Tahimik akong inihatid ni Greeman sa bahay. Si Selene ay panay ang daldal sa mga bag na napili niya sa mall. Nagmumukha tuloy siyang tanga dahil wala siyang kausap pero panay ang salita. Well, tanga na siya agad kaya hindi nakakagulat.
"Mommy!" Salubong ulit ni Alira kaya napangiti ako at niyakap siya.
"May pasalubong akong pagkain," I cheerfully said which made her happy.
Tuwing umaga ay inihahatid ko siya sa paaralan at tuwing hapon ay sinusundo siya ng single and available kong kuya.
"Can I go home now?" Hikab ni Israel na hindi ko sinagot. Naiirita pa rin ako sa kanya sa lahat ng bagay.
"How's school?" Tanong ko habang naghahanda ng makakain niya.
"Nakakainis. Lagi na lang akong tinatawag ng matanda naming teacher," simangot niya kaya napangisi ako.
"You have a bad mouth baby," saway ko kaya ngumuso siya. "And why is that?"
"Kasi betlog ako lagi sa quiz," napailing nalang ako sa narinig.
"Manang mana sa tatay," sabat ni Israel kaya sinipatan ko.
"No! Kay mama ako mana! Ayoko sa kanya!" Sigaw ni Alira at sumimangot lalo na nagpabuntong hininga sa akin.
"Alira..." tawag ko dahil hindi naman siya ganito. Hindi niya pinagtataasan ng boses ang mga nakatatanda pero pag tatay na niya ang pinag-uusapan ay para bang may pumutok na bulkan sa kanyang sistema.
Hindi na sumagot ang bata at kumain na lang. "D-Do you wanna meet your father?" I gulped.
She immediately shook her head and bowed down to face the food. Ilang minuto na ang nakalipas at parang may gusto akong sabihin.
"P-Paano kung sasabihin kong g-gusto ka niyang makilala, na m-mahal ka niya at ako?" Pagsisinungaling ko. I just want to find out something.
Unti unti siyang nag-angat ng tingin at kumirot ang puso ko nang nakita ang nagniningning niyang mata na para bang maiiyak na at ang nakaawang na labi.
"T-Talaga po? M-Mahal niya tayo?" I sighed and smiled. Biglang nawala ang liwanag ng kanyang mukha makalipas ang ilang segundo at hinigpitan ang kapit sa kubyertos. Hindi na siya nagtanong at tahimik na lang na kumain ulit.
"Y-Yeah-"
"Stop lying mom!" She bursted and angrily wiped her small tears before walking out.
"Tangina talaga ni Greeman," rinig kong bulong ni Israel na hindi ko pinagtuunan ng pansin.
I took out a deep breath and fixed myself before entering our room to comfort my sulking daughter.
See? I knew it. She wants her father but her mouth is saying the opposite thing. She's disguising her longing by hatred. She may hate her father, but deep inside, I know that she wants to meet him. Yes, she wants him but her mind is now conquered with anger to admit that fact.
Don't worry baby. Malapit na. Malapit na malapit.
To be honest. I can tell him directly but I don't want to. Gusto ko na kapag bumalik siya sa akin ay hindi lang dahil nakokonsensya siya sa anak namin kundi dahil mahal niya ako at ang bunga ng aming... kantutan.
Ayoko siyang mapilitan. I will make him fall for me first because if he loves me, he will 100% accept our child.
Mabuti nalang at napatulog ko ng maayos si Alira. Pagkagising ay agad na akong naghanda ng agahan namin at baon. Hindi lang naman kasi ang pagiging secretary ni Greeman ang trabaho ko. Minsan lang naman kasi kami mag-memeet kung tuwing tatanggapin niya ang offer. He's identity is a secret to the public kaya ganoon at maraming gustong kumuha sa kanya dahil ang alam ng lahat ay wala siyang trabaho at paligoy ligoy pero mayaman dahil sa pamilya. He appeared once in the television as a witness to keep the identity kaya nakilala. Ako naman ay temporary na waiter sa isang maliit na restaurant. Tuwing umaga lang naman kaya may time ako minsan kay bb quo at maliit ang sweldo kaya hanggang ngayon ay patuloy ang paghanap ko ng trabaho. Busy.
BINABASA MO ANG
Akirah's Happiness (Chained #1) ✔
RomanceAkiramiah Jane Griego Akirah the mafia girl and the devil goddess is in your area to scare the shit of you... but what happens if the devil queen who was known as a psycho and a murderer meets the innocent yet quite hottie boy who acts like a kid? W...