Kabanata 11

35.1K 1.5K 1.6K
                                    


🍁 Greeman Yap Forder

Kasalukuyan aking nakatulala sa butiki na nasa dingding na nananarget ng mga lamok habang ang itim na pusa ay hinihintay na mahulog ang kawawang butiki na gusto lamang kumain.

Naalimpungatan ang pagmamasid ko ng love story nila dahil may bumatok sa'kin.

"Ano na namang problema mo ha?" Kunot noong tanong ni Cristine na nagpabuntong hininga sa akin.

"Wala akong problema bespren," sagot ko pero nanliit ang kaniyang mata.

"Lam mo? Ang weird mo na talaga. Bakit bigla ka nalang naging tahimik na para bang ang tamlay tamlay mo at minsan hindi na mabasa ang mga iniisip? Hindi ka naman ganyan dati ah?"

"Ganyan talaga ang mga cool. Hindi masyadong nagsasalita. Silent and mysterious," sagot ko kaya malakas siyang bumuntong hininga na tila ba pagod na pagod na sa akin.

"I'm cool. Astig ako," tango tango ko at ngumisi sa sarili.

"Parang tanga," iling iling niya at umalis ng tatawa tawa.

"OMG GREEMAN?? SHOCK BES, SI GREEMANNN!" Nakakabinging sigaw ng isang babae kaya napatayo ako at inayos ang shade bago dali daling nagtago sa hoodie at tumakbo palayo.

Hays. Hirap maging gwapo. Pogi problems nga naman. Bumalik nalang ako sa quarters namin matapos magpahangin sa labas.

"Oh saan ka galing?" Tanong sa akin ni Israel pero agad tumikhim nang may naalala.

"We're not close man. Don't talk to me," masungit kong sabi at nilagpasan siya.

"Tsk, assumero. Wala akong sinabing close tayo," singhal niya.

"Ano kayang dahilan? Ilang taon na kayong magkagalit sa isa't isa ah? Pwede bang share naman sa tsismis?" Panliliit na mata ni Kris na walang sumagot.

Inignora ko nalang sila at tiningnan ang cellphone. Napabuntong hininga ako nang nakita ang mensahe ni Selene.

Selene:

Where are you? Let's meet babe.

Ako:

Is it important?

Selene:

I miss you... don't you miss me?:(

Ako:

Okay, we'll meet.

"Baka babae?" Ngisi ngisi ni Brideam na nagpaigting sa aking panga.

"Hindi ka pa rin moveon bro?" Biglang baling sa akin ni Israel at ngumisi.

"The fuck are you talking about?" I said that with pure irritation.

Akirah's Happiness (Chained #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon