Chapter 18

3.1K 31 2
                                    

Pumayag akong makipagdinner kay Javier. Kinikilig pa ako dahil ngayon lang uli kami magkikita. Kinikilig ako o naeexite lang ako sa kung anong gagawin namin pagkatapos? Calm down, pempem.

Hindi na ako nakapagbihis ng damit dahil excited nakong makita si Javier. Mabuti nalang na laging presentsble ang damit ko kapag pumapasok ako sa firm.

I checked my face in my compact mirror before entering the restaurant. Agad itong tumayo ng makita ako. Lumapit siya at niyakap ako ng mahigpit bago mabilisang halikan sa labi.

Muntik ko pang habulin yung labi niya ng lumayo ito. Nakakahiya ka, Annika!

He smiled at hinila na ako papunta sa table namin. Pinaupo niya muna ako bago siya umupo sa harap ko. Nakangiti siya habang matagal na nakatingin saakin. Naconscious tuloy ako.

"May dumi ba ako sa mukha?"

"Wala. Namiss lang talaga kita." Hindi ko narin napigilang ngumiti dahil sa sinabi niya. Mag iisang buwan rin kaming hindi nagkita at oo nga't namiss ko siya. Namiss kong nakikita yung palangiting siya.

When food came, we continued talking about our month na hindi kami nagkikita. He told me the progress of his dream restaurant. I told him how busy I am in the firm at kung gaano ako kastress dahil sa rami ng trabaho ko. Pero ang sagot niya lang saakin,

"Hindi naman mukhang stressed ka, baby. You still look very beautiful." Aaminin kong kinilig ako. Namula ang pisngi ko at akala mo talaga first time kong masabihan ng maganda dahil sa inasta ko. Para akong teenager na kinikilig dahil nasabihan ng maganda. "You're blushing, babe." He came closer at hinawakan ang pisngi ko.

Tumawatawa akong hinawi ang kamay nito.

"Stop making me blush." Pero mas hinawakan nito ang kamay ko at binigyan pa iyon ng halik.

We enjoyed our dinner na nagkekwentuhan lang. We stayed until closing time. Ni hindi pa namin namalayan ang oras dahil panay ang kwentuhan namin. We planned to stay on his house at uuwi lang ako para kumuha ng damit for work tomorrow. I got excited dahil ngayon lang ako makakapunta sa sarili nitong bahay. Ang dami ng nangyari saamin at ang dami naring napagkwentuhan pero nananatili paring malaking misteryo si Javier.

Wala pa kami sa harap ng bahay ay napansin ko na ang nakaparadang sasakyan. Mas lalong nangunot ang noo ko ng makita si JC na nakasandal sa sasakyan habang umiihip sa sigarilyo.

Anong ginagawa nito dito?

"Your friend?" Tumango ako kay Javier bago siya naunang lumabas at pagbuksan ako ng pintuan. We walked na magkahawak ang kamay.

"JC!" Tumingin ito saakin bago sa kamay namin ni Javier na magkahawak. "Anong ginagawa mo dito? Wala ka na bang lagnat?" Bumitaw ako kay Javier at nilapitan si JC. Pinakiramdaman ko yung temperatura ng noo niya at ng akin. Medyo mainit pa siya meaning may sinat pa siya.

"Jace, may sinat ka pa. Anong pumasok sa isip mo at pumunta ka dito sa bahay ng ganitong oras? Alam ba ito ni Tita?"

"I'm okay." Inayos nito ang necklace ko na siya ang nagbigay. He patted my head bago ngumiti at lumayo saakin. "Uwi na ako." Completely ignoring all my questions.

Patalikod na ito pero pinigilan ko agad. "No. May sinat ka pa. Baka makatulog ka sa daan." Mas malaki ang tendency na makatulog ito sa daan dahil masama pa ang pakiramdam nito. Kaya hindi ko rin maintindihan kung bakit siya pumunta rito ng mag-isa. Is he out of his mind?

He gazed at my back at saka ko lang naalala na kasama ko nga pala si Javier. Ano ba, Annika!

I grabbed that chance para ipakilala sila sa isa't isa. Lumapit ako kay Javier and held his hand at hinila ito palapit kay JC. "Javier, si Jose Carlos. Jose Carlos si Javier." I smiled like a lunatic. JC knew all the men I dated before at ganun rin ako sa kaniya. That's how close we are.

Pinapasok ko muna sila sa bahay and offered drinks. Laging puno ang aming cabinets ng drinks, mapa alcoholic or sodas. Madalas kasing biglaang pumupunta ang friends namin e kaya we always stock up. They both stayed on the living room. JC's the talkative type at nakakapagtaka na hindi niya dinadaldal si Javier. Siguro masama nga ang pakiramdam nito.

Habang nasa kusina ako ay pumasok si JC bitbit ang kaniyang cellphone. "Mom needs to speak to you."

Tumango ako inabot ang kaniyang cellphone. "Hello, Tita."

"Annika, may sakit pa ba si JC?" Punong pagaalala na tanong ni Tita Merce. Naawa tuloy ako kaya inirapan ko si JC. Nagkibit balikat lang ito habang nakatingin saakin na kinakausap ang kaniyang nanay.

"Sinat po tita. Huwag ka pong mag-alala hindi ko po muna siya pauuwiin. Ako pong bahala sa kaniya tita."

I heared her sigh. "Thank you, hija. Did he destroyed a date?" Natawa ako sa sinabi nito. Madalas talagang si Tita Merce ang nakakakwentuhan ko na parang siya na rin ang bestfriend ko at hindi ang anak niya.

"No, tita. Kasama ko silang dalawa ngayon."

"Okay, okay. I'll hung up na. You kids be safe."

Nang mamatay na ang tawag ay ibinalik ko na ang cellphone ni JC. Nagtataka pa ito marahil gusto malaman ang pinagusapan namin ng kaniyang Mommy.

"Chismoso." Bago ko pa mahawakan ang tray ng mga alak ay siya na ang nagbuhat. Sabay kaming bumalik sa living room. Nakabukas na ang TV pero agad napunta ang atensyon ni Javier saakin. He smiled na nagpangiti rin saakin.

Gandang ganda talaga ako sa ngipin niya.

We stayed quiet ng makaupo na kami at may mga hawak ng alak. Hindi ko alam kung bakit ang awkward. I tried opening up a conversation for them pero agad ring natatapos.

So binuksan ko nalang yung bagong biling PS5 ni Kuya. May dalawa kaming controller at marami akong biniling games.

Okay na siguro to kesa tahimik kami.

_____

:)

My Brother's Boyfriend's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon