Nauna akong nagising kay Javier. Mahina pang humihilik ito nung bumangon ako sa kama. I glanced at my bed side at nakitang 9 na ng umaga.
I did my thing in the cr at paglabas ko ay tulog parin ito. Pinulot ko lahat ng nagkalat na damit namin at nilagay sa washing machine.
Naabutan ko si Gwen at Celine na nasa kusina. Nakangiti sila saakin at alam na alam ko na na aasarin ako.
"Good morning, sex queen." Inirapan ko si Gwen at gumawa ng sariling kape. "I heard wolves howling kagabi. Nakalimutan ata na merong tao sa kabilang kwarto." Binato ko siya ng tinapay dahil sa pang-aasar niya.
"Heard that too." Nag-apir silang dalawa ni Celine at nagtawanan. Umiiling nalang ako na kumain ng tinapay.
"Annika?" Nawala ako sa asaran nila ng marinig ang boses ni Javier. Pumunta agad ako sa kwarto. I saw him malapit sa pintuan ko with my pink towel wrapped on his belly. May mga butil pa ng tubig na tumutulo sa kaniyang katawan. I wanted to check him out pero naalala ko ang damit niya.
"Oh! Nilagay ko sa laundry. Wait up." Bumalik akong banyo at sakto naman na handa na ang damit niya. "May coffee and breakfast sa baba." Sinarado ko na agad ang pinto dahil baka matempt pa ako.
Kumpleto na ang kaibigan ko ng bumaba ako. At inulan nanaman ako ng asar.
"2nd, 3rd or 5th?" Jay. Umiiling na hinila ko ang buhok niya.
Di rin nagtagal ay bumaba na si Javier at nakabihis na. Humalik siya sa ulo ko at umupo sa tabi ko. Nag-ubuhan naman ang kaibigan ko na parang sira. Nakangiti lang si Javier habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.
"Coffee?" Tanong ko sa kaniya.
"Yes please." Tumayo na ako at gumawa ng kape niya. Thank God for Keurig.
Natapos ang breakfast namin na napuno ng pangaasar nila saamin. Hindi naman kasi ganun ka sound proof ang mga kwarto kaya malamang narinig nila kaming gumagawa ng milagro.
Di rin nagtagal ay nagpaalam na ang mga kaibigan ko. Naiwan nalang kami ni Javier na tinulungan ako maglinis ng kalat.
"May pupuntahan ka?" Nagsusuot ako ng black skirt nang saktong pumasok ito ng kwarto ko.
"Yeah. Kailangan ako sa firm. Ikaw?" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko habang nakatayo naman ako.
"I'll head over to bar then." Ang kaninang kamay na nakahawak sa kamay ko ay nalipat sa balakang ko. "When will we meet again?"
Nakatingin siya sa mukha ko at parang mine-memorize ito. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang kaniyang labi.
"When?" Umupo ako sa kandungan niya at pinulupot ang braso sa kaniyang leeg.
"We'll text?" Napakagat ako sa ibabang labi ko. Parang ang inosente nito habang nagtatanong. Sobrang cute.
"We'll text." Magdidikit na sana uli ang aming labi pero naudlot yon dahil sa isang tawag.
Sinagot ko ang tawag ni JC kahit nakaupo ako sa kandungan ni Javier.
"Where are you?" Seryosong tanong nito.
"Uhmm... Stuck sa traffic. I'll be there in 15 minutes." Pinatay na nito ang tawag. Ibang iba talaga si JC when it comes to the firm. Parang laging nagtatransform.
Binigyan ko si Javier ng mabilis na halik bago kami maghiwalay ng sasakyan. Nagmadali narin akong pumunta sa firm bago pa ako matawagan ulit ni JC.
Bitbit ko ang mga blueprint tubes ng pumasok ako sa office niya.
"You're late." Bungad nito at nakalagay pa ang mga braso sa dibdib.
"Sorry na nga e. Atleast I got all the designs done. Construction nalang ang hinihintay ko." Nakangiti ako dito at umupo sa upuan sa harap ng table niya.
"Good. Imimeet ko mamayang gabi over dinner si Mr. Cruz."
"Okay, noted."
Lumabas rin ako ng office ni JC ng matapos kami magusap. May dinaanan rin akong ibang papeles at designs na final checking na.
Umalis muna ako ng firm dahil plano kong bumisita sa mga site. Mahirap na at baka pakampante lang ang mga construction workers namin. Busy ako sa pagsupervise sa isang construction site ng tumunog ang cellphone ko. Lumayo muna ako at sinagot ang tawag ni Kuya Ash.
"Annika, nandito na ako sa bahay."
"Okay."
"Okay. Ingat ka." Binaba ko na ang tawag at nagmasid na ulit sa site.
Bumalik na ako sa firm ng matapos na akong maglibot. Humawak ako sa sentido ko nung biglang sumakit ang ulo ko. Mainit na weather tapos biglang aircon. Aynako.
Nakapikit akong sinagot ang tawag sa cellphone ko.
"Hello, this is Annika."
"Busy ka?" Napatingin ako sa screen ng cellphone ko at napagtantong si Javier pala ang tumawag.
"Tapos na. Nasa bar ka?"
"Nope. Out with friends."
"Okay." Nilagay ko na ang mga gamit ko sa bag at lumabas ng office.
"Pauwi ka na?"
"Uh-huh. I'll drive na. Bye." Pumasok na ako sa sasakyan ko at pinatayan na siya ng tawag. Gusto ko nalang umuwi at magpahinga.
BINABASA MO ANG
My Brother's Boyfriend's Secret
Short StoryHighest Rating (not yet completed) Teen Fiction : #45 This story is not suitable for very young reader. This contains bold and malicious words.