CHAPTER 10

43 10 4
                                    

LUNA POV

Kanina ko pa tinetext si Kiara anong oras na hindi parin umuuwi. Nakahiga nako ngayon sa kwarto pinipilit kong matulog pero hindi ako makatulog.

"Fuck that kiss" sabi ko nalang sa isip ko. Bigla na naman kasi sumagi sa isip ko yung nangyare kanina hindi ko nga tinuloy yung lakad ko kanina kasi feeling ko ang lutang ko. First kiss ko yun para sana yun sa babaeng mahal ko pero ano bigla nalang nakuha ng Aso na yun. Napabangon ako sa higaan ko ng biglang may nag doorbell. Bumababa agad ako para tignan kong sino, bumangad naman sakin si Max na inaalalayan si Kiara lasing na lasing.

"Sorry ang dami kasing ininom alam niya naman na hindi pa siya sanay" Sabi ni Max agad ko namang kinuha si Kiara sa kanya.

"Sige mauna nako nahihilo na din ako alagaan mo yan ha" nakangising dagdag ni Max.

"Sige ingat ka sa daan" pagpapaalala ko naman sa kanya. Dinala ko na si Kiara sa kwarto niya nabigla ako ng bigla siyang nagising.

"Sino ka" nakangiting tanong niya na halatang lasing na lasing.

"Ang ganda mo naman pwede bang girlfriend nalang kita hehe" kinikilig niya pang sabi. Nararamdaman ko na namumula na yung pisnge ko.

"Shut up lasing kana" sabi ko nalang sa kanya.

"Sinong lasing ha hindi ako lasing" sigaw niya. Nagulat nalang ako ng hilahin niya ang damit ko at hinalikan niya ako sa labi my heart beating fast ang lambot ng labi niya.

"Ang bango mo naman babe" nakangiting sabi niya, at bigla na din siyang nakatulog.

Lutang akong naka upo sa gilid ng kama ni Kiara bakit ganito bumibilis yung tibok ng puso ko. Inayos ko nalang yung pwesto niya at lalabas na sana ako ng mapansin kong bukas yung drawer agaw pansin naman ang isang maliit na box agad ko itong tinignan. Halos hindi ko maigalaw yung katawan ko ng makita ko yung kwentas na binigay ko dati sa babaeng nag ligtas sa akin. Ngayon ko lang din napansin ang picture sa ibabaw ng drawer niya.

"Si Kiara yung babae" hindi makapaniwalang tanong ko sa isip ko.

Bumalik na ako sa kwarto ko, hindi ako makatulog nasasagi parin sa isip ko na yung babaeng matagal ko ng hinahanap ay nasa tabi ko lang pala.

K.I.N.A.B.U.K.A.S.A.N

Dahil linggo ngayun at walang pasok Maaga akong nagising at bumaba agad ako sa kusina para ipagluto si Kiara ng pagkain, hindi ko din alam kong paano ako nakatulog kagabi. Masaya ako dahil iisa lang si Kiara at yung babaeng hinahanap ko.

"Ngayong alam ko na ikaw yung babaeng hinahanap ko sisiguraduhin ko akin ka lang" Sabi ko nalang sa isip ko.

KIARA POV

Nagising ako ng tumunog yung selpon ko nag text pala si Max, hindi ko nalang ito pinansin dahil ang sakit ng ulo ko dahil siguro to sa kalasingan ko kagabi. Pinikit ko nalang ulit yung mga mata ko arghh hindi pa pala ako sanay uminom. Napadilat ako ng marinig kong may pumasok.

"Here eat this alam kong may hang over ka pa kaya ako na nagdala dito" nakangiting bungad sakin ni Luna. Ano kaya nangyare sa kanya hindi naman siya ganito dati.

"T-thank you" utal na sagot ko naalala ko pa kasi yung kiss arghh.

"Subuan na kita" Pagpiprisenta niya.

"Ah hindi ako na hindi naman ako na putulan ng kamay hang over lang to" sagot ko sa kanya. Kaya tumango naman siya. Umupo siya sa harap ko at pansin ko na tinititigan niya akong kumain.

"May dumi ba ako sa muka" takang tanong ko.

"Wala naman pakabusog ka" Nakangiting sagot niya. Kinakabahan nako sa babaeng to baka kambal ni Luna to tapos pinag titripan lang nila ako.

"Ako parin to " dagdag niya pa, nanlaki naman yung mga mata ko pa ano niya nalaman yun. Tumango nalang ako saka inubos yung dala niyang pagkain.

"Ahm Luna pwede magtanong" Tanong ko sa kanya habang nililigpit niya yung pinagkainan ko.

"Sure" sagot niya naman.

"Ikaw ba nag nadala sakin dito sa kwarto kagabi" Tanong ko.

"Wala naman siguro akong ginawa or mga sinasabi diba" Dagdag ko pa. Nakita ko namang nakangiti siya.

"Wala naman" sagot niya habang palabas ng kwarto, napabuntong hininga naman ako, ng bigla siya tumigil sa harap ng pinto.

"Maliban nalang dun sa sinabi mo na gusto mo akong maging girlfriend at hinalikan mo ko" nakangisng sabi niya bago niya sinara yung pinto. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Nagawa ko ba talaga yun" Nagpagulong gulong pa ako sa kama habang inaalala kung totoo ba yung sinasabi ni Luna.

Bumangon na ako at naligo sa banyo, kailangan ko mag sorry sa kanya ang tanga mo naman kasi Kiara sana nakinig ka nalang sa mga kaibigan mo kagabi na wag sumobra ng inom yan tuloy paninisi ko pa sa sarili ko. Bumababa na ako at naabutan ko si Luna na nasa sala nanonood ng tv lumapit ako sa kanya.

"Ahm Luna y-yung tungkol sa kagabi s-sorry" Sabi ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Its okay alam ko naman na lasing ka lang" nakangiti niyang sagot sa akin.

"K-kahit na nakakahiya" nakayukong sabi ko.

"May goodnews pala ako" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Yung babaeng sinasabi ko sayo nahanap ko na siya" Sabi niya na may malapad na ngiti. Kaya siguro bigla nalang siyang nag iba nahanap niya na pala yung babaeng mahal niya bakit nasasaktan ako. Ngumiti naman ako sa kanya ng pilit.

"Congarts" nakangiti kong bati sa kanya. Nagulat ako bigla nalang siyang lumapit sakin at siniksik ang ulo niya sa leeg ko habang nakaharap siya sa tv, magrereak pa sana ako ng magsalita siya.

"Stay lang tayo ng ganito" nakapikit na sabi niya. Ang lakas ng heartbeat ko ano ba Kiara may mahal na siya kaya lang siya ganyan kasi masaya siya, hinayaan ko na lang siya.



MOMENTS OF LOVE (GXG)Where stories live. Discover now