapos ko s-sir." Sabay yuko niya. Hindi niya kayang makipagtitigan dito.
"I see. But starting tomorrow your no longer a junior accountant." Deretsong sabi nito.
"What?" Gulat na tanong niya. Pinepersonal ba siya nito? Gusto nitong matanggal na siya? Sa anong dahilan?
"You can't do this to me."
"Yes i can!" Sabi niya ulit.
Hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho. Paano si jonathan kapag nagkataon?
"Because your going to be my SECRETARY."
BINABASA MO ANG
I Love You, Goodbye
RomanceYour young and vulnerable, you were inlove at sixteen happy and glowing, believing in happy ending. Holding in promises and waiting for "forever". you were always believing that there's "happily ever after". But what if fate teases you? that what yo...