Umuwi ako sa bahay namin noong sa tingin ko hindi na namamaga ang mata ko. Gusto kong makausap ang kapatid ko.
Nagpasalamat ako ng makita ko ito na aligaga sa loob ng kusina. Hindi na kasi ako nagmessage at nagbabakasakali lang na nandito siya.
"Kuya."
"Nika!" Binitawan niya ang sandok na hawak at lumapit saakin. Ngayon nalang uli kami nagkita dalawa kaya mahigpit rin ang yakap ko sa kaniya. "Kamusta naman ang pagbahaybahayan niyo ni JC?"
Napalayo ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. "Aynako kuya. Magkaibigan lang kami ni JC."
"Jan din naman nagsisimula ang lahat." Bumalik na uli siya sa niluluto niya.
"Bakit ang dami mong niluluto?" Kumuha ako ng spoon at sinimulang tikman ang sinigang.
"Dadalhan ko ang boyfriend ko." Natahimik ako kaya nilingon niya ako. "Susunduin niya ako mamaya. Gusto mo ba siyang makilala?" Ngumiti ito na parang kinikilig pa.
"Masaya ka ba?" Lumingon uli ito saakin. Para na siyang maiiyak na tumatango.
"Masayang masaya."
Sino ba naman ako para balewalain ang kasiyahan ng kapatid ko? Simula nung nawala ang magulang namin ginawa na ni Kuya ang lahat para makapagtapos ako sa pagaaral. Isinantabi niya ang personal na kaligayahan para saakin.
"Deserve mong maging masaya." Niyakap ko ulit siya. Alam ko iniisip nito na sobra ko ng dramatic kaya tumawa nalang ako nung lumayo ako. "May kukunin nga pala ako sa kwarto ko."
"Doon ka ba uli uuwi kay JC?"
Tumango nalang ako bago umakyat saaking kwarto. Kumuha nalang ako ng damit kahit na hindi naman dapat ako kukuha. Gusto ko lang magkadahilan para hindi ito makahalata sa biglaan kong paguwi.
Napuno ko ang maliit na maleta ng hindi namamalayan. Hindi ko na kasi inisip kung ano yung mga nakuha ko. Bahala nalang kung kalat nanaman ito sa condo ni JC.
Bumaba na ako sa hagdan bitbit ang maleta. Lumapit naman si Kuya ng makita ako. Mukhang tapos na siya sa pagaayos sa kusina.
"Annika, kailan ka uli uuwi?"
"Hindi ko pa alam, Kuya. Marami kasing trabaho e." Yumakap uli ako bago magpaalam na aalis na.
Hindi alam ni kuya ang tungkol kay Phoebe. Hindi ko pa sinasabi kaya ang alam niya lang ay para sa trabaho kung bakit ako nakay JC.
Pinapasok ko na ang maleta sa aking sasakyan ng may huminto na sasakyan sa tapat ng bahay.
Nahigit ko ang hininga ko ng magtapat ang tingin namin ni Javier.
Eto na siya. Totoo nga.
"A-Annika." Ngumiti nalang ako bago tumalikod para makaalis na. Wala na akong balak pang guluhin sila basta masaya ang kapatid ko.
Nanginginig ang kamay ko ng tuluyan na akong makalayo saaming bahay. Ipinarada ko muna sa gilid ang sasakyan ko dahil sobra ang panginginig ng kamay ko.
Nakita ko pa sila kanina.
Nakita kong niyakap ni Kuya si Javier. Nakita ko silang nagkiss.
Nakita ko silang pumasok sa bahay.
Nakita mismo ng dalawang mata ko.Parang mababaliw ata ako kung iisipin ko kung ano na ang ginagawa nila sa bahay namin. Sa mismong bahay namin na naging saksi sa ginawa namin noon.
__
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nagmamaneho si JC. Ramdam ko rin ang pagtingin niya saakin pero hindi ito nagtatanong.
Siya na ang nagmaneho pauwi dahil hindi na ako makapagmaneho. Mabuti nalang tumawag siya kanina habang nagmemental breakdown ako malapit sa gate ng subdivision namin.
Nakauwi kami sa condo ni JC na hindi naguusap. Ayoko kasi talagang makipagusap ngayon. Parang isang tapik lang saakin at bubuhos na ang luha ko.
Dumarecho ako sa guestroom kung saan ako nagsestay. Bago pa ako tuluyang umiyak, pumasok nalang ako sa banyo at naligo. Aayusin ko nalang ang mga gamit ni Phoebe para sa shoot niya.
Pagkalabas ko sa kwarto, nakaabang doon si JC. Nakacross ang kamay niya sa dibdib at malalim ang inisiip.
"Nika," sinubukan ko siyang daanan lang pero nahigit nito ang braso ko.
Ang ayoko minsan kay JC, gusto niya nalalaman agad agad kapag may problema ako. Minsan kasi gusto ko nalang sarilinin e. Katulad ng nangyayari ngayon. Gusto ko sana ako lang yung may alam na nakita ko mismo sila na naghalikan bago pumasok sa bahay namin.
"You don't have to act tough infront of me. You can cry. I'm here." Nanlalabo na yung mata ko ng tignan ko siya. See? Isang ganyan niya lang iiyak na agad ako. Sasabog na agad ang maraming emosyon ko.
Hindi ko na kinailangang magsalita. Niyakap niya na ako at doon na ako humagulgol.
"I'm here, Annika." He's caressing my back while his other hand is hugging me tight. "I'm always here. We're always here."
I cried my eyes out that night. Nakayakap lang saakin si JC at kahit minsan hindi niya ako tinanong kung anong nangyari. Tanging pagpapagaan lang ng damdamin ko ang lumabas sa bibig niya.
___
Nagising ako sa tapik sa pisngi ko. Inaantok pa ako pero naulit iyon.
I grunted before opening my eyes. Agad kong nakita si JC na nakatingin saakin habang ginagamit ang maliit na kamay ni Phoebe para tapikin ako.
"Anong ginagawa mo kay Phoebe!" Inirapan ko siya bago kunin si Phoebe. I smiled ng ngumiti rin si Phoebe ng makuha ko ito.
How can a small human being bring me so much joy?
"Let's eat." Tumango nalang ako kay JC at lumabas ng kwarto bitbit si Phoebe.
Nakatabi na malapit sa lamesa ang electric rocking chair ni Phoebe. Doon lang siya habang kumakain kami.
Hindi naman kasi maingay na baby si Phoebe. Kuntento na ito na malapit saamin. Siguro minsan gumagawa siya ng ingay para siguro sabihin saamin na pansinin siya.
"Ako na maghahatid kay Phoebe mamaya." Tumango ako kay JC. "Mom wants to talk to you."
I don't think I'm ready to talk to anyone yet kaya humindi ako. I know Tita understands.
"Whenever you're ready, nika. No pressure." Tumango ako kay JC at hinawakan ang kamay niya na nakapatong sa lamesa. We both smiled at eachother and finished eating.
Pinaliguan ko muna si Phoebe bago iabot kay JC. This is our usual morning routine. Ako nagpapaligo kay Phoebe at si JC ang magbibihis. Ihahatid ni JC sa bahay nila para alagaan nila Tita Merce at ako naman sa firm dadarecho.
Sinabi na rin ni JC kila Tita ang tungkol kay Phoebe noong nagkaayos kami. They showered her with lots of kisses and hugs. Elena would be happy to see them loving her daughter.
__
I started my day with a meeting with my staff. Maraming bagong projects kaya nagbigay ako sa kanila. Unti unti ng lumalaki ang firm at baka next month maghire na kami ng mas madaming staff. Dumadami na ang load namin at baka biglang hindi na namin kayanin.
Nang makabalik na si JC sa firm, pumunta ako sa office niya para pagusapan ang isa naming malaking deal. Inabot rin kami ng dalawang oras sa paguusap dahil malaki iyong project. Hanggang kaya kasi, hindi namin pinaguusapan ang tungkol sa trabaho sa condo niya. Gusto ko rin naman na si Phoebe ang focus naming dalawa paguwi. Ayokong iuwi ang stress.
When lunch came, nasa desk lang ako ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Pagsasabihan ko na sana si Mandy dahil marami pa akong gagawin pero pagtaas ko ng aking ay mga kaibigan ko ang nakita ko.
Now that they're here, I feel like crying.
___
Nikie's Note
Eyo! Hope you liked it. Vote at comment naman jaaann. 😬
Huwag naman puro next ud lang sa comment uyy. 🥺
BINABASA MO ANG
My Brother's Boyfriend's Secret
Historia CortaHighest Rating (not yet completed) Teen Fiction : #45 This story is not suitable for very young reader. This contains bold and malicious words.