Chapter 25
HospitalMAS diniinan ko pa ang pagtapak sa selinyador upang makarating agad sa condo ni Natasha. Palipat- lipat ang tingin ko sa cellphone at sa daanan. Alam kong mali pero shit! Ano na naman ang meron doon? Naglasing ba ang mga bruha at nagsusuka kung saan? Tangina wag nalang kaya akong tumuloy? I looked at my phone at nakita kong tumatawag si Natasha.
Natasha Baltazar calling...
Sinagot ko ito at ni-loudspeaker.
"Oh? Bakit ka napatawag? I'm
already on my way. Wait for
me."["Tanga! Tumawag lang ako
para i-check kung nakaalis
ka na ba...."]"Just wait for me okay! At
ano ba ang meron? Anong
nangyari?"Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Feeling ko nanlalamig ako na parang kinakabahan na parang hihimatayin din dahil sa kaba. Huminga ako ng malalim at tinutok ang mata sa daan.
["Basta bilisan mo! Ang bagal mo naman..."]
"Gaga! Eto na nga mas binibilisan
ko na!"Inikutan ko ito ng mata kahit di naman niya nakikita. Ibinaling ko ang tingin sa cellphone at akmang puputulin ang tawag ng may makakasalubong siyang truck.
"Putangina...shit" gulat na sabi ko habang nanlalaki ang mga mata.
Sa gulat ko ay di ko kaagad nakabig ang manibela at tuluyan na ngang nagkasalpukan ang dalawang sasakyan.
Sobrang bilis nang pangyayari. Naramdaman ko nalang ang malakas na pwersa na galing sa pagbubunguan ng dalawang sasakyan. Nauntog ng malakas ang ulo niya sa bintana ng kotse, dun na siya nakaramdam ng hilo at paninilim ng paligid. Sa unti- unting pagpikit ng kanyang mga mata ay ang boses ng kaibigan ang kanyang huling narinig bago magpalamon sa kadiliman.
["Tangina! shit.shit. Ano ang nangyayari sa—"
SA KABILANG banda ay nakaramdam ng kaba ang magkakaibigan. Nang hindi na ulit matawagan si Princess ay hindi na sila mapakali.
"Ano ba ang nangyari? Baka biglang nalowbat lang?" sabi ni Mary sa kaibigang si Natasha.
Umiling-iling si Natasha. "Hindi! Imposible yan dahil nakarinig ako ng malakas na banggaan bago maputol ang tawag." kinakabahang sabi nito.
Natahimik ng ilang sandali ang magkakaibigan. Hindi nila alam kung anong gagawin. Dahil una sa lahat ay di nila alam kung saan ang destinasyon ng babae. Malalim ang nilalakbay ng kanilang isipan. Nagulantang sila ng may tumawag sa cellphone ni Natasha.
Princess Ramirez calling...
"Oh My Gosh! Si princess, tumatawag!" sabi ni Camille at tinuro ang cellphone na umiilaw. Mabilis itong kinuha ni Natasha at sinagot ang tawag.
"Gaga ka! Anong nagyari sayo
ha? Bakit di mo—""Good Evening Miss. This is Chief
of Police Mathias Malcolm Murray
from Philippine National Police.
Natagpuang walang malay at duguan
ang iyong kaibigan sa kanyang kotse.
Kasalukuyan siyang naririto sa Ramirez Hospital at patuloy na ginagamot."Nagulantang naman ang mga kaibigan ni Princess sa kanilang narinig. Una siyang natauhan at suminghap.
"Darating po kami, Chief."
"Hihintayin po namin kayo."
Mabilis na kumilos sina Camille, Zoe, Natasha at Mary. Kinuha nila ang kanilang mga importanteng gamit. Bago lumabas ay nagpaalam muna si Natasha sa nagbabantay ng kanyang anak. "Aalis po muna ako,ate. Tawagan mo nalang ako pag nagising siya at umiyak." tumango naman ito.
"Dahan-dahan sa pagmamaneho. Baka mangyari din satin ang nangyari sa kanya kung sakaling mabilis ang takbo ng sasakyan." mahinang sabi ni Mary.
Inusig naman ng konsensiya si Natasha. Kung sana ay di nalang niya pinapunta ang kaibigan ay di ito mangyayari sa kaibigan nila.
"Kailangan nating alamin kung ano ang nangyari. Alam nating hindi nag-o-over speeding si Princess." sabi ni Camille habang binabagtas ang daan patungong hospital.
Bumuntong hininga si Zoe. "I doubt. Nag o-over speeding siya minsan. At ngayon siya minalas." nakapikit na sabi nito.
"Pero hindi rin imposibleng lasing ang nakabangga kay Princess! Oo, nag o-over speeding siya minsan pero sa tamang lane. I think kasalanan talaga yun nang nakabangga sa kanya." sabi naman ni Camille.
Huminga nang malalim si Natasha. "Let's just hope for the best. Sana hindi malakas ang impact sa kanya." nag-aalalang sabi nito.
Bumuntong hininga ang mga ito at tumahimik.
SAMANTALA, naging aligaga ang mga nurse at doktor sa Ramirez Hospital. Marami talagang pasyente ang palaging nadadala sa ospital nila.
Nakakuha sila ng impormasyon na may panibago na namang darating na pasyente. "Ay grabe talaga. Sikat talaga ang ospital na 'to ano? Daming pasyente." sabi ng nurse at napakamot nalang sa ulo. Pawisan narin ito dahil sa dami nang pasyente na dumagsa kanina.
Ngumisi ang doktor na nakatoka sa ER (EMS- Emergency medicine specialists). "Kaysa naman sa wala? Edi walang sweldo." sabi nito at nag disinfect ng kamay. Humarap ito sa dalawang nurse at hiningi ang record ng mga pasyente kanina.
Natapos nilang asikasuhin ang mga pasyente kaya naka stand by nalang sila. Wala silang oras na magsaya dahil hiwalay dapat yun sa trabaho. Ayaw nilang lumabag sa patakaran at baka sila'y masibak sa trabaho.
Napalingon sila ng may panibagong pasyente naman ang ipinapasok sa ER.
"Incoming patients! Collision of vehicles! Nakainom ang nagmamaneho ng truck. May konting sugat ito sa ulo dahil nauntog ito sa salamin ng truck." mahabang saad ng paramedic. Inasikaso naman agad ito ng doktor.
May muling pinasok ang mga paramedic na ikinagulat ng lahat. Maraming dugo ang pumabalot sa ulo ng babae. May dugo rin ang kasuotan nito dahil sa sugat na natamo.
"Malaki ang impact ng truck sa kotse niya. Sa sugat na natamo niya, malakas nauntog ang ulo nito sa salamin. Nagkaroon ng crack ang salamin kaya malakas ang impact ng pagkauntog ng ulo niya sa salamin. Maraming sugat din ang natamo niya dahil nabasag isang bahagi ng windshield dahil sa lakas ng pagkaka bunggo" mabilis at mabahang lintaya ng paramedic.
Gulat parin ang makikita sa mukha ng doktor. "M- Mrs. R-Ramirez" nauutal na sabi niya.
Dinaluhan agad ito ng iba pang doktor at agad na inasikaso. Ang natilalang doktor kanina ay tinawagan agad ang nakatataas.
"President, naririto po sa Emergency si Ma'am Princess. Nag- aagaw buhay!"
***
Hi 👋 Sorry for the late update. Supposed to be ay kahapon pa ito na upload. But then, naging sobrang busy ako kahapon kaya ayon🤣Thanks for reading!Edited.
Follow me on my Facebook Page:
https://www.facebook.com/strangedisguise/Add me on Facebook:
https://www.facebook.com/strangedisguise.wpSTRANGEDISGUISE
BINABASA MO ANG
My Playboy Husband ✔️
RomansaMEN IN SUIT #1: My Playboy Husband Prince Alexander Ramirez Princess Illigan-Ramirez Cliché as it may seem, fixed marriage still happens. A family's heiress is destined to be married to the son of a wealthy business partner. For the sake of the com...