Kabanata 26

30.1K 1K 1.6K
                                    

Naging maayos naman ang lahat dahil sa check-up namin lagi, unti unti ng nagiging maayos ang daloy ng utak ko at narealize ko na rin ang mga kagagahan na pinagsasabi ko noon... ang kaso ay simula nang hinalikan ako ni kuya ay naiilang na ako sa kaniya.


"Akirah..." buntong hininga niya nang nilagpasan ko at hinawakan ang aking palapulsuhan.


"B-Bakit...p-po?" Mahina kong sabi at tumikhim para harapin siya.


"Are you avoiding me?"


"H-Hindi naman sa ganoon..."


"Then why can't you look directly in my eyes?"


"U-Ughm... k-kasi... k-kasi..." nangapa ako ng sasabihin pero wala talaga akong mairason kaya tuloy ay bumuntong hininga ako.


"Naaapektuhan ka na ba sa kagwapuhan ko? Tumatalab na ba kamandag ko?" Inosente niyang tanong na nagpakunot sa aking noo.


Sa huli ay umirap ako sa kahanginan niya.


"Pwede bang huwag mo na akong landiin? Kahit anong gawin mo ay hindi ako mahuhulog sa'yo lalo na ngayon na napagtanto ko na niloloko mo lang ako nang sinabi mong aso na si Primo," masungit kong saad.


"Aso naman talaga siya..." nguso niya.


"Hindi siya aso! Hindi na ako tanga para paniwalaan ka!" Sigaw ko na nagpagulat sa kaniya.


"A-Akirah..."


"Tama na," buntong hininga ko. "Ibigay mo sa akin ang cellphone ko. Siguro naman ay may telepono ako dati 'no? Tatawagan ko siya, gusto ko siyang maka-usap," halukipkip ko.


"I-Iiwan mo ako?"


"Dali na! Cellphone ko! Boryo na ako rito sa bahay e!"


"E-Edi ipapasiyal kita..."


"Hindi ikaw ang gusto kong makasama."


"A-Ang sama mo... ouch ang s-sakit naman n'on..."


"Sige na! Cellphone ko!"


"You're not using honorifics now huh?"


"Hindi naman kita kuya e!"


"Oo nga... fiancee mo ako eh...asawa mo..."


Akirah's Happiness (Chained #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon