Nang kumalma na kaming dalawa, nagtabi na kami sa bench. He looked at my pregnant belly. He wanted to touch it pero pinipigilan niya ang sarili niya.
"You can touch it, Jace." He looked at me first before placing both hands on my belly. Kasabay ng paghawak niya ang pagsipa ng bata sa sinapupunan ko.
"Oww." Napaigtad ako dahil sa lakas ng sipa ng anak ko. Naalarma naman si JC dahil doon. "Sumipa" I giggled at umayos ng upo.
Anak, nakikilala mo ba kung kanino ang kamay? That's your daddy.
"I felt it." Hindi niya tinanggal ang pagkakahawak sa tiyan ko. Softly caressing my pregnant belly.
We were silent at nakahawak at tingin lang siya sa tiyan ko. I know there are a lot of questions running inside his head. Hindi ko rin alam kung kaya kong sagutin lahat.
"How did you know that I'm here?" He rubbed my hand on top of my belly. "Si Tita ba?"
"Mom knew?" Napadarecho ito ng upo bago seryosong tumingin saakin. Based on his reaction, hindi si tita ang nagsabi. So sino?
"Nakita niya ako. Akala ko sakaniya mo nalaman."
"No. I didn't know na pumunta siya dito." He held my hand at tumingin saakin. "Gwen told me."
Ngunot noo akong tumingin sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na si Gwen rin pala ang maglalaglag saakin ngayon.
"She doesn't want you to bear our child alone." Nanlambot ang puso ko sa narinig. He's considering my child his. "When I knew you are pregnant, agad akong nagbook ng flight. I can't bear thinking na mag-isa ka sa journey mong ito. Hindi ko nakitang napanganak si Phoebe, hindi rin ako papayag na hindi ka masamahan ngayon." He caressed my hand with so much tenderness. Para tuloy akong maiiyak uli.
Tumingin siya saakin. Natigilan pa siya ng makitang naluluha nanaman ako.
"Pregnancy hormones." I wiped my tears. Hindi ko napigilan ang sarili kong icaress ang buhok nito. How can someone be so amazing and genuine as him?
We went home afterwards. Hindi na nagulat si Gwen na kasama ko si JC. Dahil siya naman ang nagsabi. Tho nagpapasalamat rin ako kay Gwen dahil hindi ko kakayanin ang napagdaanan kong labor kung wala si JC. Tama lang na nandito si JC.
It was so painful na parang hinahati ang katawan ko sa dalawa. I went to labor for almost 13 hours. Cesarean was never an option kaya normal delivery ang ginawa saakin ng doktor ko. JC was with me the whole time. Saying wonderful words in my ear to calm me down. Sobrang sakit manganak but everything was so worth it when I carried my little angel for the first time.
After hours of patiently waiting in the room, dumating rin ang nurse dala ang anak ko. I was so excited kahit na ang sakit ng buong pagkatao ko. "She's so beautiful." The only thing I said when I looked at her.
"You are beautiful." Nawala ang titig ko saaking anak ng magsalita si JC sa harap ko. Nakatitig lang siya saakin at nakangiti. "The most beautiful mother I have ever seen." Lumapit siya at humalik sa ulo ko. "I'm so proud of you."
The way he talks makes the butterflies on my stomach go wild. Sanay ako sa matatamis na salita ni JC but everything is so different now. Ang dami ng nagbago saaming dalawa at sa kung ano ang relasyon namin.
I know in me na hindi nalang pang kaibigan ang nararamdaman ko. Deep in me, I wanted to love him wholeheartedly. He deserve the same amount of love and affection he gives.
We stayed in the hospital for a few days. Naging maayos ang lahat ng screening kay Amara kaya mabilis rin kaming nakalabas. Pagkauwi namin sa bahay, naghanda ng munting celebration si Gwen at Patrick para sa pagbalik namin. It was so nice and sweet of them. Si Oliver naman tuwang tuwa kay Amara.
Amara Ysabel, the name of our baby. She's the cutest baby I have ever seen. Mabuti nalang talaga, alam ko na ang ibang bagay noong kay Phoebe palang. Parang nakapagpractice na ako dati kung paano mag-alaga ng bata. Tho hindi parin naging madali. There are days na sobrang hirap alagaan ni Amara. Yung paiyak narin ako dahil naghalo na ang antok at pagod pero mabuti nalang talaga nandito si JC. Tinutulungan niya ako sa pagalaga sa bata.
"Hey, beautiful." Ngumiti ako kay JC nang magkasalubong kami sa hallway ng bahay. Kakatapos ko lang padedein si Amara sa nursery at pabalik na ako sa kwarto.
"Saan ka nanggaling?"
"Somewhere. Let's sleep na." He kissed my forehead bago ako inakbayan papasok ng kwarto.
This sweet gestures make me fall in love. Ganito naman na siya dati talaga pero hindi ko lang pinapansin. Hindi ko lang binibigyan ng meaning.
"I have to tell you something." Umupo ito sa kama. Pumunta naman ako sa drawer ko at naglabas ng envelope. "Huwag ka magagalit." I handed him the envelope.
DNA result nilang dalawa ni Amara iyon. Before kami umalis ng ospital, pinagawa ko yun privately. Ayaw na sanang malaman ni JC dahil handa naman siyang panindigan ang anak ko pero hindi naman iyon kakayanin ng kunsensya ko. I wanna know the truth.
"Amara is my daughter no matter what the result is." Nakatitig lang ako sa kaniya ng buksan niya ang envelope. "Amara is mine, Annika." Hinarap niya saakin ang papel at klarong nakalagay doon na 99.9999% match silang dalawa.
Lumapit siya saakit at niyakap ako. "I'm Amara's father."
Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib. All along, I knew it was him. Siya kasi ang miss na miss ko nung panahon na pinagbubuntis ko si Amara. Siya ang napapanaginipan ko na kasama ko at katabi ko. I missed everything about him and what he does for me.
Right there, I just knew that I was whipped.
Kailangan ko nalang ayusin ang lahat ng problema na nagawa ko sa pilipinas para maging okay na ang lahat ng tuluyan.
____
Nikie's Note
Whatcha think? 😊
BINABASA MO ANG
My Brother's Boyfriend's Secret
Historia CortaHighest Rating (not yet completed) Teen Fiction : #45 This story is not suitable for very young reader. This contains bold and malicious words.