CHAPTER 3

50 24 4
                                    

KIARA'S POV

"Bess usap usapan kanina sa hallway na may bagong transferee daw saka maganda." Sabi ni Max na halatang excited din makita yung transferee.

"Hindi yun maganda bess nagpapaniwala ka naman sa mga chismiss" pagpapalinaw ko sa kanya.

"Wait wag mo sabihin na yung transferee saka yung girl na kasama mo sa condo mo is iisa?" Curious na tanong niya.

"Hasyt yup" cold na sagot ko

"Naku bess sana talaga maging classmate natin siya para makilala ko din siya" tili na naman niya, tung babaeng to pinaglihi ata sa bulate.

Napatigil si Max sa pagtitili ng biglang pumasok yung panot na guro namin.
"Goodmorning class so ngayon may bago kayong classmate okay Miss Zeverion pumasok kana at magpakilala ka" pagkasabi ni sir panot ay may biglang pumasok na unggoy at itong katabi ko naman ay tili ng tili kesyo ang ganda daw duhh yan na ba ang maganda para sa kanya.

"Goodmorning Everyone Luna Amon Zeverion" cold na pagpapakilala niya

"Bess feeling ko magiging tomboy narin ako tapos jojowain ko siya ang ganda niya" bulong ni max sa akin at bigla ko naman siya binatukan.

"Alam mo mag aral ka nalang saka kung magiging tomboy ka man support ako pero yung jowain mo yan nako wag nalang" pangangaral ko sa kanya.

"Ito naman hindi ka naman mabiro joke lang di naman kita aagawan sayo na siya" Pinagsasabi nitong babaeng to.

"Pinagsasabi mo Max kadiri ka" napatawa naman si Max dahil sa sinabi ko.

"Nagseselos ka lang ehh HAHHAHA" Pang aasar niya.

"Miss Smith and Miss Montefalco baka gusto niyo i-share samin pinaguusapan niyo" napatigil sa pag tawa si Max ng biglang mag salita ang panot namin teacher.

"Sorry po Sir" sabay naming sabi ni Max.

"Hindi dapat kayo pwede mag tabi Miss Montefalco dun ka umupo sa likod ni Miss Smith and ikaw Miss Zeverion pwede ka ng umupo sa tabi ni Miss Smith." Shiit ang malas naman ohh minsan talaga ang epal nitong panot nato ang dami namang bakanteng upuan bakit dito pa sa tabi ko pinaupo tung uggoy nato.

"Okay" sagot ni unggoy at umupo na sa tabi ko.

Nag start ng magturo si sir pero ako wala man lang na intindihan kakaantok naman ng tinignan ko yung katabi ko ay seryosong nakikinig sa topic ng titigan ko ang muka niya maganda naman talaga siya pero iwan ko bakit naiirita ako sa pagmumuka niya.

"Ehemm Miss Smith nasa muka ba ni Miss Zeverion ang topic natin" nabigla ako ng biglang magsalita si Sir.

"Ahh w-wala po S-sir" na uutal kong sagot, shiit nakakahiya lahat ng mga classmate ko naka tingin na sakin na halatang aasar ng may magsalita sa kanila.

"Sir baka crush yan ni Kiara" sigaw ni kienran na isa din sa mga kaibigan kong half babae half lalaki inshort bakla. Kaya yung ibang classmate ko ay nakiki-asar na din.

"Shut up moroon" galit na sabi ko kay Kienran at tinignan ko siya ng masama. Pero ang gago tawa parin ng tawa humanda ka sakin mamaya sa labas.

"Okay class stop na balik na tayo sa topic natin" pagsasaway ni sir, Hayyst buti naman at natahimik na sila kaka asar lalo na si Kienran.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Max na halatang nang aasar din kaya tinignan ko siya ng masama, Ng mapalingon ako sa katabi ko nakita ko pa ang pag ngiti niya. Problema nitong unggoy nato di ko nalang ito pinansin at nakinig nalang kay Panot.

"Okay class see you tommorow pwede na kayu lumabas" pagpapa alam ni Sir Panot samin salamat naman recess na gutom nako.

"Bess tara sa cafeteria na tayo gutom nako" pag aaya ni Max sakin.

"Sige gutom na din ako" pagsang ayon ko.

"Luna gusto mo sumabay ka na sa amin?" Umayy naman si Max oh niyaya pa talaga yung unggoy.

"Wag na Max kaya niya na yung sarili niya malaki na yan." Ako na ang sumagot kay Max.

"Eh Bess bago pa lang siya dito wala pa siyang kaibigan." Pagpapaliwanag ni Max.

"Wala akong pa-" naputol ang sasabihjn ko ng biglang mag salita si Luna.

"Okay sama nako sa inyo." at bigla siyang tumayo at nauna na maglakad.

"Bess naman ehh bakit mo pa niyaya yun kainis ka naman" pagrereklamo ko kay Max.

"Ano ka ba Bess ang epal mo naman time ko na to para makilala future mo HAHAHHA" panunukso nanaman ni Max.

"Future mo muka mo chee" Pagtataray ko kay Max at iniwan siyang tumatawa sa loob ng room.

"Oii wait niyo ko" rinig ko pang sigaw niya.

Nasa cafeteria na kaming tatlo ng mag suggest si Max na siya na oorder kaya naghanap nalang kami ng pwesto ni Luna. Ng makahanap na kami ay hinintay nalang namin si Max. Magkaharap lang kami ng pwesto ni Luna kaya kita ko ang pagtitig niya sakin na agad ko namang kinainisan.

"Bakit problema mo?" Pagtataray na tanong ko sa kanya.

" Wala ang pangit mo kasi" Pang-aasar niya.

"Ikaw din naman nilamangan mo lang ako" bigla namang naging seryoso ang muka niya ng dahil sa sinabi ko. Mag sasalita pa sana siya ng biglang dumating si Max. Haysst buti naman at dumating na tong bruhang to gutom nako.

"Tagal mo naman kala ko inorder mo na pati buong cafeteria" inis na reklamo ko kay Max.

"Duh ang haba kaya ng pila edi sana ikaw nag order dun noe para malaman mo" pagpapaliwanag niya pa ngunit di ko na siya pinansin at kumain nalang dahil gutom na talaga ako.

"Hello Luna hindi pa pala ako nakapag pakilala I'm Max" Pagpapakilala niya kay unggoy

"Luna " at nakipag shakehands pa sila.

Tahimik lang kaming tatlong kumakain ng may bigla akong naalala.

"Bess asan pala si Kienran? bakit hindi siya sumabay satin" tanong ko kay Max ng maalala ko yung ginawa niya sa room kanina.

"Hmm kasama sina Dean at Selene nagpaalam sakin kanina hindi daw muna siya sasabay satin natakot ata sayo HAHAHHAA " Sagot ni Max.

Dapat lang siyang matakot dahil sasabunotan ko yung baklang yung pagnakita ko siya akala niya nakalimutan ko na yung ginawa niya sa Room kanina napahiya pako. Nakita ko namang napangisi si Luna.

"Hoy unggoy sa tingin mo ba natutuwa ako at may pa ngiti ngiti ka pang nalalaman diyan di mo naman kinaganda yan" inis na sabi ko kay Luna.

"Wag ka lang mag pakita sakin Kienran dahil kakalbohin talaga kitang bakla ka."

MOMENTS OF LOVE (GXG)Where stories live. Discover now