LUNA POV
"So iisa lang pala si Kiara at yung babaeng hinahanap mo" Malakas na tanong ni Maddy.
"Ano ba Maddy wag ka nga maingay baka mamaya biglang sumulpot si Kiara marnig pa tayo" Pagsusuway ko kay maddy. Andito kami ng mga tropa ko sa ngayon beanch nakatambay.
So hindi pa alam ni Kiara" tanong naman ni Skylar.
"Hindi " ikling sagot ko.
"And please wag niyo munang sabihin sa kanya" Dagdag ko pa. Agad namang silang tumango.
"Sabi ko na nga ba si Kiara talaga yung para sayo" natatawang sabi ni Lee.
"Parang hindi mo naman sinabi yan kahit kailan Lee " Pang iinis ni Summer.
"Kahit kailan talaga ang epal mo" naka ngusong sagot ni Lee kay Summer. Napatawa nalang kami. Pumasok na kami sa room ng mapansin namin yung oras malapit na pala yung first period.
Week passed andito kami ng mga tropa ko sa condo ni Kiara nagsurprise visit kasi yung mga kumag. Nakayakap ako ngayon kay Kiara habang yung iba naman ay nanonood ng movie.
"Kiara yung ice cream mo inubos ni Xian" Sigaw na sumbong ni Kiyo. Kita ko namang napanguso si Kiara.
"Kapal ng muka mo nakikain ka din naman" sagot ni Xian kay Kiyo.
"Kiara bili ka nalang ulit mayaman ka naman diba" Dagdag pa ni Xian.
"Ibibili nalang kita" Nakangiting sabi ko sa kanya. Nakita ko namang napangiti siya.
"Eww lason mahiya naman kayu samin dito pa kayo naglalandian" Naiinis na sabi ni Aila.
"Shut up Aila pag inggit pikit" sabi ko, Inikotan niya naman ako ng mata.
"Edi kayu na may jowa" Sabi niya at nanood ulit ng movie.
"Hindi kami mag jowa" Napatingin naman sila kay Kiara ng nag salita ito.
"Sa tingin niyo hindi pa kayo jowa sa lagay niyo na yan halos hindi nga kayo mapaghiwalay" Natatawang sabi ni Kendall. Napayuko nalang si Kiara at halatang namumula yung pisnge.
"Luna kaylan mo pala balak sabihin sa kanya nahanap mo na yung babaeng hinahanap mo" Tanong ni Lee na halatang si Kiara yung tinutukoy niya.
"Kaya nga ng magka label na" Dagdag naman ni Winter.
"Hindi ko pa alam" Sagot ko. Nagulat nalang kami ng biglang tumayo si Kiara.
"Ahm maiwan ko muna kayo inaantok kasi ako enjoy lang kayo diyan" Sabi niya sabay alis at pumunta sa kwarto niya.
"Anyare dun" Takang tanong ni Victoria.
"Sundan mo Luna" Agad namang utos ni Maddy sakin. Tumango nalang ako at umakyat sa taas na daanan ko pa si Kiyo at Xian na nag aagawan ng mga pagkain.
KIARA POV
Iniwan ko na sila sa baba, nasasaktan kasi ako sa topic nila oo nahuhulog nako kay Luna pero hindi ko lang pinapahalata. Nahiga ako sa kama ng naramdaman ko na may pumasok.
"Bakit ka biglang umalis dun" Hindi na ako lumingon dahil alam ko ng si Luna yung pumasok.
"Masama ba pakiramdam mo" Dagdag na tanong niya.
"Hindi noe inaantok lang talaga ako saka okay lang ako" sabi ko nalang sa kanya pero hindi ko parin siya nilingon. Ng bigla kong maramdaman na tumabi siya sa akin at niyakap ako habang naka talikod sa kanya.
"Hmm may problema ka ba" Tanong niya habang nakayakap sakin.
Hindi ko siya maintindihan bakit ganito siya sakin nahanap niya na yung babaeng matagal niya ng hinahanap pero bakit ang sweet niya lagi sakin minsan iniisip ko kung pinagtitripan niya ako. Iiwasan ko nalang siya. Tatayo na sana ako para pumasok sa banyo.
"Wait iniiwasan mo ba ako" Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako. Hindi ko siya sinagot.
"Tell me Kiara may nagawa ba ako" Dagdag niya pa. Ngayon ay hindi ko na napigilang umiyak at hinarap siya.
"Tinatanong mo pa talaga yan Luna iiwasan na kita kasi nasasaktan nako" iyak na sabi ko.
"N-nasasaktan saan" naguguluhang tanong niya.
"Nasasaktan ako sa mga pinapakita mo sakin diba nahanap mo na yung babaeng matagal mo ng hinahanap kung masaya ka dahil nahanap mo na siya sa kanya ka maging sweet Luna naman kung gusto mo lang gumanti sakin dahil sa pang iinis ko sayo dati wag naman sana sa ganitong paraan ka gumanti kasi habang pinagtitripan mo ko ako namang si tanga nahuhulog sayo kaya please lang tigilan mo na to" Mahaba kong sabi sa kanya habang umiiyak. Nagtaka naman ako bakit siya naka ngiti. Bigla niya naman akong niyakap ng mahigpit.
"Shh Kiara makinig ka sakin" Sabi niya habang yakap ako.
"Oo nahanap ko na siya Kiara at yung babaeng tinutukoy ko ikaw yun" Dagdag niya pa habang tinititigan ako.
"A-ako" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Oo at nalaman ko lang na ikaw yun ng makita ko yung kwentas na binigay ko sayu dati hindi ko muna sinabi sayu na ikaw yun kasi gusto ko muna na marinig galing sayo na mahal mo ko" Mahabang paliwanag niya. Yung kwentas bigla akong limingon sa drawer ko.
"Naalala mo nung lasing ka sorry if nakialam ako sa drawer mo pero hindi ako nagsisi na nakialam ako non kasi that night yung pinakamasayang gabi ko kasi nahanap ko na yung babaeng mahal ko inshort na hanap na kita" nakangiting Dagdag niya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko lalo na ng malaman ko ang lahat. Nagising nalang ako sa pagkatulala ng bigla niyang punasan yung mga luha ko ay hinalikan ako sa noo.
"Ngayong na hanap na kita pina pangako ko na hindi na kita iiwan" Sabi niya at bigla akong niyakap ng mahigpit niyakap ko din siya. Narinig namin na parang may nag bubulungan sa labas ng kwarto ko agad namang tumayo si Luna at pumunta sa pinto bumungad naman sa kanya ang mga kaibigan niya na halatang nagulat ng makita si Luna na masamang nakatingin sa kanika agad silang nagsi takbo pabalik sa sala.
"Mga chismosa" bulong ni Luna na ikinatawa ko ng isara niya na yung pinto ay bigla akong tumakbo sa kanya at hinalikan siya sa labi, halatang nagulat pa siya.
YOU ARE READING
MOMENTS OF LOVE (GXG)
FanfictionAko si Princess Kiara Smith isang babaeng takot mag mahal muli ng dahil sa takot din akong masaktan ng paulit ulit, ngunit ang takot na yun biglang nag iba ng makikila ko ang isang babaeng kinaiinisan ko ngunit sa huli ay mamahalin ko pala ng lubusa...