After dinner, bumalik lang ako sa kwarto ko para kumuha ng shawl. Sa may gazebo lang kami iinom pero medyo malamig kasi ang simoy ng hangin. Nasa kabundukan rin kasi itong mansyon e.
Nagchat narin ako kay Sandra, ang sekretarya ni JC. Nangamusta lang naman ako at sinendan niya ako ng picture ni Phoebe na natutulog na. Hays mas namiss ko tuloy yung bata. I saved the picture at ipapakita ko kay JC mamaya.
Nagsisimula na sila noong makarating ako. Hindi ko narin kinabigla ang dami ng alak na nakaprepare. Looking at the hard liquors in front of me, parang may plano silang lasingin ang kung sino saamin.
Kumuha ako ng beer at tumabi sa couch na katabi si Ate Steph at Ate Cathy. Magkakatabi naman ang upuan nila JC at ng mga kuya niya. Kulang nalang talaga ang asawa ni JC dito.
Naguusap kami nila ate ng umilaw ang phone ko na nasa lamesa. Binaba ko muna ang bote na hawak bago basahin ang isang text.
__
From: Javier
I miss you so much baby.
__
Nakangiti akong tinignan ang text niya at hindi nalang nagreply.
Ilang beses na itong nagtetext saakin pero hindi ako nagrereply. Hindi ko rin alam kung bakit ko pinipigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto kong maconfirm sa sarili ko.
Tinapik ako ni Ate Cathy kaya nalipat sa kaniya ang tingin ko. Nakita ko silang nakangiti parehas saakin kaya binaba ko na muna ang cellphone ko.
"Para kang kinikilig sa katext mo. Boyfriend?"
Ngumiti ako bago umiling. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano "kami" ni Javier. Malamang hindi na kami pasok as One night stand dahil nakailang ulit na kaming dalawa. Fuck Buddies? Maybe pero ganito ba ang nararamdaman mo sa kafubu mo? Kinikilig ka parin ba kahit hindi naman siya nasa loob mo?
"Annika is not the relationship type. That's why were friends." Napatingin kami kay JC ng magsalita ito. Tumango ako sa kaniya kasi tama naman siya.
Pero ng makilala ko si Javier, may part saakin na gusto ng tanggalin ang nakasanayan. Tama pa ba to?
"Kaya nga tayo napagkakamalan na couple e. Kaya rin siguro madalang ang manliligaw ko dati." Inikutan ko siya ng mata na nagpatawa sa mga kasama namin.
Highschool palang marami ng nagbalak saakin na manligaw pero dahil bestfriend ko si JC na inaakala nila na manliligaw ko, umaayaw agad sila. Hindi naman iyon naging problema saakin dahil mas inatupag ko ang pagaaral ko pero ngayon nangungunsime na ako. Sabi ko nga, trenta na ako pero wala parin akong boyfriend. Kailangan ko ng kabahan diba?
Nang mas lumalim na ang gabi at mas dumami na ang ubos na bote saaming harap, mas naging magulo. Nararamdaman ko narin ang epekto ng alak saaking katawan.
Magkakatabi na ngayon sila kuya at ate. May mga sariling mundo at sobrang dikit sa isa't isa. Eto nanaman ako, umaapaw nanaman ang inggit sa katawan ko.
Tinignan ko nalang uli yung phone ko. Nasa message ako at nagiisip ng sasabihin kay Javier ng biglang may humablot sa cellphone ko. Napasimangot ako ng makita si JC na nakatingin rin saakin.
"Jace!" Nanlaki ang mata ko ng tinignan niya ang screen ko. Tumayo ako agad at hihilaiin ang cellphone pero mas matangkad ito saakin kaya hindi ko rin maabot. "JC naman e!"
"I wish you were here?"
"Jose Carlos!" Nakangisi itong iniabot saakin ang cellphone ko. Mas naasar tuloy lalo ako. Sinapok ko ito sa braso na mas nagpatawa sa kaniya.
"Why the lame texts?" Nawala ang ngiti nito ng makita ang seryoso kong mukha. "Don't tell me seryoso ka na sa kaniya? Ilang buwan mo lang nakakasama sa kama?"
Mas ngumunot ang kilay ko sa sinasabi niya. What is his problem?
"JC, marami ka ng nainom." Suway ni Kuya Josh dito.
"You barely know him! Huwag ka naman madaling magpaloko!"
"Anong pinagsasabi mo?" Huminga siya ng malalim bago umalis sa hawak ni Kuya Josh. Iniwan niya nalang kami ng ganun ganun lang.
"Nika?" Tumaas ang tingin ko ng tawagin ang pangalan ko. Matapos umalis si JC kanina, nagsiakyatan na silang lahat pero nagpaiwan ako.
Gusto kong makapagisip isip. Gusto ko sanang intindihin kung bakit galit si JC saakin. Gusto ko rin sanang tawagan si Javier e. Kaso mas natatakot ako sa malalaman ko.
"Marami lang nainom si JC. Alam mo naman yun." Ngumiti ako kay Kuya Jaime.
Tama naman siya pero madalas na mas totoo pa ang mga sinasabi ni JC kapag lasing siya. Mas nailalabas niya ang sama ng loob niya kapag nakakainom siya. Kaya di ko rin alam kung bakit ganito siya saakin ngayon. Galit ba siya kay Javier?
Hindi ko nga nirereplyan si Javier kasi gusto kong masigurado ang totoong nararamdaman ko. Hindi ko na kasi alam ngayon kung hanggang katawan na kaligayahan lang ba ang gusto ko kay Javier o pangpuso na. Ewan ko ba.
Hinatid ako ni Kuya Jaime sa kwarto. Hindi pa ako nakakapasok, bumukas ang pinto sa tabi ng kwarto ko. Pinto ng kwarto ni JC.
Nagkatinginan kaming dalawa bago ito lumapit saakin. Nakayuko siya at kamot kamot ang batok. Nahimasmasan na siguro sa dami ng alak na nainom kanina.
"I'm sorry, Nika." Mas lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry for saying those things. Sobrang pinapahalagaan kita at ayokong masaktan ka." Huminga ako ng malalim at tinignan siya.
Why does JC look so handsome right now? Nagmamakaawa ang mata niya at siguro kung di pa ako magsasalita ay iiyak na to.
"Jace, matanda na tayo. Kaya ko na ang sarili ko. At kung masaktan man ako, sabihan mo ako ng I told you so at hindi ako magagalit."
"Hindi mo ba talaga ako naiintindihan, Annika?" Mas lumapit siya at hinawakan ang pisngi ko. "Mahal kita, Annika. Mahal na mahal kita." Bago pa ako makasagot, dumampi na ang labi nito sa labi ko.
Nang hindi ako lumayo, mas hinapit niya ang katawan ko palapit sa kaniya.
We shouldn't be doing this, right?
Binuhat niya ako without breaking the kiss. Kumapit ako sa batok niya at wala na akong pake kung saan man ito mapunta.
That night, we broke our friendship code.
____
Nikie's Note:
Hello! Sorry super late. ✌🏻
BINABASA MO ANG
My Brother's Boyfriend's Secret
Historia CortaHighest Rating (not yet completed) Teen Fiction : #45 This story is not suitable for very young reader. This contains bold and malicious words.