What happened between Javier and I was a mistake. Pero pucha. Ilang araw akong binabagabag dahil sa pagkakamaling iyon.
A part of me wants to stay out of their relationship pero may parte rin saakin na gustong angkinin si Javier.
Nawala ang katahimikan sa opisina ko ng tumunog ang aking cellphone.
"Hello kuya?"
"Sis! I'm near your office. Let's grab coffee?"
Huminga ako ng malalim. I'm so scared to face him.
"Sure, Kuya."
I arrived at the nearest coffeeshop. Nakita ko rin naman agad si Kuya na nakaupo na. He smiled and waved his hand when he saw me.
"Alam mo kung hindi mo ako sinipot ngayon, iisipin kong tinataguan mo ako." I looked at him with disbelief. Umiling ako kahit na totoo naman. I'm using my workload as an excuse to not see him. "Baka naman sa susunod kailangan ko ng kumuha ng schedule?"
"I'm sorry, Kuya. Marami lang talagang trabaho." I sipped my coffee at inilapag sa lamesa. Itinago ko ang kamay sa ilalim ng lamesa para matago ang panginginig ng kamay ko.
Damn. This is getting me nervous.
"By the way, kaya kita kinita para ipaalala na birthday ko na next week. I don't want anything fancy. Just a dinner with you is fine with me."
"Hindi ba unfair sayo iyon? You made me celebrate in Batangas. Ang dami mong ginastos para saakin."
"Okay na ako sa dinner, Nika. At hindi lang ikaw ang busy sa trabaho no." Tumango nalang ako pero ang totoo pinaplano ko na sa utak ko ang gagawin kong surprise.
Nagkwentuhan lang kami ni Kuya saglit bago siya tinawag uli sa ospital.
I came back to my office after. Ginawa ko na muna ang arrangements para sa birthday niya bago ko makalimutan.
When his birthday came. Tumawag siya noong natanggap niya ang pinagawa kong bulaklak. He's so happy dahil gustong gusto niyang nakakatanggap ng bulaklak.
He snapped a story and tagged me. I liked his story at pinindot ang next story. The next story is a photo of a bouquet and its tagged to Javier. May kasama ring video ng kasweetan nila ni Javier.
I closed instagram at huminga ng malalim. It looked like everything is fine between them.
___
Inaabot ko ang zipper ng aking dress ng saktong pumasok si JC sa kwarto. He knows I'm having dinner with my brother. Hindi naman siya nagtatanong kung saan ako nagpupunta pero nakasanayan ko ng sabihin sa kaniya. I live inside his house so sa tingin ko dapat alam niya.
"You look lovely." He helped me to close the zipper.
I smiled at him. "Will you and Fifi be okay?"
"Yes. Enjoy your night with your brother." He smiled at inayos ang necklace ko. The necklace that he gave me.
Nakarating ako sa Sofitel before my brother. Inayos ko muna ang mga dapat kong ayusin before messaging him. Ang alam niya lang, dito lang kami kakain pero hindi niya alam na ipinaalam ko siya sa supervisor niya hanggang bukas. I reserved the suite for us. Balak ko rin kasing magstay dito. Makapagbonding manlang kaming dalawa.
I stood up and waved my hand when I saw him. Lumapit siya at niyakap agad ako.
"Happy Birthday, Kuya!" Inabot ko ang regalo ko sa kaniya. Nanlaki ang mata niya ng makita ang kulay green na box.
"Halla, Annika, ang mahal nito." Hindi siya makapaniwala sa nakikita. He opened the box and there it was. A Rolex Watch with swarovski diamonds. He's into watches talaga at marami na siyang watches pero wala pa siyang may diamonds so ito ang naisip ko. "Mygad, sis. Ang ganda." Lumawak ang ngiti ko ng suotin niya ito.
BINABASA MO ANG
My Brother's Boyfriend's Secret
Historia CortaHighest Rating (not yet completed) Teen Fiction : #45 This story is not suitable for very young reader. This contains bold and malicious words.