We stayed in batangas for 2 more days bago kami bumalik ng manila. I had so much fun sa batangas at nagusap na kami ni Javier na babalik kami roon kapag free na ang schedule naming dalawa.
It's 3 in the afternoon at dalawang linggo na ang nakakaraan matapos ang birthday ko. Tagaktak ang pawis ko na iniinspection ang site na malapit ng matapos. Kasama ko si JC at sabay kaming tumitingin sa maliit na blueprint sa ipad ko.
"As you can see, Mr. Rivera, the building is almost done. The construction is right on track." Natapos ang site visit namin. Bawat building na pinapagawa sa firm namin ay masusi rin naming binabantayan para walang maging aberya.
"I never doubted your skills, JC. Your dad is right about you and Annika." Ngumiti ako ng mabanggit nito ang pangalan ko. Kaibigan ito ng mga magulang ni JC at kilala rin ako nito dahil matagal na nga akong kaibigan ni JC. "You two are perfect for each other."
I just gave a sly smile. Nagkatinginan pa kami ni JC bago umiling. Natawa nalang rin tuloy saamin si Mr. Rivera.
"I'll go ahead. See you on the launch."
After the site visit, bumalik na kami sa firm. It's past 8 ng makarating kami sa firm. Napagod ako sa byahe kahit na hindi naman ako yung nagmaneho. Isang sasakyan lang kasi ang ginamit namin para hindi na hassle.
Kakaupo ko lang sa harap ng aking desk ay tumawag nanaman si JC.
"I thought you wanna see the house?" Inikutan ko ito ng mata kahit hindi niya naman nakikita.
"Oo pero pwede magpahinga muna ako? Dinadamay mo nanaman ako sa pagiging workaholic mo Jose Carlos."
"Alright." Binaba na nito ang tawag. Nagpahinga lang ako ilang saglit at pumunta na sa office niya. Ilang hakbang lang mula sa office ko ay office niya na.
Bitbit ko ang bottled water at ang iced coffee na pinagawa ko sa aking sekretarya. Gabi na pero kape talaga ang hinahanap ng katawan ko. Pagpasok ko sa opisina nito ay nakahawak ito sa kaniyang sentido at mahinang minamasahe ito.
I somehow felt bad dahil ako naeenjoy ko ang kape ko habang siya namomoblema sa hawak na blueprint.
He fainted a smile when he saw me. Inilapag ko muna ang mga hawak sa kaniyang lamesa bago tumayo sa likod ng kaniyang upuan. Pinasandal ko ito sa headrest ng kaniyang upuan at minasahe ang ulo.
Minsan napapaisip ako kung may kakambal si JC e. Ibang iba kasi ito kapag nasa bar at lumalandi tapos iba kapag nasa trabaho na. Kaya hindi ko rin siya maiwan iwan kapag nandito kami sa firm dahil alam kong sasagarin niya ang sarili sa pagtatrabaho.
"I'm fine, Niks."
"You're not. Kanina ko pa napapansin yung paghimas mo sa noo mo. Dapat sinabihan mo ako na masakit ang ulo mo kanina para nakainom ka ng gamot."
"And fall asleep while driving? Heck no."
"Marunong akong magdrive no. Ang sabihin mo, kuripot ka lang talaga kaya ayaw mong kumuha ng driver." Umalis ako sa likod nito at dumaretsyo sa isang maliit na cabinet. Kung tama ako, dito ko iniwan ang first aid kit niya. "Inumin mo to."
"I have to drive."
"I'll drive you home. Inumin mo nalang ang dami mo pang satsat." Kinindatan ko lang ito ng tignan ako ng masama. Binigay ko sa kaniya ang hawak kong bottled water kanina at ininom niya na ang gamot. "Good boy." I patted his head na mas ikinasimangot niya.
"We'll leave in a few. Tama na yan may bukas pa." I left his office at bumalik sa office ko para kunin ang aking mga gamit.
Nang makarating kami sa bahay nila ay drowsy na ang mata nito. Tinulungan ko pa siya sa pagbaba sa sasakyan dahil mukhang tutumba na ito.
"Sleep here." Umiling ako at iniwan na ito sa kaniyang kwarto. Kaya ko pa namang magdrive. Kung makaasta talaga itong lalakeng to parang hindi ako marunong magmaneho.
___
:))
BINABASA MO ANG
My Brother's Boyfriend's Secret
Storie breviHighest Rating (not yet completed) Teen Fiction : #45 This story is not suitable for very young reader. This contains bold and malicious words.