He saw a pain in her eyes everytime he talked to her. He know that she hurt. She deserved that. She deserved to feel the pain and to be miserable. She deserved everything he wanted her to feel. Dahil para sa kanya, kulang pa iyon para sa sakit na naramdaman niya ng iwan siya nito.
Naikuyom niya ang mga kamay niya. Bakit ba nasasaktan din siya? He's no longer a old jerrick. Iba na siya ngayon, nababalot na ng yelo ang puso niya. Mahabang panahon na rin ang nakalipas.
Kung may galit naman na nababalot sa puso niya, hindi dapat madamay ang anak niya dito. Oo anak niya. Alam niyang anak niya si jonathan unang kita palang niya sa bata. Bakit ba? E daig pa niya ang humarap sa salamin. He was exactly like him.
May namuong luha sa mga mata niya. Ang isipin may anak siya na hindi niya nasubaybayan hanggang sa paglaki ay tila karayom na unti unting tumutusok sa puso niya.
Kung sana hindi nangyari noon ang ginawang pagiwan sa kanya ni aurora. Masaya sana sila ngayon. May pamilya na sila. At binubuo na nila ang mga pangarap nila na magkasama. Kung sana. Napakaraming sana.
Kanina pa palingon lingon sa paligid si jerrick. Malapit nang magumpisa ang ceremony pero hindi pa rin niya nakikita ang nobya. Sinusubukan niyang tawagan ito pero walang sumasagot. Nagaalala na siya ng husto. Nangako ito na darating ito sa araw ng graduation niya, dahil pormal niyang ipakikilala ito sa mga magulang niya bilang nobya niya.
Nagpatuloy ang programa pero walang aurora na dumating. Hindi man lang nito narinig ang speech niya. Gusto na niyang matapos ang oras na iyon. Gusto na niyang magtago sa mga taong isa isang bumabati sa kanya habang bumababa siya ng stage.
Hindi niya alam kung anung nangyari. Bakit hindi dumating si aurora. Ang usapan nila ay pupunta ito, at nangako ito sa kanya. Excited pa naman siya.
"Congratulation son!" Bati ng kanyang ina ng makalabas na sila.
Pilit paring hinahagilap ng paningin niya kung may aurora na darating. Pero kahit anino nito ay hindi niya makita.
"Kanina ka pa balisa anak. Whats bothering you son?" Muling nagsalita ang ina niya.
Tinapik naman siya ng kanyang ama sa balikat. "Anyway son, nangako ka na ipalakilala mo samin ng mama mo ang nobya mo. Nasaan na siya?"
"Oo nga naman, where's your girlfriend?" Segunda ng kanyang ina.
"Im sorry ma, pa but i guess she won't --."
Naputol ang sasabihin niya ng mula sa kung saan ay may tumawag sa kanya.
"Jerrick!"
Hindi ganoon ang boses ng nobya niya. Kaya naman lumingon siya. Pagtataka ang makikita sa mga mata niya. Anong ginagawa ni melody dito? At kung ganoon man nasaan si aurora at nadja.
"Hi." Bati nito ng makalapit sa kanya.
"Anung ginagawa mo dito? Si aurora kasama mo ba?" Tanong niya dito.
Nalusaw ang ngiti nito ng tanungin niya kung kasama nito ang nobya niya. Alam niya na hindi malapit ang dalawa sa isat isa. Tanging ang kapatid lang nito na si nadja ang kasundo ni aurora.
"Alam mo ba kung nasaan si rory?" Muling tanung nya dito.
Hindi ito sumagot,bagkus may dinukot ito sa bag nito.
"Actually i came here to gave this to you."
Sabay abot ng isang pamilyar na bagay sa kanya.Napailing siya. Bakit hawak nito ang kwintas na regalo niya kay aurora?
"Bakit nasaiyo yan? Sino ang nagbigay sayo ng karapatang hawakan yan?"
Galit na tanung niya. Hindi niya gustong mag isip ng hindi maganda. Pero ang kaba sa dibdib niya ay kakaiba."Hindi ko siya kasama. Mag isa lang akong pumunta dito. At pinapaabot niya ito." Sabay abot ng kwintas na may kasamang kapirasong papel.
"Ano ito?" Tanung niya.
Umiling lang ito. Kinakabahan siya sa maaari niyang mabasa sa papel na iyon.
Parang buksan pa iyon. At hintayin si aurora na dumating at ipaliwanag ang lahat sa kanya."Binigay niya yan sakin at nakiusap na ibigay ko raw sayo." Nakita niya sa mga mata nito ang simpatya at awa para sa kanya.
Jerrick,
Maraming salamat para sa lahat, pero sa tingin ko talagang hanggang dito nalang tayo. Masyado akong nabulag ng kabaitan mo, but i realize i don't really love you. Goodbye
Aurora
Halos mapunit ang papel na hawak niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon lang kadali para dito na itapon ang kung anung mayroon sila? Hindi matanggap ng isip at puso niya ang ginawa nito. Bakit biglang nagkaganito? Ok naman sila noong nakakaraang araw. Kaya hindi nya maintindihan kung bakit ginagawa nito ito sa kanya ngayon.
"Kakausapin ko si rory, hindi totoo ito. Joke lang niya siguro ito." Sabi niya dito. Banayad nitong pinigilan ang mga braso niya.
"Wala na sila, umalis na sila. Aurora already leave you. Im sorry." Muling sabi nito.
Bakit ba lahat ng sabihin nito ay tila punyal na pumapatay sa puso at pagkatao niya? Sobrang sakit ng nararamdaman niya. Napakaganda naman ng regalong natanggap niya. Aurora leave him. Aurora dumped him. Aurora broke up with him. Ano ang hindi niya maintindihan doon? Yong kataga bang aurora didn't love him anymore? O mas tamang sabihing; aurora didn't love him in the first place. Napakalaki niyang tanga. Minahal niya ito ng sobra. Sobra-sobra na halos ibigay niya ang lahat. Saan ba siya nagkulang? Saan ba siya nakalimot? Bakit kailangan mangyari ito?
"Son, is she your girlfriend?" Untag na tanung ng kanyang ina. Hindi niya naramdaman na nakalapit na pala ito sa kanila.
"Hello po ma'am, im melody po." Kusang pagpapakilala ng dalaga sa sarili niya.
"Nice name melody. It's suit you." Nakangiting sabi ng kanyang ina.
Iniisip ng mama niya na ito ang nobya niya. Hindi dapat malaman ng mga ito ang pinagdadaanan niya. Hindi niya gustong may makaalam pa ng kamiserablihan nya. He wanted to cry. Gusto niyang magwala. But aurora doesn't deserved his tears. Nagawa siya nitong iwanan at saktan.
But still, even how painful what he gonna feel right now. He still love aurora. A love that makes him alive. And hoping that someday she will came back to his life.
He love her.
BINABASA MO ANG
I Love You, Goodbye
RomanceYour young and vulnerable, you were inlove at sixteen happy and glowing, believing in happy ending. Holding in promises and waiting for "forever". you were always believing that there's "happily ever after". But what if fate teases you? that what yo...