[ZACK]
It's 8 in the morning. Papasok na kami ni Miles. Mama nya teacher namin ngayon kaso wala ng gagawin dahil nalalapit na ang graduation namin. Kailangan nalang pumasok for practice.
Napapansin ko din na sobra akong asikasuhin ni Miles. Simula paggising ko, sya naghanda ng breakfast ko, nagplantsa ng uniform ko, at nagsuot ng medyas at sapatos ko and now, bitbit nya yung bag ko. Ano kayang nakain neto?
"Here, sit down, love ko" ani ni Miles ng hilain nya ang upuan para makaupo ako.
"Ah? Thankyou, love" I said.
Katulad nga ng sabi ko, wala kaming ginagawa ngayon. Nakaupo lang kami. Naghihintay ng oras para sa practice tapos maglalunch tapos papasok tapos konting practice tapos uwian na. Ganyan lang.
11am na natapos yung practice namin. Sobra talaga akong alagaan ni Miles ngayon. Kanina pa nya pinupunasan pawis ko. Every patak kahit maliit, pinupunasan nya kaaagad.
"Are you thirsty, love ko?" He asked habang pinupunasan yung pawis ko.
"No love, calm down."
Lunch time na. Nandito kami sa canteen kasama mga friends namin pati na rin sila mama.
Tatayo na sana ako para umorder ng pagkain namin ni Miles, gaya nga ng nakagawian ko pero hinawakan nya yung wrist ko, pinigilan ako at pinaupo ulit.
"Why, love?" Tanong ko sakaniya ng nakatitig lang sya saakin.
"Ako na mag oorder, love ko. Just sit down, okay? Tara ba, samahan mo ako" yun lang sinabi nya sabay hila kay Jimin.
"Nak, bat parang iba hangin ngayon?" Takang tanong ni mama saakin. Siguro napansin nya din bawat galaw ni Miles
"Si Miles ba, ma? Hindi ko nga rin alam. Kaninang umaga pa yan simula pagkagising namin. Kanina pa nya ako inaasikaso" mahabang sagot ko.
"Baka naman ginalingan mo kasi kagabi kaya nagkaganyan" tawang sabi ni Jackson. Raulo talaga to, kaharap pa sila mama eh.
"Siraulo ka, Jack" binatukan ko sya.
"So, may nangyari nga sainyo kagabi? Di mo tinanggi eh" ngising sambit ni Mama.
"Ma naman! Ano ba naman yan, samin nalang yun" inis na sagot ko.
Pagkadating nila Miles, nagulat ako sa dami ng inorder nya. Naalala ko nga pala, sila lang ni Jimin ang tumayo apra mag order. Sapat na yun para saamin lahat.
Bambam: WOW! ANG DAMI! LIBRE BA TO??
Jackson: Mukha kang libre.
"Love, ano to?" Tanong ko kay Miles.
"Ha? Edi pagkain, love ko. Libre ko na yan" ngiting sagot nya habang naglalagay ng pagkain sa pinggan ko.
"Kain na kayo, huwag na kayo mahiya. Kumuha na kayo. Libre ko to" dagdag pa nya.
Nagsikuhanan naman yung mga kaibigan ko ng pagkain, pati na rin sila mama. Naguguluhan na talaga ako. Kung ang dahilan nito eh dahil nag propose ako, masaya ako pero kung may iba pang dahilan, matutuwa kaya ako??
"Nak, may ganap kayo ni Zack?" Tanong ni Tita sakanya kasi pati sya naninibago.
"Mamaya ma, meron po" sagot nya kay Mama nya at kumindat sakin.
Tf! Anong ganap mamaya?? May nakalimutan ba akong okasyon namin? Ano ba ngayon? Monthsary namin? Hindi, kasi kaka Anniv lang namin eh. Birthday ba nya? Di rin naman. Graduation? Hindi rin naman.
"Uhm, love?" Takot na tawag ko sakanya, baka kasi may nakalimutan akong ganap namin, delikado na.
"Po, love ko?" Naka boxy smile sya.
Tangina. Sinapian ba to?? Mas gusto ko nalang yung medyo masungit na Miles kesa sa ganito.
"Ano pong ganap mamaya?"
"Basta. Mamayang gabi po, love ko" nakangiti pa rin sya.
Tapos na kaming kumain at pabalik na kaming practice tapos after nun uwian na. Exhausting ang practice. Ang init pa.
Kinakabahan pa rin ako sa ganap na sinasabi ni Miles kanina.
Nakauwi na kaming condo namin. Dito kaya gaganapin yun??
BINABASA MO ANG
HORIZONTAL ♡ ||TAEKOOK||
FanfictionJungkook as Zack Easton Taehyung as Miles Alejandro Where in a relationship "SLOW IT DOWN, ZACK UGH~" "Slowing down is not in my vocabulary, love" Contains -smuts -vulgar words -relationship -love