KIARA POV
Andito ako ngayon sa airport at hinihintay ang sundo ko naka uwi din ako ng Pilipinas. Napatayo ako ng makita ko si Mang kevin.
"Ma'am pasensya na po natagalan ako traffic po kasi" Paghihingi ng paumanhin ni Mang kevin.
"Okay lang po yun Mang Kevin saka bakit po pala ikaw yung sumundo sakin asan po pala yung driver" Takang tanong ko.
"Ako na po yung pinasundo ng mommy niyo maam nag leave kasi yung driver manganganak kasi yung asawa niya" Paliwanag naman ni Mang kevin. Kaya napatango nalang ako.
"Tara na po maam at baka napagod kayo sa biyahe kanina ka pa din hinihintay ng mommy mo" Dagdag pa ni Mang Kevin.
Pinasok na ni Mang Kevin ang mga maleta ko sa kotse. Naabutan kami ng traffic nakita ko din sa malaking bulletin board ang picture ni Luna. Napaka asinsado niya na. Nakarating na kami ng bahay at agad akong sinalubong ni Mommy naawa ako kay mommy dahil ang laki ng pinayat niya.
"Baby imiss you kanina ka pa namin hinihintay ng kapated mo" Salubong saakin ni mommy sabay yakap.
"Na miss ko din kayo mommy" Sabi ko naman sa kanya.
"Ate andito kana pala" Salubong din sakin ni Precious.
"Ako nagluto ng paborito mong pagkain" Naka ngiting dagdag niya.
"Tara na kumain na tayo para makapag pahinga ka na anak alam kong napagod ka sa flight mo" Sabi ni Mommy.
"Sige po mommy na miss ko din kayo ka sabay kumain" Sabi ko naman sa kanila.
"Alam na ba nila ate Max na andito ka na sa pilipinas ate" Tanong naman ni Precious habang kumakain kami.
"Alam nila na uuwi ako pero hindi nila alam na ngayon gusto ko sila esurprise" Sagot ko naman.
"Paano yung trabaho mo dun anak" Tanong naman ni Mommy.
"Nag resign ako mom and dito nalang ako maghahanap ng trabaho" Sagot ko naman.
"Iwan ko ba sayu ate bakit kasi ayaw mo pa pumayag sa offer ni Daddy na ikaw mamahala sa isang company natin dito" Sabi naman ni Precious.
"Nasabi ko na sa inyo yan di ba ayaw ko saka hindi pa ako ready sa mga ganyan ganyan mas masaya pag sarili mong pera ginagastos mo hindi yung aasa lang ako kina mom and dad" Sagot ko naman sa kanya. Tumawa naman si Mommy.
"Ikaw talaga mana ka sa daddy mo kung hindi lang namatay yung lolo mo hindi pa papayag na siya na hahawak ng kumpanya kasi mas gusto niya gumastos ng pinaghirapan niya" Sabi naman ni Mommy. Kaya napatawa nalang kaming tatlo.
"By the way anak pinalinis ko na yung condo mo kung gusto mo" Dagdag pa ni Mommy.
"Mom kaya nga ako umuwi di ba para maalagaan ka kaya dito nalang ako sa bahay" Naka ngiting sagot ko sa kanya.
"Ikaw bahala anak" Sabi naman ni Mommy.
Pagkatapos naming kumain ay nauna na akong umakyat sa kwarto ko napagod din ako habang nakahiga ako sa kama ay hindi ko maiwasang isipin kung kumusta na ba sila ni Luna, at yung mga tropa niya. Hasyyt ano ba yan bakit ko pa sila iisipin ehh diba nga naka move on nako pero naka move on nga ba talaga. Habang nag iisip ako ay hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako.
YOU ARE READING
MOMENTS OF LOVE (GXG)
FanfictionAko si Princess Kiara Smith isang babaeng takot mag mahal muli ng dahil sa takot din akong masaktan ng paulit ulit, ngunit ang takot na yun biglang nag iba ng makikila ko ang isang babaeng kinaiinisan ko ngunit sa huli ay mamahalin ko pala ng lubusa...