Chapter 25

1.5K 30 6
                                    

10 days. I've been on this bed for too long.

I stayed in for a week and 3 days. Hindi pa sana ako aalis kung hindi lang ako nakatanggap ng masamang balita galing kay Mandy. She messaged me on viber to let me know na Phoebe was rushed in the hospital due to high fever.

Nakarating agad ako sa ospital at nakita ko si Sandra at Mandy. Sandra gave me an appologetic look pero hindi ako nagalit sa kaniya dahil alam ko naman na mahirap magalaga ng baby. And she has a lot more responsibilities with her family.

"Baby," kinarga ko si Phoebe at umiiyak na nakatingin sa kaniya. She's just a few weeks old at nandito nanaman siya sa ospital. I felt so guilty. Dapat siya ang una kong pinuntahan at hindi muna inisip ang sarili. Kung naalagaan ko sana siya agad, hindi ito mangyayari.

I held her tiny fingers at mas naluha ako ng ngumiti ito. I know she doesn't know me yet pero super nakakagaan ng pakiramdam na mangitian ka ng bata. She smiled as if she doesn't feel any sickness. Gosh, Phoebe. I wish I can get your fever para hindi ka nahihirapan.

Hindi ako papayag na may manakit sayo paglaki mo. I'll protect you at all cost.

Pinahiga ko muna si Phoebe sa bed para comportable ito. May mga unan sa paligid niya kaya hindi ito mahuhulog. Tumabi ako kina Mandy at sila pa ang nakapansin na nakanightgown lang ako. Sa sobrang pagmamadali ko kanina, ni hindi na ako nakapagbihis. Kinuha ko lang ang susi ng sasakyan ko at dumarecho na ng ospital.

"Natawagan ko na po si Sir JC. Pabalik na po siya galing Cebu." Tumango nalang ako. Alam kong nalilito rin sila kung bakit nandito na ako. Sabay kasi dapat kami ni JC na babalik pero dahil nga sa mga nangyari ay nauna na ako.

After half an hour, may dumating na pedia and checked Phoebe. Mas dumoble ang kaba ko ng tignan na siya. Umiyak pa si Phoebe ng kuhanan siya ng dugo. Tumingin ako sa malayo kasi baka sabayan ko siya ng iyak.

"She still has a slight fever but after some antibiotics she's going to be okay. We need to be extra vigilant with newborn babies. So we'll do more tests." The doctor smiled para siguro mapagaan ang pakiramdam ko which helped rin.

Paalis na sana si Doc pero bumukas ang pinto at pumasok si JC. Unang hinanap ng mata niya si Phoebe na nasa kama. Binuhat nito si Phoebe at niyakap. Inilipat ko ang tingin ko ng makitang umiiyak na si JC. I could see myself kanina.

Lumapit ako kay JC at hinaplos ang kaniyang likod para tumahan. Nakatingin siya kay Phoebe na buhat niya na tumutulo ang luha.

Tumingin siya saakin at niyakap rin ako. We both looked at phoebe na natutulog na. We both feel awful for leaving her behind.

__

Sandra and Mandy both went home. I preferred to stay dahil hindi rin naman ako makakalma kung hindi ko makikita si Fifi. Ganun kalala ang guilt na nararamdaman ko.

JC and I went silent noong kami nalang dalawa. The atmosphere between us is so awkward. Never kaming naging ganito ni JC. Everything that happened in Cebu was too much.

Nakaupo ako sa bed katabi si Fifi ng lumapit si JC bitbit ang isang jacket. Saka ko lang naalala na nakanightgown lang nga pala ako at nilalamig na.

"I'm sorry, Niks." He said na nakatitig kay Phoebe. Nakaupo siya malapit sa bed pero sa side ni Phoebe. "I'm sorry for invading your private life." Yumuko siya bago ako tuluyang tignan.

After so many days of thinking, I smiled. JC was trying to protect me. Ang dami na nilang may alam sa nangyayari at ang tanga ko nalang talaga kung hindi ko pa siya pagkakatiwalaan.

"Jace, thank you." Lumapit siya saakin at niyakap ako. The hug that I was longing for.

Everything went back to normal after that. We forget what happened in Cebu and move on.

__

I am in the mall busy doing errands for Phoebe's 1st month shoot. Napapayag ko kasi si JC sa kaartehan ko. Damit lang ni Phoebe ang kailangan kong bilhin because I hired professionals to do the designs and other stuffs dahil hindi ako magaling doon. Gusto nga nila na pati sana sa damit pero gusto ko ako na doon. Ito nalang kasi ang participation ko.

Pagala gala lang ako sa mall dahil ngayon nalang rin ako nakalabas. Naging busy rin kasi sa firm dahil sa tambak na trabaho.

I went inside a coffee shop ng mapagod ako. I ordered coffee at ng matawag ang name ko ay lumapit na ako sa counter. Bumalik ako sa aking table at muntik ko ng mabitawan ang hawak na kape ng makaharap si Javier.

Oo nga pala. Ni hindi ko pa siya nakakausap. I have been praying na sana hindi kami magkita. A part of me wants to know the truth but a part of me doesn't. I wanted to preserve the good image I had of him. I wanted to still think of him as the guy I met and had fun in baguio.

He looked me in the eye before hugging me. "Oh God, I missed you so much." Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya. I even closed my eyes and inhaled his familiar scent pero ng marealize ko kung anong ginagawa ko ay lumayo ako. He flinched ng lumayo ako sa yakap niya. I saw a different emotion in his eyes na nagpaalis ng tingin ko sa kaniya.

Umupo ako and took a sip of my coffee. Kinakabahan ako at namamawis ang palad ko.

"Are you ignoring me?" He sat on the chair infront of me. "Annika?" He tried holding my hand pero inilayo ko.

"Annika, what's going on? May nagawa ba akong mali? Why are you acting like this." Huminga ako ng malalim because I don't want to make a scene.

"Alam ko na ang lahat, Javier." I saw how his emotion changed.

"What do you mean?" Lumapit siya at tumabi saakin.

"I know your relationship with my brother. Kung titignan mo nga naman, magkapatid talaga kami ni kuya. Parehas na mabilis mahila kung saan saan, mahilig sa sex, at madaling magpakatanga sa lalake. Does he know about me? Does he know na pinagsasabay mo kaming dalawa? Or baka hindi pwede dahil investor siya sa bagong bar mo. Are you using my own brother for his money? Anong kapalit ng paginvest niya sa business mo? Your own body?!" Huminga ako ng malalim. "Ayoko ng makita ang pagmumukha mo, Javier. Utang na loob habang nanghihina pa ang kamay ko lumayas ka sa harap ko."

"I can explain. Mahal kita, Annika." Huminga ako ng malalim.

"Do you really think maniniwala pa ako sa kahit anong sasabihin mo? Umalis ka na!" I pushed him real hard. Sa puntong ito, wala na akong pake kung pagtinginan kami.

Habang nakikita ko siya, baka kainin ko rin lahat ng sinabi ko. Baka mas lumala lang ang sitwasyon.

I went back to my car after. Iniwan ko siya sa coffeeshop with his pleading eyes.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang kaninang pagpipigil ko ng luha ay nagbagsakan na.

I prepared myself for this. Alam ko mahihirapan ako kapag nagkita na talaga kami pero hindi ko alam na ganito pala kasakit.

My friends protected me and its my time to protect my brother.





___

Nikie's Note

Eto naaaa para sa mga nagmamadali jan! Charizz.

Comment naman kayo ng reaction niyo for todays chapter huwag yung puro next ud lang. Malay niyo matuwa ako maglabas agad ako ng next update. 🤔

Someone asked about the title, right? Hehe.
More steamy scenes coming soon! 💖

My Brother's Boyfriend's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon