A week after Kuya's birthday, Javier and I started to see each other again. The contentment I feel whenever were together is worth it. Kahit saglit lang, kahit minsan hapyaw lang o kaya mabilisan lang na pagkikita, masaya na kaming dalawa.
Pinanghahawakan ko na mahal niya ako. I trust him that's why I engage myself more to him.
Doon ko lang rin simulang nakilala ng tunay si Javier. He started opening about his life more.
"Hmm..." I hugged him from behind and inhaled his amazing scent. Walang laban ang niluluto niyang pagkain sa napakabango niyang katawan.
"Hungry?" He held my hand and kissed my knuckles. Para naman akong bata na tumango sa tanong niya. He looked at me before giving me a peck on the lips. "Let's eat." He smiled at binuhat pa ako papunta sa dining area. Umalingawngaw ang tawa ko sa buong bahay.
Whenever we see eachother, lagi dito sa bahay niya. The same house where he brought me before. Ang akala ko talaga dati sa bar lang siya nakatira. His office became his tiny home at paminsan minsan lang umuuwi dito.
We ate the food he prepared bago tuluyang mag-ayos. Hindi pa ako nakakapasok sa sasakyan ko ay nahila niya uli ako para bigyan ng mahabang halik sa labi.
"I love you, babe." I smiled before hugging him.
"I love you too."
Pinauna niya muna akong makaalis bago siya pumasok ng sasakyan.
Tapos nanaman. Wala nanamang kasiguraduhan kung kailan kami magkikita dalawa.
Pagkabalik ko sa firm, naabutan ko si Tita Merce na nasa loob ng office ko. Sanay akong sinasabi kay Tita Merce ang lahat ng nangyayari sa buhay ko pero hindi ko ata kayang sabihin sa kaniya ang tungkol saamin ni Javier ngayon. Mas okay na kaming dalawa lang ni Javier ang may alam. Iwas na sa gulo.
Nakahinga ako ng malalim ng sabihin nito na kaya siya pumunta ay para mapagusapan ang binyag ni Phoebe. Gusto kasi nilang ipunta si Phoebe sa Cebu para makita naman ito ng iba nilang kamaganak. Sabi rin ni tita, meron kasing pamahiin na dapat mabinyagan muna ang bata bago itravel ng malayo.
"The problem is, ayaw pumayag ni Jose Carlos. Masyado pa daw maaga." She rolled her eyes which made me laugh. "Hay nako. Alam mo naman ang batang iyon. Kapag sinabi niya na hindi ay talagang ipipilit niya na hindi. Kaya rin ikaw ang kinausap ko about this dahil alam kong hindi himihindi si JC sayo."
"I'll see what I can do, Tita."
"Thank you, dear. O siya, ako'y aalis na at mukhang marami ka pang trabaho." She smiled bago ako yakapin. "Drop by ka naman sa bahay, Nika."
I smiled at tumango nalang. When she left, nagtrabaho na uli ako. I planned to talk to JC pagbalik niya sa firm pero ni anino nito ay hindi ko nakita. Kung dati sobrang workaholic niya, mas dumoble ngayon na meron na siyang anak. And I totally understand dahil gusto niya ng mas ikakabuti ni Phoebe.
Kakababa ko lang kay Phoebe sa crib ng bumukas ang pinto ng nursery. JC smiled when he saw me. Pumasok siya at humalik sa noo ng anak. Lumabas rin naman kami agad dahil ayaw naming maistorbo ang tulog ng cute na cute na bata.
Nagtake-out ako bago umuwi ng favorite naming Baby back ribs. Kaya pinainit ko muna iyon para sa dinner namin. Parang sinusulsulan ko si JC pero ngayon ko kasi balak sabihin ang tungkol sa binyag ni Phoebe.
"By the way Jace, kailan mo balak ipabinyag si Phoebe?" Naka limang subo muna ako bago ito tanungin. Kinakabahan kasi ako sa isasagot nito.
"Not yet thinking about it. Gusto mo na ba siyang pabinyagan?" Nagliwanag ang mata ko dahil sa tanong nito.
BINABASA MO ANG
My Brother's Boyfriend's Secret
Cerita PendekHighest Rating (not yet completed) Teen Fiction : #45 This story is not suitable for very young reader. This contains bold and malicious words.