CHAPTER 7

41 13 3
                                    

KIARA POV

Malapit ng mag-uwian naisipan kong kay Max na ako sumabay gusto ko din kasi siyang kausapin parang ang lalim kasi ng iniisip niya ngayong araw.

"Hmm monkey mauna kana umuwi mamaya kay max na ako sasabay" pagpapaalam ko sa kanya. Nakita ko namang napalingon yung kaibigan niyang si Maddy na parang nagtataka.

"Why" cold niyang sagot.

"It's none of your bussiness" pang-gagaya ko sa linya niya, narinig ko pa ang pagsabi niya ng gaya gaya pero hindi ko nalang pinansin.

"Okay" sagot niya.Nag ayos na kami para umuwi ng harapin ko si Max.

"Bess sabay na ako sayo may pupuntahan kasi si Luna" pagpapalusot ko.

"Sige ba ikaw pa tara na labas na tayo" nagpaalam na kami sakanila ni Kienran gagala daw muna sila kasama niya sina Dean at Selene.

Habang nag dadrive si Max ay hindi ko na napigilang magtanong.

"Hmm Bess pansin ko lang kasi kanina na parang may problema ka" tanong ko.

"Sinabi ko naman sayu kanina na okay lang ako bess ano ka ba wag ka mag alala sakin ako pa" Pagbibiro niya pa.

"Wag ako Max kilala kita alam ko na may problema ka wag ka na mag sinungaling" tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Oo na sasabihin ko na wag kana mag taray" tawa niya pang sinabi sa akin.

"Sige makikinig ako" seryosong sagot ko.

"Yung Kiyo kanina Ex ko siya" gulat akong napatingin sa kanya ng dahil sa sinabi niya.

"Bakit hindi ko alam yan nag jowa ka ng hindi man lang nagkukwento sa akin" may pagtatampong sabi ko sa kanya.

"Saka paano kayo nagkakilala" dagdag ko pa.

"Sasabihin ko na talaga yun sayo Bess kaso nag break kami" Pagpapaliwanag niya.

"Saka nagkakilala kami sa isang bar na pagmamay-ari niya niyaya kasi ako gumimik ng pinsan ko non" dagdag niya pa.

"Gaano ka tagal na ba kayo non months ba" Tanong ko.

"Hindi lang months Bess" Malungkot na sabi niya.

"So years? At years mo din tinago samin yun" Taray na tanong ko.

"Hindi" Ikling sagot niya.

"Ano nga" Naiinis nako sa babaeng to pabitin.

"3 days" Sabi niya habang naka focus lang yung tingin sa daan.

"Nalaman ko kasi na dare pala yun tangina bess pinagtripan ako" Nakangusong sabi niya. Hindi ko alam kung ano erereak ko sa kwento ni Max pero natatawa ako sa kanya HAHAHA paano naman kasi sinabi niya din na siya ang nanligaw ng dahil daw sa kalasingan kaya ayon na pagtripan siya.

Naka uwi na ako ng condo pagpasok ko ay may napansin akong nagluluto sa kusina agad akong sumilip at nakita kong nagluluto si Luna, marunong din pala mag luto itong unggoy na to akala ko kain lang alam nito.

"Kakauwi mo lang" tanong niya ng mapansing nasa pinto ako.

"Oo" tipid na sagot ko at umupo muna ako at pinanood siyang magluto.

"Bakit ka nga pala andito sa pilipinas" tanong ko sa kanya mula kasi ng andito na siya sa condo hindi man lang kami nakapag usap ng maayos.

"At sa tingin mo sasagutin ko yan" agad na sagot niya. Napanguso nalang ako hayyst bakit pa kasi ako nag tanong ehh wala palang kwenta kausap to.

"Mas lalo kang pumangit pag nakanguso" Pang-aasar niya pa.

"Magbabakasyon namiss ko din kasi mga kaibigan ko and meron din akong hinahanap isang babaeng special para sakin" agad na sabi niya.

"Yung nga transferee kanina yun ba mga kaibigan mo" Tanong ko.

"Oo parang mga takas mental lang yun pero solid kasama yung mga kumag na yun," swerte niya din pala sa mga kaibigan niya.

"Hindi pa nga kompleto yun wala pa yung apat" dagdag niya pa.

"Bakit nga pala sa section natin sila lahat na punta buti pumayag yung principal" takang tanong ko.

"Hinarot daw ni Kiyo yung principal kaya napapayag nila" sagot niya.

"Sabagay maharot din naman yung principal kahit gurang na" nakita ko namang napatawa siya sa sinabi ko.

"Pansin ko nga ang landi ng tingin nung Kien kay Xian" napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Oo pakisabi nalang sa kaibigan mo wag na pansinin yung baklang yun nantitrip lang yun" Pagpaliwanag ko.

"And about dun sa babaeng hinahanap mo ang malas niya" dagdag ko naka ngiting sabi sa kanya.

"Why" nakakunot noong tanong niya.

"Kasi isang unggoy naghahanap sa kanya" pang iinis ko, biglang sumama ang tingin niya saakin HAHAHA wala lang gusto ko lang siya inisin ang cute niya kasi mainis.

"What did you say" sabi niya na masamang naka tingin sa akin.

"HEHE n-nakalimutan ko m-magbibihis nga pala muna ako" napatayo ako at nauutal na sumagot sa kanya. Tumakbo na ako paakyat ng kwarto para magbihis now ko lang din na pansin na hindi naman pala talaga siya cold moody lang. Ng matapos akong magbihis pupunta na sana akong kusina ng mapansin ko ang isang maliit na kahon sa drawer ko binuksan ko ito at napangiti ako ng makita ko yung kwentas na binigay saakin nung magandang babaeng tinulungan ko.

"Sana magkita ulit tayo" sabi ko nalang sa isip ko at agad na binalik sa drawer yung kwentas.

Bumalik na ako ng kusina sakto namang tapos na magluto si Luna masama parin ang tingin niya sakin.

"Oyy sorry na nagbibiro lang naman HHAHAHAHA" Paghihingi ko ng tawad sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa akin.

"Bakit" nagtatakang tanong ko.

"Wala naman sa lahat kasi ng pang iinis mo sakin ngayon ka lang nag sorry" Pagpapaliwanag niya. Kaya napatango nalang ako.

"Let's eat may pasok pa tayo bukas" dagdag niya pa. Di nalang ako sumagot at agad na umupo, tahimik lang kaming kumakain pagkatapos naming kumain ay ako na ang na presinta na maghugas ng pinggan pagkatapos ko ay agad na akong unakyat sa kwarto at naghilamos bago matulog.

"LUNA POV"

Nauna na akong umakyat sa kwarto pagkatapos naming kumain nag half-bath agad ako at nahiga pagkatapos hindi parin ako makapaniwala na nagsorry si Kiara nakakapanibago lang hindi kasi bagay sa kanya. Bigla ko namang naalala yung babaeng hinahanap ko nararamdaman ko na parang nahanap ko na siya na nasa paligid ko lang siya.

"Sana magkita na tayo" sabi ko nalang sa isip ko

MOMENTS OF LOVE (GXG)Where stories live. Discover now