KIARA POV
Andito ako ngayon sa table ko hinihintay si Luna sabi niya kasi siya na ang mag hahatid sakin pa uwi, kaya tinext ko nalang si Mang Kevin na wag niya na ako sunduin. Ng matapos ni Luna ang mga ginagawa niya ay agad na din kaming lumabas ng office niya, puro tinginan ang nakikita ko sa mga kasama ko dahil magka holding hands kami ni Luna. Tinangal ko ang kamay ko sa kanya at bigla naman niya akong tinignan ng mapansin niya yung mga tinginan ng mga empleyado niya.
"Guys listen" Bigla niyang sabi kaya nag si tinginan ang mga empleyado sa kanya. At bigla niya ding hinawakan ang kamay ko.
"Gusto kong ipakilala sa inyo ang girlfriend ko si Ms.Smith kaya mula now wag na kayo mag taka kung bakit lagi kami mag kasama" Pagpapakilala niya pa saakin, napayoko nalang ako dahil sa hiya feeling ko namumula na yung pisnge ko. Nagpalakpakan naman ang nga kasama ko at nag congrats pa. Pagkatapos non ay dumeretso na kami sa parking lot, ng nasa kotse na kami ay nag taka ako kung bakit hindi niya pa inistart.
"Bakit may naiwan ka ba sa loob" Takang tanong ko, pero imbes na sagutin niya ko ay bigla niya akong niyakap.
"Wifey 5 minutes namiss lang kita kayakap" Paglalambing niya naman kaya hinayaan ko nalang siya at niyakap din.
"Wifey doon ka na kaya matulog sa condo ko" Pagpapacute niya.
"Hmm paano si mommy baka hanapin niya ko" Sagot ko naman.
"Oo nga pala may sakit pala si tita now" Malungkot na sabi niya, sa totoo lang natatawa ako sa kanya ang cute niya.
"Sige na nga tetext ko si Precious kung may kasama siya mag bantay kay mama" Nakita ko namang napangiti ang loko. Tinext ko agad si Precious kaya napangiti nalang ako ng mag reply siya na umuwi daw ng pilipinas si Jasmine para dalawin si mommy.
"Tara na wifey umuwi na tayo sa condo mo" Agad niya naman ako tinignan.
"Pinayagan ka" Masayang tanong niya.
"Oo at andon din naman daw yung pinsan ko may kasama naman si Precious" Nakangiting sagot ko. Kaya agad niya ng inistart yung kotse papuntang condo niya, magkahawak kamay pa kami ni Luna habang nag dadrive siya, ng makarating na kami sa condo niya ay umakyat na kami sa unit niya.
"Ang ganda din pala dito sa condo mo" Manghang sabi ko.
"Ahh oo pero mas maganda parin yung condo mo wifey" Sagot niya naman.
"Dun ka muna sa sala wifey magluluto muna ako para magkapag dinner na tayo" Sabi niya kaya tumango nalang ako hinalikan ko muna siya bago ako pumunta umopo sa sofa. Nanood nalang ako ng netflix at naisipan ko naman na itext yung apat na okay na kami ni Luna at sinabi ko na din na sa condo ako ni Luna matutulog, kaya ayon kilig na kilig naman ang nga abnormal, hinayaan ko nalang sila.
LUNA POV
Nagluluto ako ng sinigang at adobo para mapakapag dinner na kami ni Kiara. Sinilip ko siya sa sala at nakita kung busy siya sa phone niya kaya hinayaan ko nalang siya at pinag patuloy ang pag luluto ko. Habang busy ako sa niluluto ko narinig ko na bumukas yung pinto ng kusina hindi ko na ito pinansin dahil alam ko namang si Kiara yun, ng bigla niya akong yakapin habang naka talikod.
"Wifey malapit na to maluto tapos kakain na tayo saka bakit ka andito tapos ka na ba manood ng netflix" Sabi ko habang niyayakap niya parin ako.
"Dito nalang ako boring naman mga palabas, Hmm wifey na miss ko yung luto mo" Sabi niya habang hinahalikan niya yung leeg ko, napangiti naman ako sa ginagawa niya.
"Wifey nakikiliti ako" Sabi ko naman aa kanya pero hindi niya parin ako pinansin at pinag patuloy parin ang paghalik sa leeg ko.
"Hindi halatang na miss mo ko wifey kung makayap ka parang wala ng bukas" Sabi ko sa kanya na naka ngisi.
"Wag mo nalang ako pansinin magluto ka na diyan dito lang ako hmm" Sagot niya at hinalikan niya ako sa chiks ng paulit ulit. Natawa nalang ako sa inasal ng girlfriend ko kaya isa din to sa na miss ko sa kanya yung pagiging sweet niya.
Tinapos ko nalang ang niluluto ko samantalang si Kiara naman ay nakayakap parin sakin. Ng matapos ako magluto ay agad na kami kumain sarap na sarap si Kiara kumain samantalang ako ay nakatitig lang sa kanya.
"Bakit hindi ka pa kumakain wifey wala sa muka ko yung pagkain" Tanong niya ng mapansin na naka titig ako sa kanya.
"Makita lang kita busog na ko" Sagot ko.
"Naku ka kornihan mo Ms. Luna" Sabi niya naman.
"Okay sabi ko nga kakain na" Pagtatampo kung sagot sa kanya, tinawanan niya naman ako.
"HAHAHA sorry na ako talaga yung corny" Tawa niya pang sabi.
"Chee" Tipid na sagot ko ng bigla na lang siyang lumapit sakin at hinalikan ako sa labi.
"Sorry na subuan nalang kita" Sabi niya na ikina pula ng pisnge ko, wala na umiral na naman yung karupukan ko.
Kumain na kami minsan ay sinusubuan ako ni Kiara ang sweet niya, Pagkatapos namin kumain ay si Kiara na ang nag prisinta na maghugas ng pinggan kaya umakyat nalang muna ako sa taas para mag halfbath. Pagkalabas ko ng banyo sakto naman ang pagpasok ni Kiara sa kwarto ko pinahiram ko na rin siya ng damit at siya naman ang pumasok sa banyo.
"Wifey anong oras kayo pupunta sa bahay bukas" Tanong ni Kiara, nakahiga na kami ngayon sa kama ko ng magkayakap.
"Hmm mga dinner wifey hahatid nalang kita bukas sa inyo tutal day off mo naman" Sagot ko naman sa kanya.
"Hmm nakakahiya naman mag day off pa eh 5 days na nga ako absent" Nakangusong sabi niya. Hinalikan ko naman siya.
"Ano ka ba wifey day of is day off saka mabuti din yan para maka pagpahinga ka 5 days kang nag bantay sa mommy mo diba kaya need mo mag pahinga" Sagot ko naman. Kaya tumango nalang siya. At niyakap ako ng mahigpit.
"Hmm wifey hindi to panaginip di ba" Bigla kong sabi na ikinakunot ng noo niya.
"Panaginip yung alin" Takang tanong niya.
"Ito yung kayakap kita now saka kung panaginip man to sana hindi nako magising" Sagot ko naman. At bigla niya akong hinalikan sa labi, ano kaya kinakain nito sa korea at ang hilig mag nakaw ng halik.
"Hindi ka na nanaginip wifey totoo lahat to" Nakangiting sagot niya. Napangiti naman ako lalo na ng halik halikan niya yung leeg ko .
"Sleep na tayo wifey may work ka pa bukas" Sabi niya na ikinatango ko.
Siniksik niya yung muka niya sa leeg ko at niyakap ako ng mahigpit. Ang saya ko ngayong araw sana ganito nalang lagi habang nag iisip ako ay hindi ko na mamalayan na naka tulog na pala ako.
YOU ARE READING
MOMENTS OF LOVE (GXG)
FanfictionAko si Princess Kiara Smith isang babaeng takot mag mahal muli ng dahil sa takot din akong masaktan ng paulit ulit, ngunit ang takot na yun biglang nag iba ng makikila ko ang isang babaeng kinaiinisan ko ngunit sa huli ay mamahalin ko pala ng lubusa...