Kabanata 23

29.2K 1.2K 845
                                    

"Tito! Tito! Gising na si mama!" Sigaw ng babae na nakita ko sa gilid ng aking higaan.



Biglang may matangkad na babae at lalaki na pumasok sa puting kwarto na ito at lumapit sa akin.


"Oh my thank goodness!" Ani ng lalaki na dali daling pumunta sa akin. Kumunot ang noo ko at bahagyang napapikit sa sakit ng ulo.


"We need to get out of here immediately, Israel!" Pabulong na sigaw ng babae na may hawig sa lalaki na nakatingin sa akin at may pag-aalala sa mukha.


"Are you okay?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam anong isasagot.


"Faster! Baka mahuli tayo ng pulis!" Sigaw ng babaeng naka itim na bestida, kasama niya.


Hindi ko alam bakit sila natataranta. Namalayan ko na lang ang sarili na sumusunod sa kanila kung saan. Pinasuot pa ako ng lalaki ng malaking jacket na may sumbrero.


"S-Saan po tayo p-pupunta?" Mahina kong tanong sa lalaki pero dahil sa taranta ay siguro ay hindi na niya narinig.


Pagkapasok namin sa sasakyan ay niyakap ako ng maliit na babae na nagpakunot sa aking noo lalo na't bigla siyang umiyak.


"M-Mommy... m-mahal din kita... I-I'm sorry po.. I-I'm sorry... d-di ko rin kaya na wala ka..." iyak niya.


Agad akong nataranta sa inasal niya kaya bahagya ko siyang tinulak at lumayo.


"M-Ma..." naging balisa ang aking mga mata at bahagyang nalito sa lahat ng nangyayari.


"M-Ma... I'm s-sorry po..." simhot simhot niya kaya napalunok ako.


"O-Okay lang..." bulong ko kahit hindi ko alam anong pinagsasabi niya. Nag-iwas tingin na lang ako sa maliit na babae dahil sumasakit ang ulo at... puso ko sa di malamang kadahilanan.


Tahimik lang ako habang panay ang usap ng dalawang matangkad na nilalang sa harap namin. Ang maliit naman na babae ay tingin nang tingin sa akin kaya bahagya akong nailang.


"Akirah we need to hide first because police are everywhere, Greeman hasn't heard the news yet and I don't know what will happen if he'll know but don't worry, I'll take care of everything. Are you really okay?" Daldal na naman ng matangkad na lalaki pero sa pagkakataon ngayon ay walang sumagot.


Tumingin na lang ako sa bintana at hinayaan silang mag-usap. Hindi ko alam pero wala akong gana sa lahat. Lito ako pero ayokong magsalita at magtanong muna dahil napapagod ako kahit wala naman akong ginagawa.


Ilang minuto nang nanahimik kaya sumulyap ako sa kaninang maingay na mga nilalang at bahagyang kumunot ang noo nang nakitang nakatingin sila lahat sa akin. Hindi ko rin namalayan na tumigil na ang pagpapaandar ng kotse.


"M-Ma..." tawag ng maliit na babae at nangingilid ang luha kaya nag-iwas tingin ulit ako at bumuntong hininga.


Sumasakit ang puso ko tuwing tumitingin sa kaniya lalo na kung umiiyak siya at hindi ko alam kung bakit.


"A-Akirah..." baritonong tawag ng lalaki pero walang sumagot. Sumandal na lang ako sa bintana, saka na lang siguro ako magtatanong kung hindi na pagod ang puso't isip ko. "A-Akirah..." ulit nito.


Akirah's Happiness (Chained #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon