Kabanata 27

26.4K 1.1K 1.1K
                                    

Bigla na lang may humiwalay sa amin na nagpagulat sa akin.

"Bayaw..." buntong hininga ni Greeman.

"Bro..." buntong hininga rin ng pamilyar na lalaki. Siya iyong nagtakas sa akin sa ospital! "I-I'm sorry... I tried my best..."

Agad kong inilibot ang paningin at kumunot ang noo nang nakita na napapalibutan na pala kami ng mga unipormadong lalaki.

"Mommy!" Biglang yakap sa akin Alira at itinago ang mukha sa aking baywang.

"Greeman anak!" Biglang sulpot ng matandang babae at niyakap si kuya. Si Alira naman ay mas lalong nagtago sa akin.

"M-Ma... alis na po tayo rito..." bulong niya at pilit hinihila ang aking palda na mas lalong nagpakunot sa aking noo.

Nang bumaling sa amin ang matandang babae ay mas naramadaman ko ang takot ni Alira nang nanginig ang kaniyang kamay.

"Alira hija!" Anito at hinila ang bata papalayo sa akin bago ako tiningnan nang may galit sa mata.

"No! Let me go!" Palag ni Alira pero hindi na siya pinansin ng matanda.

"M-Ma, let's talk privately. P-Please? Not now-"

"No! No! Arrest her immediately!" Bigla akong nakaramdam ng takot nang tinuro turo niya ako.

Umambang hahawak sa akin ang pamilyar na lalaki nang may pumigil sa kaniya. Mas lalo lang akong nalito nang may lumapit sa akin na pulis.

"Do not fucking touch her! I said fucking talk to me first!" Kita ko ang gulat sa mata ng matanda nang narinig iyon.

"G-Greeman anak-"

"Leave her alone while I'm being nice," nakatiim bagang na wika ng lalaki kaya bahagyang lumayo ang mga pulis sa akin.

"I said arrest her! Arrest that disgusting-"

"I said don't touch her!" Galit na wika ni kuya kaya lito ko siyang tiningnan.

"Greeman! Huwag kang matigas ang ulo! Andaming nakatingin-"

"No! Fucking talk to me-" agad siyang natigilan nang may sumampal sa kaniyang matandang lalaki.

"You asshole! Wala ka talagang kwentang anak! Sinisira mo ang pangalan na nabuo mo! Sa lahat ng babae bakit sa mamatay tao ka pa talaga pumatol?! Hindi kita pinalaking ganyan! Nakakahiya ka talaga, your job is to punish criminals and not to fucking protect them!" Mariin na bulong niya na dinig ko dahil malapit naman ako sa kanila.

"H-Hindi mamatay tao ang nanay ko! H-Hindi siya kriminal!" Iyak ni Alira na kanina pa pumapalag.

Nalilito ako sa mga inaasta nila. Sino ang tinutukoy nila? Bakit sa akin nakatingin? Hindi ako mamatay tao! Hindi! Ni hindi ko nga kayang manakit! Nagkakamali sila! Oo!

Napatalon ako nang hinawakan ng pamilyar na lalaki ang kamay ko na tila ba pinipilit akong umalis sa lugar na iyon.

"Mr. Reymundo! Don't touch that criminal!"

"My sister is not a criminal!"

"Brideam! Kris! Ilayo mo si Israel sa kaniya!"

"Sir-"

"It is an order from your assistant chief!" Pagkasabi n'un ay inilayo siya sa akin ng dalawang lalaki. They looked at me apologetically while I looked at them in confusion of what's happening. Hindi na nakapalag ang lalaki at bigla na lang nawala sa harap namin dahil tinutukan siya ng baril.

Akirah's Happiness (Chained #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon