Chapter 36

1K 30 18
                                    

"Oli, hold my hand." The little boy looked at me and smiled. He took my hand and swayed it while walking on the street. This boy is just 3 years old but you can already tell he's a genius. Nagmana nga talaga sa magulang.

My doctor tasked me to move around the house and since malapit lang naman ang market saamin, doon ako lagi nagpupunta at lagi rin akong sinasamahan ni Oliver. Boring naman kasi kung ako lang mag-isa.

We looked around and bought some fruits and veggies. I also bought some gummies for Oliver. Maybe this is the reason why he loved to walk around with me. Madalas kasi kahit ano ang binibili naming dalawa. Nageenjoy kaming kumain ng kumain.

Maraming tao ngayon sa market dahil sunday. Maraming klase ng breads pero dahil hindi kami mahilig ay hindi ako bumili. Marami ring fresh flowers kaya bumili rin ako. Hindi ako gaano bumili ng kung ano ano dahil nahihirapan na akong magbuhat ng mabibigat. Mabigat na nga yung katawan ko may dala pa akong makulit na bata.

Nagturo si Oliver ng yoghurt at dahil sumasakit na yung paa ko ay umupo nalang ako sa tabi ng fountain at inabutan nalang ito ng pound. Minasahe ko ang sumasakit kong paa kaya hindi ko napansin si Oli.  Tumayo ako ng hindi ko na nakita ang likod ni Oliver. Matataranta na sana ako pero nakita ko itong may kausap na babae.

"Oliver!" Tumingala saakin si Oliver at yung babae. Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ng mamukhaan ang kausap ni Oliver.

"Tita?" Unti unting bumaba ang tingin niya sa umbok kong tiyan. Nanuyot ang lalamunan ko ng lumapit siya saakin. I expected her to slap me or say bad things pero niyakap niya ako. She hugged me so tight and I hugged her back.

"We've been looking everywhere for you, Annika." Humiwalay siya sa yakap at tinignan ako. "Nandito ka lang pala." She held my face and smiled at me.

Nahihiya ako. I can't even smile back or look her in the eye dahil nahihiya ako sa sarili ko.

"Ilang buwan na ito?" She touched my pregnant belly.

"9 months na po." The month after I went here in london, nalaman kong nagdadalang tao ako. It was unexpected. Pero never kong naisip na ipalaglag ang bata. Kapabayaan ko kaya ako nabuntis e. Kasalanan ko ito at walang kasalanan ang bata.

"Can I ask?" Tumingin uli siya saakin. "Kanino ang bata?"

The thing is, I have a feeling na kay JC itong bata. Pero maniniwala ba siya kapag sinabi kong kaniya ito? E alam niyang may namamagitan saamin ni Javier?

Bago pa ako makasagot, naramdaman ko na ang paghila ni Oliver sa laylayan ng damit ko. "Can we go home?"

I smiled at him bago tumango. "Yes, baby."

"Tita, its nice seeing you again po. Pero sana saatin nalang po muna na nandito ako at ang pagbubuntis ko." Niyakap ko uli si Tita Merce bago kami umalis ni Oliver.

Hindi niya naman na kami sinundan. Pero para akong praning na palingon lingon noong pauwi na kami ni Oli.

Dumarecho ako sa sofa pagkauwi ng bahay. Ang bigat kasi ng pakiramdam ko. Para akong manganganak na ewan e.

Napansin ni Gwen ang pagkabalisa ko kaya lumapit siya saakin.

"What happened? Is it time?" Humawak siya sa tiyan ko at nakatingin lang saakin.

Umiling ako at huminga ng malalim.

"Mom, a lola found us." Nilingon ni Gwen ang anak na nasa tabi na namin.

"What lola? Sinong lola?" Nilingon niya naman ako.

"Si Tita Merce. She found me." Nakahinga ng malalim si Gwen. Parehas kasi kaming nagtatago sa maraming tao e. Magkaibigan nga talaga kaming dalawa.

"Pero paano kung malaman ni JC?"

"I don't know. Hindi tayo sure kung papaniwalaan niyang kaniya ito." Yun naman talaga ang kinakatakot ko e. Kaya hindi pa ako umuuwi.

"Yan ka nanaman e. Sinabi mo naman dati na pinaniwalaan niyang kaniya si Phoebe sa letter lang diba? Tas ikaw hindi paniniwalaan? E ilang beses kayong nagchukchakan sa hindi niya pa gawang bahay."

"Shh! Gwen nandito si Oli!" Tinakpan ko ang tenga ni Oliver at nginitian ito. Ngumiti nalang rin si Gwen sa anak.

Alam ni Gwen ang lahat ng nangyari. Alam niya ang bawat detalye dahil ikinwento ko sakaniya. Bago ko pa siya pagawan ng papers ko paalis ng pilipinas, alam niya na ang lahat.

Papaniwalaan kaya ako ni JC?

____

Lumipas ang ilang araw na takot akong lumabas ng bahay. Natatakot na makasalubong ko si Tita Merce. Pero kahit anong iwas ko ata, mas lalo akong pinaglalaruan ng tadhana.

Bumili lang ako ng bulaklak sa isang store. Naging sobrang hilig ko kasi sa bulaklak simula nung nandito ako. Iyon ang pinaglilihian ko. Madalas na sinasabay ko ang paglakad ko sa market at pagbili ng bulaklak. Hindi na ako sa market pumupunta noong nakaraan dahil baka magkita kami ni Tita Merce. Pauwi na ako sa bahay at dahil long cut ang dinaanan ko sumakit ang balakang ko kakalakad. No choice kundi umupo muna.

Hawak ko ang bulaklak at pinagmamasdan yun ng may humintong sapatos sa harap ko. Pagkaangat ko ng aking ulo ay mukha ni Jose Carlos ang nakita ko. Hindi pa ako makapaniwala nung una. Akala ko namamalikmata lang ako na nandito siya sa harap ko.

"I'm damn right. It is really you." Lumuhod siya sa harap ko para magpantay ang mukha naming dalawa. He held my face before embracing me. Nakapikit lang ako habang niyayakap siya. "I missed you so much, Nika."

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil umiiyak na ako. Naguunahan ng lumabas ang mga luha ko. He's really here. Ilang buwan ko rin siyang hindi nakita. Ilang buwan ko rin siyang hindi nahawakan. Ilang buwan ko rin siyang hindi nayakap ng ganito. Ilang buwan ko rin siyang namiss.

"Huwag ka ng aalis. Please. Don't leave me." Lumayo ako sa pagkakayakap niya saakin at tinignan siya.

"I'm sorry." I felt a lump on my throat when I saw him crying too. Pinunasan ko ang pisngi niya. Humawak siya sa kamay ko before kissing it. "I'm sorry for hurting you, Jace."

"Shh." Humalik siya sa noo ko bago ako muling yakapin.

I can't believe this. Kayakap ko talaga si Jose Carlos ngayon. I've been craving this hug for the longest time.

____

Nikie's Note:

Hi! Nalalapit na ang ending! Hehe

My Brother's Boyfriend's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon