CHAPTER XXII

6K 89 3
                                    

Chapter 22
Life after wedding day

IT'S BEEN month since our wedding day. I remembered that after our wedding reception, we went straight to our house, changed our clothes and sleep separately. Na para bang walang nangyaring kasalan. No luxurious honeymoon. Which is actually my dream. To travel with my husband.

In a span of a month, hindi na ako ang namamahala ng university namin. Nagkatotoo nga ang sinasabi ni kuya na mabilis lang ang paghandle ko ng unibersidad. Siguro, ginawa lang yun nila mom and dad para makilala at mapalapit ako sa mapapangasawa ko na asawa ko na ngayon.

At sa isang buwan na iyon ay siya ring pag graduate ni Alex sa college. He graduated as the cum laude which I am proud of. Kahit pala loko-loko marunong mag seryoso.

Pagkatapos nitong grumaduate ay ito na agad ang naghandle ng kompanya nila. Since our company already merged, siya rin ang namamahala sa kompanyang ako dapat ang mamahala. Dad decided na siya na daw para di na ako masyadong maabala. He even suggested na sa bahay nalang daw ako at gawin ang trabaho ng isang asawa, which I highly disagreed.

Pinilit ko ng pinilit si dad hanggang sa mapapayag ko siya. And ladies and gentlemen, that's how I became the Vice President of OUR company.

Sa pagsasama naming dalawa, napapansin kong madalas na siyang umuuwi ng madaling araw. Palaging pagod na pagod at tulog agad pag-uwi. He will always have a woman scent and kiss marks on his neck. Nambabae.

Wala namang kaso yun sakin. As long as di malalaman nila mom and dad. Dahil una sa lahat, ayoko ng gulo at mga isyu.

I sighed and looked at my watch. I'll be late kung di ako magmadali. I hurriedly get my car keys and went straight to the garage. I rolled eyes when I noticed na wala na ang kotse niya doon. Palagi siyang umaalis ng maaga. Talaga huh? Para may time sa pangalawa?

Wait. What?

Teka. Bakit ko naman pagtutuunan ng pansin yun? Bumuntonghininga ako at pumasok na sa kotse. Pinaandar ko ito at pumunta na sa kompanya.

NANG makarating ako sa kompanya ay lumabas ako ng aking sasakyan at binigay ang susi sa chauffeur. I maintain my serious face and entered the building.

Sa pagpasok ko sa kompanya ay siya namang pagtigil ng mga empleyado sa kanilang mga ginagawa. Tumahimik bigla ang paligid. May ibang ngumiti sakin at binati ako ng 'Magandang umaga po, Maam' ngunit di ko ito pinansin at patuloy na naglakad papuntang elevator.

I think it's my lucky day. I raised my brow nang makita ko kung sino ang nasa loob ng elevator. My husband and his mistress. No wonder at palaging maagang umaalis. Para pala mayroon siyang time sa mga kabit niya. Sa itsura nito ay halata namang pampalipas oras lang itong babaeng kasama niya.

"Good morning" bored na sabi ko. Ang tahimik na paligid ay mas lalong tumahimik. Ramdam ko ang tensyon sa paligid ngunit di ko itong masyadong pinansin.

Ngumisi ang babae sakin at mas lalong kumapit sa braso ng asawa ko. Saan kaya nakukuha ng mga kabit ang tapang nila? Walanghiyang kirida.

Tumingin lang si Alex sa akin at tinignan ang isa sa mga kabit niya. "Let's go" sabi niya at sabay silang naglakad palabas nang elevator at palabas ng building.

Sinundan ko sila ng tingin at napapailing na pumasok ng elevator. Hindi pumasok ang mga empleyadong kasabay ko na naghintay kanina. I pressed a button para manatiling bukas ang elevator. "Are you just going to stand there?" I asked them.

Nanlaki naman ang mga mata nila at nagmamadaling pumasok. Nang nakapasok na sila ay ramdam kong nagpapakiramdaman silang lahat. Sobrang tahimik nila at para bang pinipigilan nila ang kanilang hininga. Di lang ako umimik at hinintay na makarating sa top floor.

Nang marating ko ang top floor ay lumabas na ako ng elevator.

The top floor is divided into three. His office, my office and the conference room. Ang conference ay sakto lang ang laki for the meeting. Kaya ang dalawang office ay malalaki ang espasyo.

Pumasok ako sa opisina at nilapag ang bag sa mesa. I sighed. Napakababaero talaga ng hayop na yun.

Umupo ako sa aking upuan at sinimulan nang gawin ang trabaho ko.

Umupo ako sa aking upuan at sinimulan nang gawin ang trabaho ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Princess' Office

***
The picture above is not mine. I just got it from google for reference 😊

Edited.

Follow me on my Facebook Page:
https://www.facebook.com/strangedisguise/

Add me on Facebook:
https://www.facebook.com/strangedisguise.wp

STRANGEDISGUISE

My Playboy Husband ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon