CHAPTER XVII

6.6K 105 0
                                    

Chapter 17
The talk

TUMINGIN ako sa kanya sabay irap. Nang mahimasmasan ako sa sinabi niya kanina ay tinignan ko agad siya ng masama. Hindi ba niya naisip na ayaw kong maikasal sa kanya? Bakit di siya gumawa ng aksiyon para matigil ang pag-iisang dibdib namin?

Napabuntong hininga ako. "Bakit di ka gumagawa ng aksiyon para matigil ang kahibangan nila? Wag mong sabihing ang e-enjoy ka sa ginagawa nila?"

Ipinatong niya ang braso niya sa mesa at tinignan ako ng maigi. "Tama ka. Nag- e-enjoy ako sa mga nangyayari ngayon."

"Why? Why don't you just stop whatever they're planning?"

"Because I am enjoying this show. Why don't you just agree to their plan? Alam kong alam mo na wala kang magagawa." Sabi niya sabay ngisi.

Napakuyom ang mga kamay kong nasa ilalim ng mesa. Tama siya, wala akong magagawa. Kahit na ayaw ko ay di parin matitigil ang plina-plano nila.

I sighed. "Why don't you bring a girl in your house and introduce her to your parents? It'll be easy for you dahil narin sa profile mo."

"Ouch! Ang sakit mo namang magsalita. Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin?"

"Yes! Dahil narin sa mga naririnig ko sa mga estudyante na nandito. You fucked every girl na nakakasama mo. That's why napaisip ako na bakit di ka nalang pumili ng isa sa kanila at ipakilala sa mga magulang mo? I'm sure na willing silang tulungan ka."

Nakatingin siya sakin na parang nahihibang na ako. "It won't be that easy. Once na gawin ko yun ay alam kong di maganda ang kakalabasan no'n. The girl will cling at me and alam kong pipikutin ako no'n. Habulin ako ng babae, they will took that opportunity para makuha nila ako. But I will never let that happen."

"Pick a decent girl, then." I said and shrugged.

"As I said, It won't be as easy as you think. At isa pa, ayokong magdala ng kung sino-sinong babae sa bahay ng mga magulang ko. Kahit ganito ako ay nirerespeto ko parin ang bahay ng mga magulang ko."

I looked at him flatly. "And what makes you think na naiiba ako sa kanila?"

He grinned. "Una ay ayaw mo sakin. Pangalawa ay kilala ka na ng mga magulang ko, same goes to you. Wala nang magiging problema. We can have contracts if you want."

Inirapan ko siya. "Anong contract ka diyan? Gago ka ba? Wala tayo sa isang storya para gawin ang mga ganyan! It's so clichè."

Nagkibit balikat siya. "Take it or leave it. We don't have any choice kundi ang sabayan lang ang gusto nila."

Napahilot ako sa sintido ko. "Fine. Prepare your contract and I'll prepare mine. See you tomorrow."

"Okay, It's settled. See you then." He said and smiled. Inirapan ko lang siya.

Tumayo ako ng marinig ko ang bell. Lunch break is over. It's time for me to go back to the office. May mga kailangan pa akong tapusin.

NAKATINGIN LANG si Alex sa likod ng babaeng papalayo sa kanya. Napailing siya ng maalala ang masungit na mukha ng babae habang kausap siya kanina.

Ngumisi ang lalaki at pinagpatuloy ang pagkain niya. Hindi niya pinansin ang oras at patuloy lang siyang kumakain.

Nang matapos siyang kumain ay napansin niyang ibang grade level na ang mga kasama niya sa canteen. Napansin din niya ang pagtunghay ng kababaihan sa kanya at nagpapa-cute.

Napailing nalang siya at tumayo. Ang gwapo mo talaga Prince Alexander!

Ngingisi- ngisi siyang naglalakad palabas ng canteen habang nakapasok ang dalawang kamay sa mga bulsa nito.

Agad namang napatili ang mga kababaihan ng kinindatan ni Alex ang mga ito. Mas lumapad ang ngisi niya at tuluyan nang na nga siyang nakalabas ng canteen.

Napahinto siya sa paglalakad at nakaisip ng ibang plano. Bakit pa ako papasok sa susunod na klase?

Muli siyang napangisi at dumiretso sa parking lot. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang grupo nila.

"Huwag na kayong pumasok. Kita-kita tayo sa tambayan."

***
Edited.

Follow me on my Facebook Page:
https://www.facebook.com/strangedisguise/

Add me on Facebook:
https://www.facebook.com/strangedisguise.wp

STRANGEDISGUISE

My Playboy Husband ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon