CHAPTER XLV

2.4K 27 2
                                    

Chapter 45
Meeting the Agents

Umaga palang ay naglinis na si Princess ng kanilang bahay. Tumawag din siya sa sa Illigan Mansion upang magpadala ang mommy niya ng tatlong kasambahay para tulungan siya sa paglilinis at pag pre-prepare ng mga dapat gawin.

Alas siyete pa lamang ng umaga ngunit tagaktak na ang pawis niya sa noo. Napaangat siya ng tingin ng may tumikhim mula sa hagdan. "Good Morning!" aniya kay Alex sabay balik ang tingin sa pag va-vacuum ng sahig.

Bumaba si Alex dala-dala ang attache case nito at huminto sa harapan niya.

"It's too early to clean the house. Eat your breakfast first." anito sabay kuha ng vacuum sa kamay niya.

Inirapan niya ito at kinuha ang vacuum sa kamay nito. "Matatapos na ako, konting push nalang."

"The house is not dirty. It's like your cleaning a clean house. Walang silbi ang paglilinis mo."

"I just want the house clean. Why don't you just go to the company? Susunod nalang ako." aniya sabay patuloy sa pag va-vacuum.

Kumunot ang noo ni Princess ng biglang huminto ang vacuum. "What the-- ? Anong nangyari?" takang tanong niya sa sarili.

"I unplug it." ani Alex.

"What? Kita mo ng naglilinis ako eh. Ang bastos nento."

Ibabalik na sana niya ang pagka-plug ng saksakan ng vacuum ng hapitin siya nito sa bewang.

"Ano ba?! Kanina ka pa ah!" naiinis na sabi niya.

"As what I've said, you don't need to clean it by yourself." anito sabay halik sa kanya. "Marites!" tawag nito sa kasambahay.

"Yes po, sir?" sagot ng kasambahay sabay lapit sa kanilang dalawa.

"Ikaw na ang tumapos nito..." anito sabay bigay ng vacuum dito.

"Okay po, sir..." sagot ni Marites at pinagpatuloy ang pag-va-vacuum.

"Bakit mo bini--"

"Shhh." anito at idinikit ang hintuturo sa labi niya. "Let's talk at the garden." sabay hila sa kanya.

Nakasimangot si Princess ng marating nila ang garden. Sinamaan niya ito ng tingin sabay halukipkip.

"Bakit di ka nalang pumasok sa opisina?"

"Di ka papasok?" tanong nito.

Umiling siya, "Nope. Tinatamad ako."

Ngumisi ito at napailing. "Wow. What an effective vice president."

"Wag mo akong sisimulan, Ramirez!" singhal niya dito.

"Bakit naman po hindi, Mrs. Ramirez?" nang-aasar na sabi nito.

Hinampas niya ito sa braso kaya't napaigik ito. Tamang chansing lang. Charot!

"Tutulong ako sa paghahanda para mamaya. Ikaw nalang ang pumasok ngayon. Kaya mo yan! Total nung nag-iinarte ka ay ako ang gumawa ng mga dapat gagawin mo. Quits na tayo!" aniya sabay ngisi.

Hindi ito sumagot at tumitig lang sa kanya na may ngiti sa labi.

"And also, diba sabi mo dito sila pupunta mamaya? Mas magandang may handang pagkain, pasasalamat narin sa kanila." pagpapatuloy niya.

Tumango ito at kinantalan ng halik ang labi niya. "Pupunta muna sila sa office mamaya, then dederetso na kami dito."

"Okay.."

"Okay..." ulit nito sa sinabi niya sabay ngisi. Inirapan niya ito pagtkatapos ay niyakap ng mahigpit.

"I'll see you later?" aniya.

My Playboy Husband ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon