Kabanata 30

30.3K 1.2K 787
                                    

Hindi ko alam pero dahil sa sinabi niya ay bahagyang gumaan ang sobrang bigat kong pakiramdam.

I really need comfort today. My heart is aching really bad and I feel like I can't take it anymore.

"Everything is going to be fine... a-ate..." agad akong natigilan sa narinig.

Pinunasan ko ang luha na nasa pisngi at kumalas sa yakap.

"Veronica-" nanlaki ang mata ko nang nakita siya. It's been months since I last saw her, ang sabi ni Israel ay isa siya sa mga tumutulong sa kaso at nagtatrabaho na kaya hindi ko na hinanap pero laking gulat ko na narito nga siya ngayon at...

"B-Buntis ka?" I looked at her with pure confusion. "P-Paanong? Sinong tatay? Si Rai-" itinikom ko na lang ang bibig at bumuntong hininga.

She didn't react and remained silent. Right. Ayaw niyang pinapakealaman ang sariling buhay. Saka ko na lang siguro siya kokomprontahin pag maayos na ang lagay ko.

"B-Bakit ka nandito?" Yuko ko. "A-Ayos ka lang ba?"

"I-I'm fine... I followed you a while ago. B-Baka kasi nagpakamatay ka na naman," umawang ang labi ko sa narinig at nag-angat ng tingin sa kaniya.

Something is wrong. Something changed. She's not like this, her voice became soft when it used to be cold as ice.

"I won't do that Veronica. May dalawa na akong anak," buntong hininga ko.

"Just want to make sure, I know that this day would be really painful for you..." kibit balikat niya.

Nanliit ang mata ko sa kaniya. Agad na lang siyang nag-iwas tingin sa'kin. My eyes slowly darted at her stomach kaya agad siyang tumikhim at lumayo sa akin.

"Faster! Ayaw mo ba siyang makita?" Aniya kaya bumalik ako sa ulirat.

"Huh?" Nanginig ang boses ko pero sa halip na sagutin ako ay hinila na lang niya sa kung saan. Namalayan ko na lang na nasa loob na pala kami ng taxi.

"You've been crying for an hour and 30 minutes now. Hinayaan muna kita, hindi mo ba napansin na kanina pa ako sa likod mo?" Umawang ang labi ko at umiling sa kaniya.

"I-I didn't know..."

"I understand. I know what it feels," baling niya sa bintana kaya napatitig ako sa nakababatang kapatid.

Really? Veronica being heartbroken? I refuse to believe it.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami dahil masyado akong nagtataka sa inaasta ng kapatid ngayon.

Bumalik ang sakit na nasa akin nang nasa labas na kami ng korte.

"W-Wait... hindi ko kaya," bumuhos ang luha sa aking pisngi at umiling kay Veronica.

"D-Dito lang ako sa labas..." pilit kong pinipigilan ang pagbara ng lalamunan. She looked hesitant at first but at the end, she sighed and let me.

Umupo ako sa bench na nakita ko roon. Hindi ko na inalintana ang alikabok na didikit sa aking pantalon at doon na natulala. Sa wakas tumigil na ang luha.

"Ah... sige. Papasok na muna ako..." tumango na lang ako kahit ang isip ko ay kung saan saan na napupunta.

Napapagod na akong umiyak kaya tulay natulala na lang ako nang biglang humarap sa akin si Veronica.

"By the way, pinaghiganti na kita kay Selene," her evil voice and smirk is back. Bahagya akong nalito sa sinabi niya.

Magtatanong na sana ako pero wala na pala siya sa aking harap kaya tuloy napabuntong hininga ako sa kawalan.

Akirah's Happiness (Chained #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon