Kabanata 2

42.5K 1.6K 625
                                    


"Tomas!" Sigaw ko.


"Yes Ma'am?" Hinihingal na sulpot ni Tomas.


"Clean him," sabi ko habang ang mga mata ay nasa ama.


"W-What?" Lito nyang tanong kaya sinipatan ko.


"Get him a doctor," I said coldly.


"Tangina mamatay tao ka tala--" hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil pinaputok ko ulit ang baril sa kanyang kaliwang braso na nagpadaing sa kanya.


"Just shut your mouth if you don't want to be inutil my dear father," I said that with power while the old man is now catching his breath.


"Mas mabuti na sigurong maging lampa ka kasi wala namang silbi yang mga kamay mo," tango tango ko habang patuloy sya sa pag daing.


Hinawakan ko ang kamay na nakapulupot sa akin at dahan dahang nilingon ang naestatwang lalaki.


"Are you okay?" I asked him making him confused but he immediately nodded.


"Let's just sleep," hila ko sa kanyang kamay.


"O-Okay... ka lang... po ba?" Maya maya ay tanong niya.


Hindi ko iyon nasagot dahil hindi naman talaga ako okay. Ito ang pinakainiiwasan ko, pinalayo ko na ang lalaking iyon dahil alam ko na maaari ko syang mapatay sa oras na ipaalala nya sa'kin ang lahat ng pagdurusa ko... o di kaya maaari kong mapatay ang sarili.


Pinahiga ko sya sa kama at inayos na ang comforter. Titig na titig parin ang isip batang lalaki sa'kin.


"Y-You're not going to sleep...p-po?" Tanong nya nang lumayo ako.


I smiled and shook my head. "Later my baby."


Nag iwas siya ng tingin at tumango sa'kin bago ipinikit ang mata.


Pumunta ako sa balcony ng aking kwarto at malalim na bumuntong hininga bago pinunasan ang mumunting luha sa aking pisngi na kanina pa pala dumadaloy sa di malamang kadahilanan.


I looked at the sky above and chuckled.


"It's been a while since I chatted with you my angel," panimula ko. "How are you? Do you miss mommy? I'm sorry, hindi muna kita masusundan. Maybe if I'll just make sure that my siblings will be doing well without me, magkikita na tayo," I smiled. "Iyon ay kung tatanggapin ako dyan sa langit, baka sa tatay mo pa ako mapasama," halakhak ko.


It will be a nightmare to be with his father in hell.


Bumibigat na naman ang aking damdamin habang tinitingnan ang bituwin sa taas na nagniningning.


"S-Saan ka dyan? I-I miss you... D-Did you remember the first time we met? Hindi kita tanggap nun... k-kinamuhian kita... ni hindi nga kita pinagatas eh kahit sinusustentahan naman tayo ng tatay mo," tawa ko. "I-I was a bad mother... pero hindi ka manlang nagreklamo... h-hindi ka iyakin katulad ng iba... lagi kang tumatawa pag binubuhat ko... l-lagi mong hinahawakan ang mukha ko k-kahit... kahit... kahit na hinahawi ko ang kamay mo..." napapikit ako at napangiti habang inaalala ang mga panahon kung saan labis kong kinamuhian ang sanggol.


Akirah's Happiness (Chained #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon