CHAPTER 6

36 16 34
                                    

LUNA POV

Biglang may nag text sakin kaya napatigil naman sa kakatawa sila Kiara at ang mga kasama niya. Hindi ko pala na silent yung phone ko ng tignan ko kung sino nag text si Maddy lang pala.

"Pre may surprise kami sayo" text ni Maddy.

Hindi ko nalang ito pinansin baka pagtitripan nanaman ako ng mga ugok na yun. Ng pumasok na yung prof namin ay nagsi-ayos na yung iba.

"Goodmorning Class so bago tayo mag start sa lesson natin gusto ko munang malaman niyo na may mga bago kayong classmates" sabi ni prof tili naman ng tili yung iba.

"Sana naman pogi" rinig ko pang sabi ng isa naming kaklase na halatang pogi lang habol.

"Okay student pwede na kayo pumasok at magpakilala sa mga bago niyong kaklase" dagdag pa ni Sir.

Napahawak ako sa sentido ng isa isang pumasok ang sinabi ni Sir na mga bago naming kaklase at nagpakilala na sila isa isa.

"Goodmorning classmates so magpapakilala muna kami my name is Summer" pangunguna ni Summer.

"Skylar" ikling pagpapakilala ni Skylar taray ha.

"Madison or Maddy nalang for short" si Maddy naman.

"Victoria ang pinakamaganda" kita ko namang binatukan siya ni Summer.

"Im Sydney diba ganda ng name ko like me" mahangin na pagpapakilala ni Sydney na agad namang sinagot ni Maddy.

"Asan yung maganda diyan Sydney" tinignan naman niya ito ng masama.

"Hello classmate Im Xian" nakangiti niya pang pagpapakilala. Narinig ko namang napatili yung baklang kaibigan ni Kiara.

"Kiyo" tipid na pagpapakilala ni Kiyo nag taka sila Summer dahil sa inasal ni Kiyo kahit ako ay nagtaka din hindi naman siya ganyan.

"OMG ang gaganda at ang popogi nila girl"tili naman ng mga babae sa harap na mukang clown.

" Okay welcome to the class student maari na kayong umupo dun sa likod mga bakante yun" at agad namang nag si upo ang mga kumag si Maddy at Victoria ay dun umupo sa harap namin ni Kiara dahil bakante naman yon. Si Kiyo naman ay sa likuran ko bali mag katabi sila ni Max. At yung iba ay sa likod na umupo

"Diba pre sabi ko sayo may surprise kami " naka ngising sabi ni Maddy.

"Bakit naman naisipan niyo pa mag transfer Tsk." Inis na sabi ko. Hindi naman sa ayaw ko sila kasama mga takas mental din kasi to ehh puro kalokohan lang alam.

"Syempre andito ka alam mo namang idol ka namin HAHAHA" Tsk hindi ko nalang siya pinansin.

"Bakit parang kulang ata kayo" takang tanong ko kagabi ko pa kasi napapansin na wala yung apat.

"Si Kendal baka bukas pa may sakit kasi yun kaya nga wala din siya sa gimik natin kulang ata sa bebetaym" sabi ni Maddy.

"Si Lee naman kakauwi niya lang kanina galing U.S biglaan kasi siyang pinatawag ng Dad niya kaya wala din siya kagabi." Si Victoria naman yung nag sabi.

"Eh si Aila at Winter" tanong ko.

"Si Aila saka Winter baka bukas pa din busy pa kasi si Aila si Winter naman baka sinosuyo pa limang babae niya" dugtong pa ni Victoria na kinatawa ko naman. Pansin ko parin na hindi nag iingay si Kiyo.

"Maddy anyare kay Kiyo" tanong ko kay Maddy

"Hindi din namin alam bakit bigla siyang nagka ganyan okay pa naman yan kanina hinarot niya pa nga yung matandang Principal kanina" pagpapaliwag ni Maddy.

"Hayaan niyo nalang muna yan baka binusted nung principal kaya nag ka ganyan" bulong naman samin ni Victoria napatawa nalang kami sa sinabi niya.

"KIARA POV"

Rinig ko pa ang usapan ng tatlo pinagsawalang bahala ko nalang yun hindi ko din naman kilala mga binabangit nila.
Pansin ko din na mula nung pumasok yung mga transferee dito bigla nalang tumahimik si Max dati kung may transferee ang ingay nito daig pa may microphone kung sa lakas ng boses.

Hinarap ko siya at tinanong
"Bess okay ka lang ba"

"Oo naman Bess" ngumiti siya ng pilit.

"Hmm okay sabi mo yan" sagot ko sa kanya pero hindi talaga siya okay ramdam ko yan mamaya ko nalang siya tatanongin.

"So class bukas meron pa kayong apat na classmates na darating bukas so please lang welcome niyo sila ng maayos mga siraulo pa naman kayo minsan." Natawa ako sa sinabi ni sir. Baka sila yung tinutukoy ng tatlo kanina na kaibigan din nila.

"Balik na tayo sa klase natin" dagdag pa ni Sir. Nakikinig lang kami sa topic ng biglang nag bell.

"Assignment niyo na yang sa page 69 tommorow morning habang wala pa ako dapat napasa niyo na yan sa table ko and pwede na kayong lumabas" pagkalabas ni Prof ay agad kaming nag ayos.

"Tara na mga bakla sa cafeteria na tayo" yaya ni Kieanran samin ni Max. Tumango naman ako at tumayo na pati na din si Max.

Nasa cafeteria na kami at hinihintay nalang namin si Dean at Max sila na kasi ang nag prisenta na mag order. Ng biglang magsalita si Kienran.

"Ang pogi ni fafa Xian noh " Napatawa naman kami ni Selene ng dahil sa sinabi niya.

"Kadiri ka kien ikakalat mo na naman yang ka badingan mo" sabi ni Selene sa kanya.

"Bakit ba si Kiara nga babae din gusto support naman kayo sa kanya bakit sakin ganyan kayo kakatampo na kayo ha" nagpanguso naman siya na ikinatawa ko.

"HAHAHA ang pangit mo kienran" tinarayan niya naman ako.

"Support din kami sayo noh kaso bawas bawasan mo yang kaharutan mo minsan kasi nagangarap ka ng gising" mas natawa pa ako ng dahil sa sinabi ni Selene kay Kienran.

"Oy ano yan bakit ang saya niyo ata" tanong ni Max na kadadating lang kasama si Dean.

"Pano itong si Kienran pinagnanasahan yung bago nating classmate yung Xian HAHAHA" Tawa na sabi ni Selene.

"Mga bakla wag kayo maingay nasa kabilang table lang pala sila" bulong na sabi samin ni Kienran. Napatingin naman ako sa kabilang table ngayon ko lang napansin na nasa kabila lang pala sila. Nakita ko namang masamang nakatingin sakin yung unggoy tinaasan ko naman siya ng kilay at pinaikotan niya naman ako ng mata.

"Kita ko yun HAHAHAHA astig mo pala mag taray Luna" rinig kung panunukso sa kanya ng isa niyang kasama yung Sydney ba yun. Tinignan niya naman ito ng masama. Pero yung mga kasama niya ay tinatawanan lang siya.

MOMENTS OF LOVE (GXG)Where stories live. Discover now