Nakasimangot lang si Alira habang naghihintay ng makakain ngayon sa lamesa. Ni hindi niya ako sinusulyapan at kinakausap. Ang kanyang tatay naman ay nagluluto ng whatever.
"Sabi mo pinalayas mo na?" Masungit na tanong maya maya ni Alira nang hindi nakatiis sa katahimikan. Hindi pa rin siya tumitingin sa'kin.
"Huhhh?" Inosente kong tanong.
"Tsk. Marupok," bulong bulongan niya kaya uminom ako ng kape habang si Greeman naman na nasa harap namin ay umubo ubo.
"Don't worry palalayasin ko rin siya," wika ko na nagpatigil sa kanilang dalawa.
"A-Akirah..." hindi ko siya binalingan. Ngumiti lang ako kay Alira na umawang ang labi.
"Just today okay?" I smiled at her. "After today, you will not see his face and we will takas takas away from him cause he doesn't deserve us. We will live peacefully without your father and he will marry another girl, the same as me, I will marry another man cause we are not meant to be together. Inshort you will have a new father..."
"Y-Yes..." yuko ni Alira.
"N-No..." yuko ni Greeman.
"Y-Yes..."
"N-No..."
Umirap ako sa kawalan at kumain nalang sa inihandang pagkain sa lamesa. Namalayan ko na lang maya maya ay nag-aaway na ang dalawa sa harapan ko.
"Mas mahal ako ni mama! Assumero ka!" Sigaw ni Alira habang ngumunguya.
"Tsk. Kung hindi mo lang alam, ako ang una niyang baby!"
"Yuck! Hindi ka na astig! Not cool!"
"Huwag mo 'kong niyuyuck yuck diyan ineng dahil kung walang ako walang ikaw!"
"Ano?! Kaya namin na wala ka!"
"No! You're wrong. Hindi ka mabubuo kung wala ako!"
"HUWAT?! Give me a scientific algorithm explanation for your statement!"
"Galing ka kasi sa ti-"
"Greeman!" Saway ko.
"Ha! Tamo? Mas kampi sa'kin si mama!" Pagmamayabang ni Alira.
"Tsk. Ikaw bata ka! Kanino ka ba nagmana?!" Panliliit niya ng mata bago ako sinipatan. "Aminin mo nga, anak ko ba talaga-" binatukan ko kaya natigilan siya.
"Ano ba?! Eat silently!" Sigaw ko kaya nanahimik silang dalawa.
Tahimik nga pero panay ang singhal sa isa't isa.
"Wait a minute!" Biglang sigaw ni Alira. "Kung tatay kita, ibig sabihin lola ko 'yung masungit?!" Hindi makapaniwalang saad nito at tinakpan ang bibig bago umiling.
"Yes baby," ngiti ni Greeman. Tsk. May topak din ang isang 'to eh.
"HUWAT?! No way!"
"Why? Ayaw mo n'on? Plus points ka na!" Masayang wika ni Greeman.
"Hala oo nga 'no? Di na ako gagawa ng assignment sa math!" Palakpak ni Alira.
"Diretso 99 na 'yan!" Palakpak ni Greeman.
Bumuntong hininga nalang ako sa narinig na usapan. Hindi lang doon natapos ang usapan dahil nag-away na naman ang dalawa kung sinong mas astig kuno sa kanila. Ang ending, ako ang naistress dahil hindi ako makakain ng maayos sa ingay nila. Tsk.
BINABASA MO ANG
Akirah's Happiness (Chained #1) ✔
RomanceAkiramiah Jane Griego Akirah the mafia girl and the devil goddess is in your area to scare the shit of you... but what happens if the devil queen who was known as a psycho and a murderer meets the innocent yet quite hottie boy who acts like a kid? W...