Tinulak ko ang mukha ni Javier ng mapansing tumatagal na ang aming halikan. Nakangiti siya habang hinahaplos ang pisngi ko. Pumikit ako at dinama ang mainit niyang palad sa pisngi ko.
"Bye, Javier." Kumindat ako bago tuluyang isarado ang kaniyang pintuan.
Tumango ako ng makita si Kuya Ash. Mukhang hinihintay niya ako.
"Saan ka galing?" Tumaas ang kilay ko. I can hear bitterness in his voice.
"Mall." Umiiling siya saakin bago ako ayain kumain. Hindi kami nagimikan sa hapag. Well, sanay naman ako na hindi talaga kami naguusap o kamustahan man lang, pero right now, something is off. "I don't want you pregnant-" tinignan ko siya ng masama. Yun ba ang umiikot sa utak niya ngayon? "You need to mature, Annika."
Naguguluhan ako sa kaniya. Where is this coming from? "Seriously?" I faked a laugh.
Tumayo na ako before starting another argument with him. Ayokong nakikipagaway sa kaniya dahil siya nalang ang meron ako.
"Ganyan ka ba talaga kabastos?!" Tumayo rin siya at dinabog ang lamesa. For the first time, natakot ako sa kaniya. I can see anger in his eyes na hindi ko alam kung saang nanggaling.
"What is your problem?!" Hindi niya ako tinignan. Umalis siya ng kusina at padabog na sinara ang pinto ng kaniyang kwarto.
--
"Wala ka bang balak magready?"
Nakaupo lang ako sa gilid ng kama ko habang magulo ang mga kaibigan ko na nagaayos ng gamit.
Tumabi saakin si Celine at tinignan ako.
"Birthday nito bukas diba? Bakit mukang byernes santo?" Inirapan ko si Celine na nagawa pa akong lokohin.
They knew what happened yesterday night. At naguhuluhan rin sila kung bakit ganun ang tinatrato saakin ng kapatid ko. Kaya rin kagabi pa hindi maganda ang mood ko. Ayoko naring sumama sa batangas kung saan namin icecelebrate ang birthday ko.
"After lunch daw tayo aalis." Jay na kakapasok lang ng kwarto ko. Agad niya rin akong tingnan dahil halata naman ang busangot sa mukha ko. "Hoy, anong arte to?"
"Kailangan pa ba nating pumunta talaga ng batangas?" Nakarinig ako ng iba't ibang apela sa mga kaibigan ko.
"Ligo ka na, Annika. Ako na maghahanda ng gamit mo." Huminga ako ng malalim bago sundin ang sinabi ni Celine.
Nakatapis ako ng lumabas ng banyo. Wala na ang mga kaibigan ko at wala narin ang mga gamit nila. Meron namang Peach halter top at white highwaist short shorts na nakahanda na. Sinuot ko na iyon at tinali nalang ang basa kong buhok.
Naglalagay na sila ng gamit sa van na gagamitin namin. Nagkatinginan kami ni Kuya Ash pero agad rin itong nagiwas ng tingin. Wala akong katabi sa van kaya prente lang akong nakatulog.
Tulog lang ako sa buong byahe papuntang batangas. Medyo umokay naman ang mood ko pagkagising. Huminga ako ng malalim ng makita ang magandang beach. Para akong hinahatak na lumangoy at enjoy-in habang may araw pa. Nagcheck in muna kami at nagpahinga sila. Hindi naman na ako inaantok dahil kagigising ko lang pagkarating namin. Hinalungkat ko na lang ang bag na pinuno ni Celine ng mga damit ko. Nagsuot ako ng black 2 piece at pinatungan ng white dress. Iniwan ko lang rin na nakatali ang buhok ko. Kumuha ako ng shades at lumabas na ng hotel room.
Umupo muna ako sa isang sunlounger at kumuha ng maraming picture. Nasa pampang ako at naglalakad hawak ang sandals dahil hinayaan kong nababasa ang paa ko. Nag picture ako ng makitang unti unti ng bumababa ang araw. Sobrang ganda. Umupo ako sa isang sunlounger at pinagmasdan ang sunset.
"Mama, Papa, I miss you." Bumagsak ang mainit na luha sa pisngi ko. Oh God, I miss my parents so much.
"Andito ka lang pala." Pinunasan ko ang pisngi ko bago lingunin ang nagsalita. Nakita ko si Kuya Ash na umuupo na sa katabi kong sun lounger.
"Namimiss mo sina Mama at Papa?" Parehas na kami ngayong nakatingin sa dagat.
"Sobra." Para akong paos sa pagsagot sa kaniya.
"Miss ko na rin sila." Nagkaroon ng katahimikan kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin narin ito sa akin na may apologetic eyes. "I'm sorry for judging you, Annika."
Napakagat ako sa labi ko ng makita ko ang luha sa pisngi ni Kuya Ash. "Inaalala lang naman kita kasi kapatid kita. At ikaw nalang ang meron ako." Lumapit siya kaya niyakap ko siya.
Siya nalang rin ang meron ako. I can't hate my brother that long. Kahit pa hindi kami close o kaya kasing affectionate katulad ng ibang magkakapatid, our sibling relstionship will always what I want.
Humiwalay siya at parehas nalang kaming natawa sa kadramahan namin. "Tama na nga ito." Pinunasan niya rin ang pisngi ko. "I have a gift for you."
"Sapat na itong batangas trip na ito kuya."
Umiling siya bago ibigay ang isang maliit na red box saakin. Ngumiti ako bago buksan.
"This is Mama's." Nangilid ang luha ko ng makita ang laman. It's Mama's heart pendant. I opened it at mas humagulgol ako ng makita ang maliit na larawan na nandoon. The picture of my parents.
"Kuya, thank you."
"Nakita ko yan sa gamit nila Mama noong naglilipat tayo ng bahay. At alam ko na para sayo talaga iyan." Yumakap uli ako kay Kuya. This gift is beyond money can ever buy.
--
After talking to my brother, gumaan ang pakiramdam ko. I enjoyed smiling and laughing with them. Dumating narin ang ibang kaibigan ni Kuya Ash kaya mas naging masaya.
Naka white off shoulder dress ako for dinner. We were all glam up kahit simpleng dinner lang naman.
Pababa na kami for dinner ng tumunog ang cellphone ko. I answered JC's request for videocall.
"Oh wow. Hey, beautiful." Nagtinginan ang mga kaibigan ko saakin dahil sa sinabi ni JC. Sanay na ako sa mabubulaklak na salita ni JC. It can't affect me.
"Hello, JC."
"Is that Annika? Hello!" Sumingit ang mukha ni Tita Merce kaya masaya akong kumakaway sa kaniya. "Advance Happy Birthday, sweetie."
"Thank you, Tita."
"Annika? Let me talk to her." Napakagat ako sa labi ko nung pagpasa pasahan na ang cellphone ni JC. I can also hear Kuya Joshua and Kuya Jaime. "Hi, Annika! Nakakatampo ka parin kahit birthday mo na bukas." Ngumiti ako kay Kuya Joshua.
"Sorry, Kuya Joshua. Kuya Ash got all the plans e."
"Kidding. It's fine. We recieved your wedding gift. Thank you." Ngumiti ako at nakuha nanaman ang cellphone.
"Hello, baby sister." Kumaway ako kay Kuya Jaime. He's really the one who calls me little sister dahil kapatid daw talaga nila ako. "Advance Happy Birthday! I really wanted to say my birthday wish for you but the dude beside me is starting to get really really irritating." Tumawa ako ng ipakita niya si JC na nakataas na ang kilay.
"Can you give it back now?" JC.
"See? Haha. See you in Manila." Kumaway ulit ako bago mukha na ng JC ang kaharap ko.
"Sorry about that."
"Annika," nilingon ko ang tumawag saakin at nakita si Kuya Ash. Lumayo kasi ako sa lamesa nila para marinig ang makakausap ko.
"JC, I have to eat dinner. Talk to you later?"
"They ruined my call. Bye, Annika." Ngumiti ako bago patayin ang tawag.
"They loved you so much." Tumango ako kay Kuya Ash at sabay ng pumunta sa lamesa namin.
Nakahanda na yung foods namin. Ako nalang pala talaga ang hinihintay.
"A toast for my baby sister who's turning 30 but still looked like 13," Kuya Ash. Tumawa ang lahat dahil sa sinabi niya and did the toast.
After dinner, ofcourse we ordered drinks.
This is the best day yet.
BINABASA MO ANG
My Brother's Boyfriend's Secret
Historia CortaHighest Rating (not yet completed) Teen Fiction : #45 This story is not suitable for very young reader. This contains bold and malicious words.