Kabanata 5

39.6K 1.5K 948
                                    

Dedicated to @Joscel123

🍁 Greeman Yap Forder


She's fond of kids...


"There are only two options to get close to her. One, make her fall in love and two, give her a kid," wika ni ser na nagpakunot sa'king noo.


Parang napakaimposible naman ata ng option 1 dahil wala namang syang puso, isa pa, andami ng sumubok na akitin sya pero walang nagtagumpay... and option 2 is a no no for me. Patayin nyo nalang ako kaysa isuko ko ang bataan sa babaeng iyon!


"Wala bang ibang option ser?! Virgin pa kaya ako! Hinding hindi ko gagalawin ang babaeng iyon!" Apila ko. "I'm reserved by the way. At makailang ulit ko ba kailangang sabihin na loyal ako ha?!"


"Then do you have any idea huh?" Taas kilay nya kaya ngumisi ako.


"I will be a kid," sobrang matalino kong wika na nagpahalakhak sa kanila.


"Crazy Greeman," natatawang wika ni Israel.


"What? That's a great idea," tango tango ko.


"Bro, patay ka kaagad pag nahuli ka. That's dangerous," iling ni Brideam.


"Nah, hindi ko hahayaang mahuli ako," I smirked and played with my lips. This mission is gonna be a fun yet dangerous one.


I did my research in almost everything. Hinayaan nalang nila ako sa katarantaduhan ko kuno. Anila, rest in peace nalang daw. Tsk. Kung hindi lang nila alam, magaling ako umarte. Yung tipong lahat ng nakapalibot sa iyo ay mapapaniwala sa kasinungalingan na iyong sinimulan. I'm good at acting innocent.


Sanay akong magpanggap dahil lagi ko namang pinapakita sa iba na ayos lang ang lahat kahit na ang totoo ay hindi.


"Goodluck!" Saludo nila sa akin.


"Psh. This is a piece of cake," kindat ko.


"You mean piece of shit?" Tawa ni Israel kaya sinipatan ko.


Just wait. Everyone will be proud of me once I'll get this mission successful... but before everything, I want to meet someone.


"Yan na naman sya! Amoy johnson's baby powder!" Pangaasar ni Cristine.


"Kadiri ka bro! Bakit yan pa? Pwede ka naman na bumili ng bagong pabango. Isip bata talaga hanggang ngayon," taklang wika ni Brideam.


"Gago, pwede bang tumahimik ka? Kung di nyo lang alam, eto ang dahilan kong bakit ako nagustuhan ni Selene!" Turo ko sa pulbos. Naalala ko nung sinabi nyang na live at first sight siya sa'kin dahil sa amoy nito. Natawa  nalang ako sa kawalan. She was so cute back then.


"Tsk. Ikaw lang naman ang may gusto sa inyong dalawa. Quit imagining things, ikaw lang din ang masasaktan sa huli."


"She liked me before but I just fell harder," I smirked when I remember the day she confessed that she had a crush on me.


She was my classmate in highschool. We became friends but after her confessing, it got a little bit awkward and it was too late when I realized that I like her too and now I've been pursuing her for years.


Naging m.u. kami pansamantala pero hindi ko alam anong nangyari at biglang lumayo ang loob nya sa'kin na para bang nakakahiya na lagi kaming nagkakasama sa publiko.


Akirah's Happiness (Chained #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon